DeeJhay's birthday turn into Wedding

516 9 0
                                    

Katherine's Pov

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay agad akong bumaba. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa kotseng kanina pang naghihintay.

Pagkadating ko sa tapat ng kotse ay napangiti ako sa nakita ko.

"Mommy."Masayang pagbungad sa akin ni Steffie

She knew the truth. Dinala siya ni Inigo sa japan para makausap ko ng personal.

"Alam mo po ba Daddy DeeJhay doesn't know what's happening now."Saad niya pagkasakay ko sa kotse

"Walang jetlag, jetlag ah."Natatawang biro ni Inigo

"Walang jetlag jetlag sa taong nagbabalik."Saad ko at saka sumandal

Nakaramdam ako ng antok ng pumikit ako. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng koronasyon ay nag-ayos na kami ng gamit. Wala ng ginanap na party dahil ng nagmamadali rin kami.

Naalala ko tuloy kung paano ko kinausap ang UnoKwatro para hilingin na ipalit sa akin si Athena. Natuwa ako ng payagan nila akong maging isang ordinaryo na lamang na mamayan.

"Were here."Rinig kong anunsyo ni Inigo

Minulat ko ang mata ko at saka bumaba. Inilibot ko ang paningin ko.

"Tara na."Pagyayaya ni Inigo

Tumango naman ako at saka hinawakan sa kamay si Steffie.

"Are you ready, baby?"Nakangiti kong tanong dito at ngumiti naman siya

Nang makarating ako sa tent ay agad akong sinalubong ng yakap nila Julia.

"Namiss ka namin, sobra."Naiiyak na saad ni Janella

"Grabe, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala."Saad naman ni Julia

"I miss you so much."Naiiyak ring saad ni Chie at saka ako niyakap

"GROUP HUG."rinig kong sigaw ni Diego

Lahat sila ay lumapit sa akin at niyakap ako.

Nang alisin nila ang pagkakayakap ay agad din silang bumalik sa ginagawa nila.

"One hour na lang."Nakangiting anunsyo ni Elmo

"Ready ka na ba?"Natatawang tanong ni Alex

Tumango na lang ako bilang sagot. Kinuha ko ang gown na susuotin ko at saka pumasok sa isa pang maliit na tent para magbihis.

Kung andito si Gabriel, paniguradong masaya rin siya.

Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko.

Lalabas na ako ng tent dahil tapos na akong magbihis ng biglang may pamilyar na boses ang nagsalita.

"Masyado naman yata kayong nag-abala sa birthday ko."

"Puting puti pa kayo. Ano ako ililibing?"Natatawang dagdag niya

"Tara na DeeJhay."Rinig kong pagyayaya ni Elmo

Namiss ko yung boses niya.

"Labas na. Wala na siya."Rinig kong saad ni Chie

Lumabas naman ako.

"Una na kami ha. Nasabi na ni Kenneth kung anong gagawin namin."Nakangiting saad ni Julia at saka sila lumabas

Lumapit naman ako kila Ethan.

"Mauna na kayo. Ako na bahala sa sarili ko."Nakangiti kong saad at saka naupo sa harap ng salamin

Sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko. Dumaan ang ilang minuto at natapos rin ako.

Naupo muna ako sa silya habang hinihintay ang signal.

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

"HAPPY HAPPY BIRTHDAY."Rinig kong bati ng mga taong andun

Bumuntong hininga ako at saka tumayo't naglakad. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Napakaganda ng venue.

Thanks to Kenneth.

DeeJhay's Pov

"HAPPY HAPPY BIRTHDAY."bati nilang lahat

Napakunot naman ang noo ko. Hindi pa nag-uumpisa ang program ay binati na nila ako.

Lumapit ako kay Diego.

"Bakit binati niyo na agad ako?"Takang tanong ko rito

Nginitian niya ako at saka iniharap sa mga bisita.

"Tayo ka lang dyan."Nakangiti nitong saad

Nagtataka man ay sumunod ako.

Nakatayo ako sa gitna at ang lahat ng bisita ay nagtayuan na rin.

Napakunot naman ang noo ko.

Maya maya ay biglang tumutog ang beautiful in white.

Hindi ko alam pero bigla akong nanabik.

Nagulat na lang ako ng biglang may nagflash na video sa isang malaking Tv. Hindi ko man lang napansin na may tv pala dun.

"Happy happy birthday DeeJhay. Wish you all the best. Iloveyou."

Nakangiting bati ni Katherine. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Simula nung magkwento ako about kay Kathy ay hindi ko na siya nakita. Kahit si Gabriel. Naglaho na lamang sila na parang bula.

"Napangiti ka ah."Rinig kong biro ni Diego

Iimik pa sana ako ng bigla na namang tumugtog ang beautiful in white. Namatay kasi ang tugtog ng bigla na lamang nagflash ang video greeting ni Katherine.

Napahum na lamang ako habang nakatanaw sa gitna.

"Magiging the best birthday mo to."Rinig kong saad ni Diego

Lumingon ako sa kanya pero nakangiti ito sa akin na parang wala ng bukas.

Iniharap naman niya ako sa mga bisita, saktong pagharap ko ay nakita ko si Katherine. Naglalakad siya palapit sa akin. Nakagown na puti ito, tube yung gown niya at napakaganda niya.

Hindi ko alam pero naiiyak na ako.

"Para kang bakla."Natatawang saad ni Diego

"Ano ito?"Takang tanong ko ng makalapit na si Katherine

Ngumiti ito sa akin at saka ako hinalikan. Hindi ko alam pero bumalik ako sa halik niya.

Agad naman kaming kumawala.

"I love you."Nakangiting saad niya

Napakunot naman ang noo ko. Mapapatay ako ni Gabriel pag nalaman niya to.

Bumuntong hininga siya at saka humarap sa PARI?

Kelan pa nagkapari dito?

"Don't worry, dude. Walang magagalit."Nakangiti saad ni Diego

Nag-umpisa na ang pari sa seremonyas. Nakinig lang ako, o di kaya ay tumatango ako kung may tinatanong ang pari.

"I, pronuonce you husband and wife."Nakangiting pag anunsyo ng pari

"You may now kiss the bride."Dagdag pa niya

Imbis na ako ang humalik ay si Katherine ang gumawa. Rinig ko naman ang hiyawan ng lahat.

"Bumalik ako para sayo."Nakangiti niyang saad ng tapusin niya ang halik

"Im Kathy Fernandez your fiance and now your wife."Nakangiti nitong saad

Kahit naguguluhan ay napangiti ako.

"Im so sorry kung huli na kung malalaman mo. Siniguro ko na wala ng hahadlang sa gagawin kong ito."Dagdag pa niya

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Kayo na po humusga :)

She's Back (The DARE Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon