SB : 29 (Kathena Adorable)

626 11 0
                                    

Katherine's Pov

Napabalik ako sa reyalidad ng bigla kong maramdaman na may humawak sa bewang ko.

Tiningnan ko ito. Kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Are you okey?"Nag-aalala nitong tanong

"Oo naman. May bigla lang sumagi sa isip ko."Saad ko at saka tinagtag ang pagkakahawak niya sa bewang ko

"Let's go inside."Pagyayaya ko

Tinanguan niya ako at saka kami pumasok sa kompanya.

Binabati siya ng mga empleyadong na dadaanan namin.

Ngumingiti lamang ako tuwing sasabihin nilang 'Hi Maam'.

Inilibot ko ang paningin ko.

Hindi ko alam pero parang napakapamilyar ng lugar na ito sa akin.

Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot ng ulo. Hindi ko na lamang pinahalata na sumasakit yung ulo ko.

Sumakay kami sa elevator.

"I hope you are okey?"

"I am."

"Your not, Miss."

"Miles, Im okey."

"Miles."Naiusal ko na lamang

Nagulat ako ng biglang may lumapit sa akin na babae.

"Yes Miss. What can i do for you?"Nakangiti nitong tanong sa akin

Napakunot noo naman ako dahil sa tanong nito.

"Miss, Tinawag niyo po ako."Nakangiti pa ring saad nito

"You are Miles?"Tanong ko dito

"Yes Miss."Nakangiti pa ring saad nito

Hindi ba siya nangangalay sa pag ngiti.

Inilibot ko ang paningin ko kung nasaan ako.

Nakalabas na pala kami ng elevator ng hindi ko namamalayan.

Where's DeeJhay?

"Miss, Si Sir DeeJhay po ay may inasikaso lang."Nakangiti nitong saad

Mind reader ba ito?

"Miss, Hindi po ako mind reader."Nakangiting saad nito

Napairap na lamang ako sa kawalan.

"Kamukha niyo po si Miss Kathy. Alam niyo po bang ganitong ganito din po kami noon. Madalas nga po siyang mapairap na lamang sa kawalan pag naiirita na siya sa akin."Natatawa nitong pagsasalaysay

Iimik na sana ako ng bigla na lamang may tumawag sa akin.

"KATHERINE."

Nilingon ko ito at dun ko nakita si Aria.

"Musta na? Long time no see."Nakangiti nitong saad

"Im okey, Ikaw?"Balik tanong ko dito

"Okey lang din. Tara sa office ko. Let's talk."Saad nito at saka lumakad

Bago ko ito sinundan ay nilingon ko si Miles at saka nginitian bago sundan si Aria papunta sa opisina niya.

Pagkapasok ko sa opisina niya ay inilibot ko ang paningin ko.

Simple ang pagkakadesign ng opisina niya.

White wall.

Glass wall.

Swivel Chair.

Mga manequin na nakaayos.

Couch.

"Sit down."Saad nito at saka naupo sa couch.

Naupo naman ako sa katapat nito.

"So, Anong ginagawa mo dito? Akala ko hindi mo alam kung saan nakatayo ang Kathena dito sa pinas."Nagtataka nitong saad

"Im with DeeJhay."Simple kong saad

"Oohh! So DeeJhay is here too? Where he is?"tanong nito sa akin

"Sabi ni Miles may inasikaso lang daw."Saad ko

"Ahh, Nakapag-usap na ba kayo ni Inigo?"Tanong nito sa akin

Tanging iling lang ang naisagot ko.

"Bumaba ang rate ng Kathena ng umalis ka."Saad nito.

"Alam ko."Simple kong saad

"Alam mo? Pero bakit hindi ka pa rin bumabalik?"Tanong nito sa akin

"Nandito ako sa pinas for vacation. Wala akong balak magtrabaho habang andito ako. Alam mo yun."Saad ko at tumango naman siya

"Pero kailangan ka ng Kathena."Saad nito

Napailing na lamang ako at saka tumayo sa pagkakaupo.

Lumakad ako papunta sa table niya at saka naupo sa swivel chair niya.

Pinaki-ilamanan ko naman ang mga sketch niya.

"So you are the best Fashion Designer, but may kulang."Saad ko at saka kinuha ang lapis nito at saka inayos ang nakita kong mali sa sketch niya.

Hindi ko alam pero gumaan yung pakiramdam ko ng mag-umpisa akong magsketch.

Ngayon ko lang din nalaman na marunong pala ako sa mga ganito.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ang tagal ko ng hindi nagagawa ito.

Nang matapos kong ayusin ang sketch niya ay pinakita ko ito sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin at pinagmasdan ang ginawa ko.

"Kung hindi kita kilala, iisipin kong si Kathy ka. Magaling din siyang pumuna ng mga mali ko. At siya din ang nag-aayos nito."Nakangiti niyang saad at saka inilapag sa mesa niya ang inayos kong sketch niya

Pero hindi ako siya.

Iniisip kong may posibilidad pero agad ko din itong inaalis sa isipan ko.

"But thanks ha!"Nakangiti nitong saad

Tumayo naman ako at saka siya nginitian.

"You miss Kathy that much noh?"Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa labas ng glass wall niya

"Syempre noh! Kung hindi dahil sa kanya wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Alam mo bang basugalera dati ako, pero nung nakilala ko siya yung dating basugalerang Aria ginagamit ko na lang pag kailagan."Aria

Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang biglang pagsakit ng ulo ko.

"Thanks Queen, Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Welcome."

"Alam mo simula ng makilala kita, yung dating basugalerang Aria ginagamit ko na lang pag kailangan."

Alaala?

"Okey ka lang?"

Nilingon ko naman ito at saka ngumiti.

Kung sakaling may possibilidad na tama ang hinala ko.

Mapapatawad ko pa kaya sila.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sino kayang sila?

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon