Cola's Pov
Lahat kami gulat na gulat pa rin hanggang ngayon.
"Hindi ko inaasahang makikilala niya ako?"Tanong ni Athena
"Hindi ko naman inakala na nabubuhay pala ang patay?"Parang tanga na saad ni Taylor
Sinamaan siya ng tingin nito.
"Unti-unti na niyang naaalala ang lahat."Saad ko habang nakatingin kay Katherine na natutulog.
"Pag naalala na niya lahat,"Saad ni Mon
"The war is begin."Nakangising saad ni Taylor
"Hindi niya maaalala ang lahat hangga't hindi niya nasasagot ang mga tanong sa isipan niya."Saad ko
"Wala siyang kamalay malay na gera pala ang nag-aantay sa pagbabalik ng alaala niya."Mon
"Nakita mo naman kung paano bumalik yung Kathy'ng kilala ko nung naglaban sila ni Kira diba?"Pagmamayabang ni Taylor
"She's beautiful outside but demon inside."Nakangising saad ni Athena
"Anong plano mo?"Tanong ko dito
"Ipaalala ang lahat?"Patanong niyang saad
"Naaawa na ako sa kanya lalo na sa batang naiwan niya nung kunin namin siya sa mga ito nung araw na dapat ay ikakasal na siya sa taong mahal niya."Malungkot na saad ni Athena
"Walang may kasalanan sa nangyari."Saad ko
Pinagmasdan ko ang natutulog na si Katherine.
Konting tiis na lang.
Katherine's Pov
It's been three days since nung naospital ako at simula nun hindi ko na sila nakita.
Tiningnan ko ang back pack na nasa couch.
Kailangan ko ng makahanap ng sagot sa mga tanong ko bago pa dumating sila Gabriel.
Tumayo ako at saka naglakad papalapit sa couch.
Nang marating ko na ang couch ay agad akong naupo at saka hinanap ang kwintas na nakita ko sa kwarto ni Abby.
Nang mahanap ko ito ay pinagmasdan ko ito, at saka ipinatong sa couch.
Tumayo ako at saka hinanap ang sling bag ko. Hinahanap ko ito ng may biglang may nagdoorbell.
"SAGLIT."sigaw ko
Pero hindi niya ata narinig ang isinigaw ko, tuloy tuloy pa rin ito sa pagdodoorbell.
Napairap na lamang ako sa kawalan at saka padabog na naglakad papunta sa pinto.
"Sabing sag--"Naputol ang pagsasalita ko ng makita ko ang isang taong may dalang hindi kalakihang kahon. Naka all black ito. Black na hoodie. Basta naka all black siya.
"May lamay ba?"Asar kong tanong dito pero isang "Tss" lang ang natanggap ko.
"Suplado ka na niyan?"Nakangisi ko namang tanong pero isang "Tss" lang ulit ang natanggap ko.
"Who are you?"Mataray kong tanong pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ay inabot niya na lamang ang kahong hawak niya.
Tiningnan ko naman ang kahong hawak ko ngayon. Purong itim ito. May lamay ba? Ang hilig naman niya sa itim.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya ay wala na ito.
Nasaan yun? Ang bilis naman niya?
Nagpalinga-linga pa ako, nagbabakasakaling makita ko pa yung naka all black pero wala na siya.
Pumasok na lamang ulit ako, at saka naglakad patungo sa lamesa at saka nilapag ang kahon.
Pagkalapag ko ng kahon ay agad akong nagtungo sa pinto upang saraduhan ito.
Sumandal ako sa pinto at saka pinagmasdan ang kahon.
Sino kaya yun? Hindi man lang nagpakilala?
Napailing na lamang ako. Masyado ng maraming tanong sa isip ko kaya kung sino man siya, bahala siya sa buhay niya. May balak pang dumagdag sa isipin ko. Tss.
Naglakad ako patungo sa lamesa kung saan nakalagay ang kahon.
Bakit purong itim naman ito? Tss.
May message ito sa ibabaw, kinuha ko ito at saka binasa.
Queen,
Makakatulong ang mga ito.
Ps.Wala itong bomba 😊
May pa-ps-ps pa siyang nalalaman. Tss.
At talagang hindi siya nagpakilala ahh.
Ipinatong ko na lamang sa lamesa ang isang pirasong papel na kulay itim na naglalaman ng mensahe ng kung sino man siya. Pero infairness kulay pulang ballpen ang isinulat niya.
Wait? Parang nakita ko na ang papel na ito.
Kinuha ko ulit ito at saka pinagmasdang maigi. Nakita ko na talaga ito pero hindi ko lamang alam kung saan.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka binuksan ang kahon.
Tumambad naman sa akin ang napakaraming envelope na brown.
Makakatulong ba talaga ito?
Mamaya ko na lamang bubuksan ang lahat ng ito. Sinarhan ko ulit ito at saka naglakad patungo sa kama. Nang marating ko ang kama ay agad akong nahiga.
Napabuntong hininga na lamang ako at saka ipinikit ang mga mata.
Yung papel. Yung napakaraming envelope. Hayss.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Sana nagustuhan niyo.
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.