SB : 71

371 7 0
                                    

Katherine's Pov

"Why did you do that? Bakit mo sinalo ang balang para sa akin?"Naluluha kong saad

"Gab, im so sorry. Im so sorry kasi naging pabigat ako sayo noon. Hindi ka nakakapagtrabaho para lang alagaan ako. Para lang suportahan ako sa pagiging isang modela. Lagi kang andyan for me na hindi ko naman nagawa sayo."

Napabuntong hininga ako at saka pinunasan ang pisngi.

"But then, I need to be strong. Pagkatapos nito, babalik na ako sa mga taong mahal ko. Babalikan ko na sila DeeJhay. But still, itetreasure ko pa rin yung pinagsamahan nating dalawa."Nakangiti kong saad habang nakatingin sa kanya

"Gab, for the last time. Thank you for everything."Nakangiti kong saad

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatayo lamang sa harap ng coffin ni Gab at kinakausap ito ng biglang dumating si Athena at kasama nito ang babaeng kaninang nasa kwarto ko.

"Queen, we need to hurry up. Marami ka pang mga tungkulin na gagampanan upang mapunan mo ang mga araw ng pagkawala mo noon sa Gang world."Seryosong saad ni Athena

Tinanguan ko na lamang ito at saka dun ko lang napansin na kami na pala ang mga tao dito.

"Pinalabas ko sila dahil sa pribadong pag-uusap na ito."Rinig kong saad ni Athena

Napatingin naman ako sa kanila.

"If you didn't still remember, who i am? Im Ky the Uno of the UnoKwatro."Seryoso nitong saad

Nagbow ako dito.

"Bukas na bukas ay kailangan na nating madala sa huling hantungan ang fiance mo."Saad nito

"May isang araw ka lang, Kathy para makapagpaalam kila DeeJhay."Saad ni Athena

"Speaking of them, nasaan sila?"Takang tanong ko

"Walang nakakaalam ng tungkol sa pagkamatay ni Gabriel kundi tayo lamang."Simpleng saad ni Athena

"Nag-uumpisa na ang isang araw mo."Saad ni Ky at saka lumabas ng kwarto

Napatingin naman ako kay Athena.

"Ayusin mo na ang dapat mong ayusin."Nakangiti nitong saad

"Nga pala, nasa kwarto mo na ang dapat mong suotin ngayong araw na ito. Andun na rin ang listahan ng mga dapat mong ayusin."Nakangiting dagdag niya at saka siya lumabas ng kwarto

Napabuntong hininga na lamang ako at saka lumabas na rin ng kwarto.

Pagdating ko sa kwartong sinasabi ni Athena ay agad bumungad sa akin ang napakaraming folder. Isama mo pa yung mga paper bag na hindi mabilang dahil sa dami.

Napailing na lamang ako at saka binuksan lahat ng paper bag para mamili ng masusuot.

Ilang minuto na yata akong naghahanap ng mapipili ng makita ko sa may swivel chair ang isang puting paper bag. Agad naman akong naglakad patungo rito. Agad ko rin namang binasa ang nakasulat sa paper bag.

"Ito nga pala ang susuotin mo ngayong araw :) Haharap ka kasi sa lahat ng board ng Kathena Adorable kaya dapat presentable ka."

Binuksan ko ang paper bag at saka tumambad sa akin ang isang kulay puting long sleeve at saka kulay pink na palda. (See the multimedia)

Agad ko namang nailibot ang paningin ko.

Nasaan ang heels?

Hahanapin ko na sana ang heels ng biglang may kumatok.

"Pasok."Sigaw ko

"I---Anong nangyari dito?"Takang tanong ni Aria

Nagkibit balikat na lamang ako at saka tiningnan ang hawak niya.

"Ano yan?"Takang tanong ko

"Ito nga pala ang heels mo."Saad nito at saka inilapag sa table

"Thank you."Saad ko at saka kinuha ang heels at saka ang damit na susuotin ko

Papasok na sana ako sa c.r ng magsalita si Aria.

"Are you okay?"Tanong niya

Humarap ako sa kanya at saka ngumiti.

"Alam kong hindi ka okay but then, you need to accept the truth and you need to be strong."Nakangiti niyang saad

Tiningnan ko na lamang siya at saka pumasok sa c.r.

Naligo ako at saka nag-bihis at nag-ayos ng sarili.

Napatitig naman ako sa salamin.

"Okay nga lang ba ako?"Tanong ko sa sarili ko at dahan dahan namang tumulo ang luha ko

Aria's Pov

"Where is she?"Tanong sa akin ni Athena

"Patapos na yun."Nakangiti kong saad

"Sa tingin niyo pagkatapos nito, maging okay na kaya si Kathy?"Tanong ni Kira

"Siguro, ewan, baka, oo, hindi."Saad ni Athena

"Naku! Sana maging okay na lahat. Ayoko kasing makita yung Kathy'ng walang emosyon."Saad ko

Napangiti naman si Athena pero halatang pilit.

"Nasaan nga pala si Ethan?"Tanong ko sa mga ito

"Inaayos niya na lahat ang kailangang ayusin sa Kathena."Saad ni Kira

"Ee, si Emerald nasaan?"Takang tanong ko

"Ayun buhay pa naman. Gusto niyang makausap si Kathy kaso sinabi ko na bukas na lang."Saad ni Kira

"Kakausapin para saan?"Takang tanong ni Athena

"Para malinawan si Kathy sa lahat."Saad ni Kira

"H----"Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lamang sumulpot si Kathy.

"Are you ready?"Nakangiti kong tanong pero tinanguan niya lang ako at saka siya naunang lumakad

"Infairness ha, hindi na siya medyo paika ika."Natutuwang saad ni Kira

"Tss. Kahit kelan ka rin ee noh?"Natatawa kong saad

"Kahit maliliit na bagay na papansin."Natatawa namang saad ni Athena

"Sige. Pagtulungan niyo ako."Inis na saad ni Kira at saka umunang naglakad

Natatawa naman kaming sumunod ni Athena.

Pagkarating sa parking ay nadatnan namin si Kathy na nakasandal sa pader.

"Bakit hindi ka pa sumasakay?"Takang tanong ko rito

"Paano siya makakasakay ee, hindi niyo tinuro kung na saan yung kotse? Tss."Natatawang saad ni Kira

"Halika na, Queen. Wag kang sasama sa dalawang yan. Mga ulags ee."Natatawa na naman nitong saad

Habang naglalakad kami papunta sa kinapaparadahan ng kotse ay hindi ko maiwasang panuoring aliwin ni Kira si Kathy.

Napangiti na lamang ako sa inaasal ni Kira. Mukha na siyang ganap na dalaga pero may pagkaisip bata pa rin talaga siya.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon