Katherine's Pov
Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse. Pinagmasdan ko pa muna ang bahay at saka ako pumasok.
Bigla akong napabalik sa labas ng mapagtanto ko na hindi ko man lang binuksan ang pinto.
"Andyan na kasi si Kira kaya bukas na yung bahay."Natatawang saad ni Athena
Napairap na lang ako at saka pumasok muli ng bahay.
"Kain na kayo."Pagbungad ni Kira
"Hindi ako nagugutom."Saad ko at saka umakyat
Narinig ko pang sumigaw si Kira pero hindi ko na ito pinansin.
Pagkarating ko sa tapat ng kwarto ko ay agad akong pumasok at nahiga.
Nakakapagod.
Nakakapagod ang araw na ito.
Ipinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kira's Pov
Napatingin na lang ako kay Athena ng magdire-diretso si Kathy paakyat. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"Pagod yun."Saad ni Athena
"I see."Saad ko na lamang
"Pero baka magulat siya bukas na bukas na lahat ng kwarto."Dagdag ko pa
"Edi ulitin mo bukas para hindi na siya magulat."Saad niya at saka pumasok ng kusina
Pagkapasok ko sa kusina ay agad akong naupo.
"Hindi mo man lang ba ako hahainan?"Tanong ni Athena ng makaupo
"Nakahain na lahat, ikaw nga lang maglalagay ng kanin at ulam mo sa plato."Pagtataray ko
"Buti naman at hindi na sunog ang luto mo."Natatawang saad niya
"Wag ka na lang kayang kumain."Inis kong saad
"Sayang naman to, kung walang kakain."Natatawa niyang saad
Imbis na patulan pa siya ay kumain na lang ako.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapaisip.
"Infairness ha, masarap ka na rin magluto."Pagpupuri niya
"Thank you."Pagpapacute ko
"Wag ka ngang magpacute. Nakakaani ka."Natatawa niyang saad
"Nga pala, anong sabi nila Angelo?"Tanong ko
"Masaya sila."Simpleng saad niya
"Anong ginawa nila?"Takang tanong ko
"Ano ba ang dapat nilang gawin?"Takang tanong niya rin sa akin
"Syempre, lulundag sila sa tuwa kasi buhay si Kathy. Magpaparty kasi buhay si Kathy."Saad ko at napairap naman siya
"Alam mong hindi nila gawain yun."Saad niya at napatango na lang ako
"Basta alam nilang buhay si Kathy at nakaligtas ito sa ginawang paghihiganti ni Emerald, masaya na sila."Saad niya
Hindi na ako umimik at kumain na lang ako.
Kung ordinaryo rin kami kagaya ng iba, siguro ganun ang gagawin namin pag nalaman namin na yung isang mahalagang tao sa amin ay buhay pero hindi kami ordinaryo. Ang bawat isa sa amin ay may ginagampanan sa Gang World.
Julia's Pov
Nasa bahay kami ni DeeJhay ngayon. Anong ginagawa namin? Wala. Mga nakatingin lang kami sa isa't isa.
"Teka nga. Bakit kami nagpunta dito kung magtitinginan lang pala?"Tanong ko at nagkibit balikat naman sila
"Wala ka bang balita kay Katherine?"
Napatingin naman ako kay DeeJhay dahil sa tanong na yun.
"Wala eh. Since nung birthday ni Annika."Saad ko
Napabuntong hininga muna si DeeJhay at saka nagsalita.
"Feel ko kasi may masamang nangyari eh. Since nung dumating si Athena sa rest house tas bigla na lang umalis at hindi na nagpakita."Saad ni DeeJhay
"Saka diba? Bigla na lamang nagmadaling umalis sila Aria nung birthday ni Annika eh hindi pa naman tapos?"Dagdag pa niya
"Busy siguro. Kaya umalis na agad sila."Saad ni Alex
"Busy? As in lahat sila? Nagpapatawa ka ba?"
Napaisip na lamang ako.
"Kung may nangyari mang masama eh di sana alam na natin."Saad naman ni Elmo
"Anong malay natin? Malay mo may nangyari ngang masama pero hindi talaga nila pinaalam sa atin."Saad naman ni Diego
"Nakwento ko na ba sa inyo yung nahuli kong nag-uusap si Aria at Kira?"Tanong niya sa amin at napailing naman kami
"Natatandaan mo ba Julia nung inutusan mo akong hanapin si Kira?"Tanong naman niya sa akin at napatango naman ako
"Nung inutusan ako ni Julia na hanapin si Kira ay nadatnan ko si Kira at Aria na nag-uusap. Narinig ko sa kanila yung katotohanan so nacurious ako at tinanong sila pero ang sabi lang nila si Katherine. Si Katherine lamang ang may karapatan na magsabi sa akin about sa katotohanan."
"Ano naman katotohanan yun?"Takang tanong ni Janella
"Hindi ko rin alam."Saad ni DeeJhay
"Kailangan mong makausap si Katherine."Saad ni Chie
"Paano ko siyang makakausap eh hindi siya magpakita?"
Napabuntong hininga na lamang si DeeJhay at saka sumandal sa couch.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.