SB : 78

459 6 0
                                    

Athena's Pov

Lumipas ang araw, buwan. Ganun pa rin si Kathy. Seryoso minsan magtataray pa. Busy siya lagi. Nahawa na yata kay Gabriel. Masyadong workacholic. Hindi siya lumalabas ng opisina niya. Lalabas lang ito kung kakausapin o ipapatawag siya ng UnoKwatro.

Pinagawan niya ng secret room ang opisina niya para dun na rin siya tutulog at liligo. Dinadalhan na lang siya ng pagkain.

"Pinapatawag ni Kathy."Bungad ni Ella ng pumasok ng opisina

"Bakit daw?"Takang tanong ko

"Hindi ko alam eh."Saad niya at saka nahiga sa couch

Tumayo na ako at saka lumabas.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Kathy ay may naririnig akong bulungan.

"Ang sabi nga nila, tapos na daw gampanan ng Reyna ang dapat niyang gampanan."

At marami pang iba.

Pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng opisina ni Kathy ay hindi na ako kumatok.

"Gusto mo raw akong makausap?"Bungad ko at saka naupo sa harap niya

"Tapos na ang gampanin ko. Ikaw na ang ipinalit ko sa tronong ito."Saad niya at nagulat naman ako

"Si Diamond naman ang inatasan kong magpaliwanag kila Julia."Dagdag pa niya

"Nagawa na rin ni Kenneth ang lahat ng sinabi ko. Uuwi na lang ako ng pilipinas ang kulang."Dagdag niya uli

"May sasabihin ka pa ba?"

"Bukas na ang koronasyon, tatatoan ka na nila bukas rin. Sa isang bukas naman ay lilipad na tayo papuntang pilipinas. Dissmiss."Saad niya at saka tumayo't lumapit sa akin

"Pinagkakatiwalaan kita, kaya ko pinaubaya sayo ang tronong ito."Saad niya at saka ako tinap sa balikat

Narinig ko naman ang pagbukas sara ng pinto.

Para akong naistatwa na sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung paanong magrereact.

K I N A B U K A S A N

Maaga akong ginising nila Kira para ayusan. At Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.

"Grabe, ikaw talaga ang pinalit niya. Baka naman nabigla lang si Kathy."Natatawang saad ni Kira

"Wag ka nga."Natatawa kong saad

"Hindi pa rin ako makapaniwala, ikaw na yung reyna."Namamanghang saad naman ni Lish

"Asus, ang sabihin mo hindi ka pa rin makapaniwala kasi ang ganda ng nililigawan mo."Biro naman ni Yna

"Mag-uumpisa na raw."Saad ni Abigail

"Sayang hindi matutunghayan nila Jaime ang pagiging reyna mo."Malungkot na saad ni Brett

"Busy kasi sila eh."Simpleng saad ko

Bumuntong hininga naman muna ako at saka naglakad palabas ng opisina, ramdam ko naman na sumunod sila.

Habang naglalakad papunta stadium ay hindi ko maiwasang mapangiti sa mga dinadaanan kong tao. Pinupuri nila ako.

Nang marating ko ang stadium ay agad nila akong pinaglakad sa mahabang red carpet.

Lahat ay nakangiti.

Ganitong ganito rin nung kinoronahan si Kathy.

Nakakaba pero napakasaya ng nararamadaman ko.

Nang marating ko ang altar ng stadium ay pinatayo nila ako sa harap ng UnoKwatro.

Nginitian ko sila at ganun rin sila sa akin. Pinaharap ako sa pintong malaki para magbigay galang sa Reynang papasok.

Nagbukas ang malaking pinto at saka pumasok si Kathy. Nagpalakpakan ang lahat at saka nagbow upang magbigay galang.

Habang naglalakad siya sa gitna ay pinagmamasdan ko siya. Napakaganda niya.

Nakadress lang siyang hanggang talampakan. Kulay puti ito na may design. May design itong mga bulaklak tas paV ang hati ng dress niya sa harap. (See the multimedia)

Para siyang santa na sinasamba ng lahat. Lahat ay nakabow pa rin hanggang sa makarating siya sa harap ko.

Ngumiti ito sa unang pagkakataon at dahil dun napayakap ako sa kanya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala."Bulong ko sa kanya at saka tinagtag ang yakap

"Kailangan mo ng paniwalaan."Nakangiti nitong saad

Humarap siya sa UnoKwatro at saka nagbigay galang. Ngumiti naman ang UnoKwatro sa kanya.

Kinakabahan na ako.

Lumapit ang isang lalaki kay Monster at saka may inabot dito. Alam kong yun ang pangtattoo.

"Lumakad ka palapit kay Monster."Utos ni Lil sa akin

Sumunod naman ako.

"Tumalikod ka at ibaba mo ng kaunti ang suot mo."Utos naman ni Ya

Sinunod ko naman.

Maya maya pa ay naramdaman ko ng tumayo si Monster.

"Hindi ito masakit, kaunti lang."Rinig kong saad niya at saka siya may dinagan sa likod ko

Napakagat labi naman ako. Hindi daw masakit. Masakit na masakit.

Tinanggal naman ni Kathy ang dinagan sa akin at saka ako itinalikod sa maraming tao.

"Siya si Athena Baretto, siya ang napili kong pumalit sa ginagampanan ko. Tanggapin niyo siya ng buong puso gaya na lamang ng pagtanggap niyo sa akin."Saad ni Kathy

Naghiyawan naman ang lahat ng tao dahil sa sinabi ni Kathy. Humarap ako sa maraming tao at saka nagbow sa kanila.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

3 chapters to go!

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon