Katherine's Pov
Nagising ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na sinag ng araw sa balat ko.
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.
Nasaan ako?
Kaninong kwarto ito?
Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
Nagcollapse na naman ako?
Bakit nagiging madalas naman ata?
Tss.
Bumangon na lamang ako at nagdiretso sa Cr. Nagmumug muna ako bago lumabas ng kwarto.
Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakita akong sala.
Sala sa second floor?
Nagkibit balikat ako at saka nagtungo doon sa sala.
Nilibot ko ang mga mata ko at nahagip ng mata ko ang isang frame na nakataob.
Lumapit ako sa cabinet kung saan nakapatong ang frame na nakataob.
Muntik ko ng mabitiwan ang frame dahil sa nakita ko. (See the multimedia)
Si Julia, kasama ang isang babaeng kamukha ko.
Si Kathy siguro ito.
Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Your awake."
Napalingon naman ako sa nagsalita.
Si Diego.
"She's Kathy Fernandez. She's one of the famous fashion designer in whole world. Fiance siya ni DeeJhay Padilla. Siya ang nagmamay-ari ng Kathena Adorable."Saad nito at saka naupo sa sofa.
"Kaibigan namin siya. May anak-anakan siya si Steffanie. Kaya nakataob yan ay dahil ni DeeJhay. Tuwing makikita niya yan ay nasasaktan pa rin siya. Why? Simple lang. She's dead."Diego at ngumiti ito ng matamis.
Bigla naman akong napahawak sa ulo ko ng maramdaman kong kumirot ito.
Napapikit ako at bigla na lamang may nakita akong babaeng duguan na nakawedding gown.
Napamulat naman agad ako sa nakita ko.
Ano yun?
"Hey, Are you okey?"Nag-aalalang tanong ni Diego.
Tumango ako dito at saka inabot sa kanya ang frame.
"Thanks sa pagpapatulog sa akin."Saad ko at saka naglakad pababa ng hagdan
Walang tao sa sala ng makababa ako. Kaya nagdire-diretso na lamang ako palabas ng bahay.
Hinanap ko kung saan nakapark ang kotse ko at nang mahanap ko ito ay agad akong sumakay.
Papaandarin ko na sana ang kotse ko ng bigla na namang sumagi sa isip ko ang nakita kong vision.
Sino yung babaeng duguan na yun?
Bakit siya na aksidente?
Naiuntog ko na lamang sa manibela ang ulo ko dahil sa visiong nakita ko kanina lamang.
°•°•°•°
"Manang."Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.
Papasok na sana ako ng kusina ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.
"Wala si Manang, pinagbakasyon ko muna sa probinsya nila."
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.