SB : 35 (She's Awake)

659 12 0
                                    

Katherine's Pov

Nag-uumpisa na ang party ng biglang may babaeng dumating.

Napatingin ang lahat sa kanya. Lahat ay namangha, nagandahan sa kanya.

Sa kabilang dako naman ay mga nakangiti ang kanyang kaGang habang nakatingin sa babaeng palapit sa kanila.

"Ang ganda mo Queen."

"Ano ba! Sumisipsip ka na naman ee."

"Manahimik nga kayo. Parehas naman kayong sipsip ee."

"Tsk. Tsk. Pero tama naman sila ee. Ang ganda ni Queen."

"Asus. Kampihan daw ba naman ang mga sipsip."

"Grabe ka ha!"

"Nasaan si Athena?"

"Ayy! Naku! Kathy Fernandez. Ayun tulog pa rin hanggang ngayon."

"Lagi naman yung ganun. Sanay na ako."

Dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Nasaan ako?

Uupo na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko.

Napapikit ako dahil dun.

Pero may nakita lang akong isang vision.

Grupo sila at lahat sila ay nakangiti sa akin.

Sila Aria. Sila Kira.

Minulat ko ang mata ko at saka hinilot ang sintido ko.

Aria? Siya yung babaeng nameet ko sa America back then.

Kira? Sino sila?

Anong koneksyon nila sa akin?

Napabuntong hininga na lamang ako.

Naguguluhan na ako, bakit ibang memorya ang naaalala ko? Bakit hindi yung mga alaalang kasama sila Gabriel?

Nung mga nakaraang araw, masyado na akong maraming naaalala. Inaalis ko na lamang sa isipan ko pero para itong may sariling isip dahil bumabalik ulit ito. May mga tao akong nakikita pero never ko pang nakita.

Yung litrato dun sa opisina ni Kathy nakasama ang mga magulang niya.

Hindi ko na alam kung sino ba talaga ako?

Masyado na akong naguguluhan kaya kailangan ko ng humanap ng sagot.

Nasa ganun akong pagmumuni ng biglang may pumasok.

"Gising na po pala kayo. Kamusta naman po kayo?"Magalang na saad ng nurse

"Ayos lang ako. Ano bang nangyari?"Tanong ko dito

"Sabi ni Doc ng collapse daw po kayo."Saad nito

"Kelan pa ako dito?"Tanong ko ulit

"Isang linggo na po."Saad nito

Hindi ko na siya pinansin. Pinilit kong bumangon. Nang makabangon ako ay tumayo agad ako at saka naglakad papunta sa couch.

Nakita kong may paper bag dito.

"Ano ito?"Tanong ko

"Mga damit niyo po."Saad niya

Kinuha ko ang mga ito at saka naglakad papunta ulit sa kama ko.

Tinagtag ko ang nakakabit sa kamay ko at saka naglakad papunta sa cr.

Papasok na sana ako sa cr ng bigla akong pigilan ng nurse.

"Dumudugo po ang kamay niyo."Saad nito

Tiningnan ko naman ang kamay ko na kung saan ko tinagtag ang nakakabit dito.

Dumudugo ito at walang tigil.

"Ako ng bahala dito."Saad ko at saka pumasok sa cr

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Maputla ang labi ko.

Maputla ang buong mukha ko.

Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin. Tiningnan ko naman ang mga paper bag.

May dress. May black pants. May white t-shirt. May hoodie. At may flats din.

Hinubad ko ang hospital dress at saka ko nilinis ang buong katawan ko.

Pagkatapos kong linisin ang buong katawan ko ay nagbihis ako ng hoodie at nung black pants. Sinuot ko rin ang flats na nandun sa paper bag.

Pagkatapos kong magbihis, nag-ayos muna ako ng sarili ko at saka lumabas ng cr.

Paglabas ko ay nandun pa rin yung nurse.

"Aalis po kayo?"Tanong nito

"Hmm."Saad ko at saka naglakad papunta sa pinto

Pero pinigilan na naman niya ako.

"Pwede ba?"Angil ko rito

Napayuko naman siya.

"Bigyan mo ako ng pera."Walang gana kong saad dito

Napatingin siya sa akin at saka umiling.

"Wala kang pera? O Ayaw mo lang akong bigyan?"Walang gana kong saad

"Me--meron naman po kaso one thousand lang po yung nas---"

Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"Dami pang satsat, give me your money. Faster."Saad ko dito, agad naman niyang kinuha sa bulsa niya ang pera at saka inabot sa akin

"Salamat."Saad ko at saka lumabas ng kwartong yun

Naglakad na ako palabas ng hospital. Nasa kalagitnaan na ako ng biglang akong mapahawak sa pader.

Sumasakit na naman ang ulo ko. Pinikit ko ang mata ko.

Shit.

Napasandal na ako sa pader dahil sa kirot na nararamdaman ko.

Ahhh. Shit.

Minulat ko ang mata ko at saka napatingin sa kisame. Pinikit ko ang mata ko at saka pilit na inalala ang mga alaalang nalimutan.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

I hope you like it.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon