SB : 36(Abby's Room)

672 12 0
                                    

Katherine's Pov

Pinilit kong tiisin ang sakit ng ulo ko, Nang makarating ako sa lobby ng hospital ay nagpatawag pa ako sa guard ng taxi.

"Saan po tayo?"Tanong nito

Sinabi ko ang address at saka tumingin sa labas ng bintana.

Yung bahay.

Yung garden.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nalilito na ako.

Nasa ganun akong sitwasyon ng biglang tumigil ang sinasakyan kong taxi.

"Mam, andito na po tayo."Saad nito

Kinuha ko sa bulsa ng hoodie ang pera at saka ko binayad sa kanya.

"Naku! Mam, wala po ba kayong 200."Manong

"Keep the change po."Saad ko at saka bumaba

Tiningnan ko ang bahay. Patay ang ilaw.

Tss. Sinong magbubukas ng ilaw kung wala namang tao diba? Duh!

Tss.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin ko ang kwarto ni Abby.

Bumuntong hininga muna ako at saka pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang susi kung saan ko ito itinago at saka lumabas ng kwarto.

Dumiretso agad ako sa tapat ng kwarto ni Abby. Hinawakan ko ang susing may pangalan ni Abby at saka binuksan ang kwarto.

Nang mabuksan ko ay agad akong pumasok. Sinarado ko muna at saka binuksan ang ilaw.

Tumambad sa akin ang malaking kama, malinis na kwarto, may dalawang pinto sa loob ng kwarto.

Lumapit ako sa isang pinto, kulay puti ito. Binuksan ko pero tumambad sa akin ang malinis at organize na organize na bathroom.

Agad din akong lumabas. Naglakad naman ako papunta sa isang pinto. Kulay itim naman ito.

Maybe her closet?

Agad ko itong binuksan at tama nga ako walk in closet niya. Pumasok ako dito at saka inilibot ang paningin.

Ang dami niyang sapatos, heels and dress. Lalabas na sana ako ng mapansin ko ang isang necklace box.

Kinuha ko ito at saka binuksan.

Ang ganda ng kwintas. Letter K ang pendant at kumikinang ito dahil sa mga batong nakapaligid dito.

Agad ko namang sinarado ang necklace box. Ilalagay ko na sana ito kung saan ito nakalagay ng biglang sumakit na naman ang ulo ko.

Napapikit ako dahil dito.

"It's your birthday."

"I know."

"I have a gift for you."

"Wow, ang ganda."

Naimulat ko ang mata ko. Was what that?

Ethan?

Tiningnan ko yung hawak kong necklace box.

Ethan?

Agad kong inilagay sa bulsa ng hoodie ko ang necklace box.

Lumabas na agad ako at saka ko lang napansin ang mga frame na nakadisplay malapit sa kama niya.

Lumapit ako dito. Pinagmasdan ko ang mga frame. Mga picture ni Abby. At sino itong kasama niya. Maybe her sister? (See the multimedia)

Pero ang alam ko ay only child si Abby.

So, who's this girl?

Kinuha ko ang isang frame. Pinagmasdan ko ito at saka ko napansin ang nakasulat dito.

'Kthrn xx Bby'

Pangalang walang vowels?

I knew it.

Napangisi ako dahil dun.

Tss.

Inilapag ko na kung saan ko kinuha ang frame at saka lumapit sa study table ni Abby.

Andito ang laptop niya.

Umupo ako sa upuan at saka binuksan ang laptop niya.

Bumungad sa akin ang wallpaper niyang silang tatlo.

Siya, si IDontWhoisShe at si Gabriel.

Tss. Binuksan ko ang lahat ng files na nandun.

Napatigil ako sa isang files. It seems like familiar?

Saan ko ba ito nakita?

Tumayo ako at saka naghanap sa kwarto niya ng camera or anything na maipipicture.

May nakita akong polaroid sa cabinet niya.

Kinuha ko ito at saka lumapit ulit sa study table niya.

Kinuhanan ko yun ng litrato. At saka ko hinintay na madevelop ang picture.

Tiningnan ko ito at saka pinagmasdan ng maigi.

Nakita ko na ito.

Tiningnan ko ulit ang files. Sinara ko na yung files at saka nagtingin pa. Scroll lang ako ng scroll ng bigla akong mapahinto sa isang file.

Florida

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakaraming pictures.

Inis-scroll ko ito hanggang sa makita ko ang isang familiar na litrato.

Ito yung ...

Hindi ako pwedeng magkamali.

Ito yung private cementery na pag-aari ni Abby.

Agad ko namang kinuhanan ng litrato ito.

Nang matapos ako ay agad kong pinatay ang laptop niya.

Tiningnan ko naman ang hawak kong litrato.

Malapit na. Malapit na malapit na.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

Alam kong marami kayong tanong 😂

Masasagot na yan sa mga susunod na chapters 😘

Ano kayang natuklasan ni Katherine sa kwarto ni Abby?

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon