Katherine's Pov
Nang makarating kami ng hotel ay dali dali akong pumasok sa loob habang dala ang kahon na nakita ko sa kwarto. Bigla akong nahinto sa tapat ng elevator. Ghad!
18
..
17
..
16
..
15
..
14
..
13
..
12
..
11
..
10
..
09
..
08
..
07
..
06
..
"05, 04, 03, 02, 01." Bulong koSaktong pagbukas ng elevator ay agad akong pumasok at saka pinindot ang floor ko.
Pauli-uli ako sa loob ng elevator. Tuwing may nagtatakang pumasok ay agad ko itong sinasara.
Nanginginig na ang kamay ko pero parang ang bagal ng minuto, pag-andar ng elevator.
"GHAD! BILIS!"Naiinis kong sigaw
Napakagat labi na lang ako ng isang floor na lang, floor ko na.
Napahinga ako ng maluwag ng biglang ..
*ting*
Pagkating palang ay agad na akong lumabas.
Dire-diretso na ako sa hotel room ko pero agad akong nahinto nung nasa tapat na ako.
Ibinaba ko muna ang kahon at saka kinapa ang card na magbubukas sa pinto pero agad akong nainis ng wala akong makapa. What the!
Agad akong napahilamos sa mukha.
Nasaan yun?
Kinapa ko pa ulit ang jeans ko, nagbabakasakaling baka may susi pero wala.
"Ugggggggggh!"Inis kong sigaw
Sa inis ko ay nasipa ko na ang pinto at agad naman itong nagbukas.
Nagulat pa ako nun pero wala na akong paki.
Pinulot ko naman agad ang kahon at saka pumasok sa loob. Agad ko namang inilagay sa lamesa ang kahon at saka patakbong dinamba ang kama.
Nahiga ako at saka hinanap kung nasaan ang phone at nakita ko naman.
Tiningnan ko kung may tawag o text at hindi nga ako nagkamali.
100 message at ang ilan ay galing kay Gabriel.
200 calls at ang lahat naman niyon ay galing kay Gabriel.
Bumuntong hininga muna ako at saka dina-dial ang number ni Ethan.
Answer the phone pleaaaase.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng biglang may sumagot.
"Hello?"
"Ethan?"
"Ethan is not here. Why?"
Agad ko namang naibaba ang tawag.
Napabuntong hininga naman ako. Wala na akong ibang contact sa kanila.
Bumangon naman agad ako at saka inayos lahat ng gamit ko.
"My ghad! Bakit ngayon ka lang?"Inis kong tanong kay Ronnie
"Sana kasi hindi ako nahirapan ipark yung kotse."Saad niya
Naupo siya sa couch at saka sinandal ang ulo sa sandalan ng couch.
"Teka nga! Bakit sira yung pinto?"Tanong niya habang ganun pa rin ang posisyon
"Sinipa ko."Natatawa kong saad
"Nga pala, bakit mo inaayos mga gamit mo?"Tanong niya pero nakaupo na siya ng husay
"Aalis na ako dito."Saad ko at saka inayos ang laman ng maleta ko
"So, tutulungan kita?"Tanong niya
Inirapan ko naman siya at saka ipinagpatuloy ang pag-aayos.
Nang matapos ang pag-aayos ay nagpatulong ako kay Ronnie.
Siya yung may dala nung itim na kahon at saka yung kahon na isa pa at saka yung maleta, siya na rin pinagdala ko ng lahat kong gamit kaya ang lagay niya pabalik balik siya hehe.
"Tapos na. May nakalimutan ka?"Tanong ni Ronnie
"Hindi ko makita ang laptop ko."Saad ko
"Na kay Kira."Saad nito na pinagtaka ko
"Bakit nasa kanya?"Takang tanong ko
"Nung na aksidente ka siya ang nag-alam, siguro'y nakita niya ang laptop mo sa kotse mo."Saad niya at napatango naman ako
"Btw, saan ka tutuloy?"Tanong niya
"Kila DeeJhay?"
"Wag na dun! Sa Mansion na lamang para may kasama si Manang."Saad niya at napatango na lamang ako ulit
Habang nasa biyahe ay biglang sumagi sa isip ko ang private cemetery ni Abby sa Florida.
Alam kong si Katherine yung nakalibing dun. Yung totoong Katherine!
Napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko maisip na sa isang taon na pagsasama namin ay magagawang itago ni Gabriel ang lahat.
"Andito na tayo."Rinig kong saad ni Ronnie
Bumaba naman agad ako at saka inilibot ang paningin.
"Nasaan tayo?"Takang tanong ko
"Headquarters."Simpleng saad niya
Pinagmasdan ko naman ng maigi ang labas ng bahay bago ako sumunod kay Ronnie.
Pagpasok ko sa loob ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Sila yung nasa litrato.
Ngumiti sila sa akin at ganun na rin ako sa kanila.
"She's back."Nakangiting saad ni Kira
Ngumiti naman ako ng mapait.
"Queen."Nakangiting pagtawag ni Aria
"Your back again."Nakangiting saad ni Mikaela
"Magpapahinga muna siya."Saad naman ni Ronnie
"Okay. Basta bukas kwentuhan tayo ha."Nakangiting saad ni Angelo
"Btw, where's Yna?"Takang tanong ko
"Naku! Wala ka pa yatang naaalala masyado. May anak na sila ni Angelo."Natatawang saad ni Gino
"Wow! So, sino na lang ang hindi pa nag-aasawa sa inyo?"Natatawa kong saad
Agad naman silang nagturuan na ikinatawa ko.
"Si Kira naman talaga ee."Saad ni Aria
"Wow! Nagsalita ang may boyfriend."natatawang saad naman ni Kira
"Will the two of you stop!"Naiiritang saad ni Romce
"Wala ka lang girlfriend ee."Sabay na saad ni Kira at Aria
Bigla naman silang nagtawanan habang si Romce ay masama na ang pininta ng mukha.
"Tara na?"Pagyayaya ni Ronnie at saka umakyat pataas
Sumunod naman ako sa kanya. Habang nasa hallway kami papunta sa kwarto kung saan ako tutulog ay nagkwentuhan kami.
"Paano mo nga pala naalala ang mga gangmates mo/kami?"Tanong niya
"May unti-unti na akong naaalala nun pagkarating ko pa lang ng pinas. Sinasabi ko lang kila Abby na wala. Hindi pa rin naman kasi lingid sa kaisipan kong may amnesia pala ako pero ang masaklap dito ay wala pa akong masyadong maalala tungkol sa amin ni Deejhay."Mahabang salaysay ko
"Dadating ka rin diyan."Saad niya
Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa kwarto.
"Magpahinga ka na. Bukas na lamang ulit."Saad ni Ronnie at saka binuksan ang pinto
Inilapag niya ang mga gamit ko.
"Kunin ko pa yung iba mong gamit. Magpahinga ka na."Saad niya at saka lumabas
Naupo naman ako sa kama at saka dahan dahang nahiga.
Nakakapagod!
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.