SB : 59

401 10 0
                                    

Katherine's Pov

"Namiss ko kayo, Manang."Maluha luha kong saad

Ramdam ko ang pagyakap sa akin ni Manang.

Kumalas ako sa yakap at saka pinagmasdan si Manang.

Matanda na nga si Manang. Maputi na ang buhok niya.

"Iha, ikaw raw ay dito tutuloy dahil ng naholdap ang kotse mo?"Tanong ni Manang

Tumango naman ako sa kanya.

"Maupo ka muna rito, iha. Ipaghahanda kita ng makakain."Saad ni Manang

Aalis na siya ng pigilan ko siya.

"Manang, wag na po. Kwentuhan niyo naman po ako tungkol sa kanila."Saad ko sabay tingin sa malaking portrait na nasa gitna nitong salas

"Naku, iha. Patay na ang mga iyan."Nalulungkot na saad ni Manang

"Manang."Pagsusumamo ko

Ngumiti naman siya at saka hinaplos ang buhok ko.

"May naaalala tuloy ako sayo ee. Yung alaga ko. Pag hindi ako nakakapagkwento sa kanya ay ganyang ganyan siya."Natutuwang saad ni Manang na agad namang nagpangiti sa akin

"Alam mo bang simula nung maipanganak ang mommy ni Kathy ay ako na ang nag-alaga hanggang sa mag-dalaga, mag-asawa ito. Kahit kay Kathy ay ako na rin ang nag-alaga ang kaso lamang ay namatay si Kathy sa araw ng kasal niya. Sumunod naman sa kanya ang Mommy niya, nadepress ito sa pagkamatay ng kaisa-isahan niyang anak. At kalaunan lamang ay namatay na rin ang Daddy niya ng maaksidente ito."Mahabang kwento niya na agad namang nakapagpaluha sa akin, at agad ko din namang pinunasan

"Ay siya, ikaw ay umakyat na sa taas. Ikaw na ang bahalang pumili ng hihigaan mo. At ako nama'y ipagluluto ka."Saad ni Manang at saka naglakad patungo sa isang pinto siguro'y yun ang kusina

Umakyat naman ako sa taas. Habang naglalakad ako sa hallway ay hindi ko maiwasang umiyak. Namiss ko ito.

Dumaan muna ako sa kwarto nila.

Pumasok ako at saka nahiga sa kama.

"I miss you so much Mom, Dad."Bulong ko

Napaluha naman agad ako ng maalala ko ang lahat tungkol sa kanila. Nakatingin lamang ako sa kisame habang inaalala ang lahat.

Maya maya pa ay bumangon na ako at saka lumabas ng kwarto nila. Pinunasan ko naman ang luha ko at saka naglakad patungo sa pangalawang kwarto.

Nang makarating ako ay agad akong pumasok. Kinapa ko sa gilid ang switch ng ilaw. Nang magbukas naman ito ay agad akong pumasok.

Pinagmasdan ko naman ng maigi ang kwartong naiwan ko one year ago?

Naupo ako sa kama at saka pinagmasdan ang litratong nasa harap ko. (See the multimedia)

Agad akong napaluha ng walang alaalang pumasok sa isip ko.

Bakit?

Tumayo ako at saka pumasok sa walk-in-closet pinagmasdan ko ito ng may nahagip ang mga mata ko. Isang kahon? Agad ko naman kinuha ang kahon.

Binuksan ko ito at may nakita akong sulat, binasa ko naman agad ito.

Dear Kathy Patotie ツ

Opppps. Sareh (Sorry). Sorry kung nagawa kong traydurin ka, nagpadala ako sa inggit at galit ko. Nung nalaman ko kasing isa ka ng Reyna ng dalawang gang ay nainggit talaga ako. Nung unang malaman kong nagtayo ka ng gang sa Japan ay hindi ko iyon pinansin. Kung iniisip mo kung paano ko nalaman na nasa Japan ka ay dahil kay Manang sinabi niya sa akin at sinundan kita dun. Nagmakaawa pa ako nun kay Dad para lang makapuntang Japan. Back Then, nakita kita. Gusto kitang lapitan nun kaso nahihiya ako dahil may bago ka ng kakilala. Nagpasya tuloy akong sa Amsterdam na lang ituloy ang pag-aaral. Tas nagulat pa ako ng magkita tayo dun sa Amsterdam at niyaya mo akong sumali sa gang mo. At dun na ako nakaramdam ng inggit at galit. Sorry talaga ha! Nagpadala ako sa galit ko sayo. But i miss you patotie. Nga pala may hihilingin ako sayo kung sakali mang mamatay ako at hindi ko matupad yung pangarap kong maging Fashion Designer ay sana ikaw ang tumupad. Gusto ko ring magkaevent dito sa pilipinas kung saan ko nakilala ang The Best Buddy in Whole Universe. Hihihi. At ikaw yun. At gusto ko sanang Black and White ang Theme ng event tas gusto ko ring sa mismong Birthday ko gaganapin ha! Thankie Patotie. Sana tuparin mo ito. Thanks. Loveyouuu Patotie.

Love, Chabiik

Agad akong napaupo sa sahig habang hawak ang sulat. Tulo lang ng tulo ang luha ko.

Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang mga nangyayari.

Nasa ganun akong posisyon ng makarinig akong may pumasok.

"Kathy--rine?"

Agad akong napatayo at saka tiningnan ang tumawag sa akin.

Hindi ko ito makita dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa kakaiyak.

Naramdaman ko naman ang pagyakap niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Don't cry."Saad nito pero maya maya'y tumahan na rin ako.

Pinunasan ko naman agad ang luha ko at saka tiningnan ang taong yumakap sa akin.

"Ronnie."Pagtawag ko dito

Ngumiti naman siya sa akin.

"Tutulungan kita."Nakangiti niyang saad

Napangiti naman agad ako.

------

"May naaalala na ako tungkol sa amin noon ni DeeJhay pero hindi lahat."Malungkot kong saad

"Mas magandang bumuo ulit kayo ng memorya."Saad nito

"Hindi niya alam na ako si Kathy."Malungkot kong saad

Niyakap naman niya agad ako ng magring ang phone niya.

"Sasagutin ko lamang."Saad niya pero bago niya sagutin yun ay nagpaalam na akong aalis pero hindi siya pumayag.

Hinintay ko pa siyang matapos sa kausap niya.

"Sa sunday na daw ang birthday ni Annika."Saad nito na kinagulat ko

Imbes na magsalita pa ako ay hinila ko na siya pababa habang dala dala ang kahon na nakita ko sa kwarto.

Nang nasa baba na kami ay nakasalubong pa namin si Manang pero tanging ngiti na lamang ang nagawa ko.

Alam kong magtataka siya pero wag muna yun.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya ay tinanong ko siya kung anong araw na ngayon.

"Thursday na. Bakit ba? Saka bakit mo ba ako hinihila?"Sunod sunod niyang tanong

Napatigil naman ako at saka hinarap siya.

"Thursday na? Kailangan kong maalala ang lahat ng tungkol sa amin ni DeeJhay before Sunday at may dalawang araw lang ako para gawin yun."Saad ko

Napakunot naman agad ang noo niya

"Imposible!"Saad niya

"Alam kong imposible pero gagawin kong posible."Saad ko sa kanya at saka ulit siya hinila papunta sa kotse niya

Alam kong para na akong desperada para makaalala pero wala akong pake. Isang taon yung nawala. Isang taon!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kayo na po ang bahalang humusga kung maganda or what hehe.

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon