Katherine's Pov
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko at pinaharurut papunta sa teritoryo ng impakta.
Pagdating dun walang mga taong nakabantay. Inaasahan niya siguro ang pagdating ko.
Lumakad ako papasok. At nadatnan ko si Athena na nakaprenteng nakaupo sa akala niyang trono. Nababaliw na talaga siya. Tch.
Sumandal ako sa pader at pinagmasdan siya. Masusunog ang kaluluwa mo sa impyernong impakta ka.
"Kathy, Kathy."Saad niya habang natayo sa trono niyang bulok at nagpalakpak pa ang gaga.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Come on, Kathy. Muntik na akong mamatay."Saad niya
"Sana nga namatay ka na, pero masamang damo ka at anak ka pa naman si Satanas."Saad ko
Pero tumawa lang siya at sumenyas.
May pasenyas senyas pang nalalaman. Tch.Inilabas nung mga tauhan niya si DeeJhay. Nakatali ito sa upuan at mukhang natutulog dahil nakapikit siya.
Gusto kong maluha sa nakikita ko ngayon pero pinipigilan ko.
"Your beloved boyfriend is here."Saad niya. "Alam ba ng mga magulang mo na yung anak nila ay reyna ng dalawang gang."Aniya
Tumawa ako sa kanya bago ako magsalita.
"Malaman man nila, Madali ng lusutan."Saad ko
Ngumisi siya at saka bumunot ng baril.
"Gisingin niyo yan."Saad niya
Sinuntok naman nung tauhan niya si DeeJhay dahilan para magising siya.
Tiningnan ko siya at nag angat siya ng tingin sa gawi ko.
"K--kathy"Mahina niyang saad
"Kathy, Your beloved boyfriend is calling you."Saad niya ng may ngisi sa labi
"Gaga, Sino namang nagsabi sayong boyfriend ko yan?"Saad ko
Bigla namang nanlaki ang mata niya.
"Anong ibig mong sabihin?"gulat niyang tanong
"Come on Athena, Akala ko matalino ka. Boba ka pala. Kukuha ka na nga lang hindi pa tama ang nadampot mo."Saad ko
"Mas gaga ka, Ang dami mong satsat."Tas bigla siyang sumugod sa akin.
Ilag lang ako ng ilag sa kanya.
Sinenyasan ko sila Kirang sumugod na at dali dali naman silang sumugod.
Ilag lang ako ng ilag ng biglang..
"Ahh."Ako sabay hawak sa binti ko
Natamaan niya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang balisong at saka binato sa kanya. Ayun, Bulls eye. Lumapit ako sa kanya at inapakan ang tiyan niya.
"Tuso ka talaga."Sigaw niya at saka hinila ang paa ko kaya nasa ilalim niya ako.
"Dapat pinatay mo na lang ako ng tuluyan. Edi sana wala kang pinoproblema."Athena sabay tutok sa akin ng baril
"Iputok mo."Saad ko
Ipuputok na sana niya ng biglang..
*bang*bang*
Agad siyang natumba, Tiningnan ko kung sino ang bumaril. Tch.
Tiningnan ko si Athena. Nakahalandusay na. May tama siya ng balisong galing sa akin yun. May tama rin siya ng baril sa hita at braso.
"Ngayon hindi ka na makakakilos."Saad ko saka lumapit kay DeeJhay
Pinagmasdan ko siya. Gusto ko ng umiyak. Gusto ko na siyang yakapin. Isang linggo ko siyang hindi nakita. Namimiss ko siya. Pero hindi ang tamang panahon.
Tatalikod na sana ako ng biglang..
"K--Kathy."DeeJhay habang natakbo pero nakatali pa rin ang katawan niya sa upuan. Yung paa lang pala ang hindi.
Napabalik ako sa realidad ng biglang..
*BANG*BANG*
"DeeJhay."Maluha luha kong saad
Nakahalandusay siya, tinagtag ko siya sa upuan.
"K--ka--thy--ma--hal--na--ma--hal--ki--ta."Saad niya at dahan dahang pumikit.
"Wake up, gumising ka."Tinatapik ko ang pisngi niya. Pero hindi na siya nagmulat. At dun na bumuhos ang iyak na ko pang pinipigilan.
Bigla akong napamulat. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si The guy in black disguise also known as Kathy's Prince na nakaluhod habang nakahawak sa kamay ko. Ramdam ko ang pamamasa nun.
Kanina pa ba siya naiyak?
Bigla ko tuloy naalala yung panaginip ko. Si Athena. Binaril niya si DeeJhay.
Para akong batang naagawan ng lollipop ng bigla na lang tumulo ang luha ko.
Alam ko na. Hindi man lahat ay naaalala ko. Alam kong ako at si Kathy ay iisa.
Pero paanong napunta ako kila Gabriel?
Ang dami kong tanong pero hindi yun masasagot kung hindi ako kikilos.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni James at saka dahan dahang bumangon.
Pero laking gulat ko ng makita ang mga taong mahahalaga sa akin.
Aria, Inigo, Ronnie, Kira at si Brett na tarantads.
Gustuhin ko man silang gisingin at makausap ay hindi ko na ginawa.
Dahan dahan akong naglakad patungo kung saan nakalagay ang laptop ko.
Nang makuha ko ito ay dahan dahan pero mabilis akong naglakad patungo sa walk in closet ko. Naghanap ako ng bag na pwedeng paglagyan ng laptop.Nang makahanap ay agad kong nilagay ang laptop sa bag at saka naglakad papunta sa pinto pero bago ako lumabas ay sinulyapan ko sila.
"Pinapangako kong sa pagbabalik ko, naaalala ko na ang lahat. Ang lahat lahat."bulong ko
Agad akong lumabas ng kwarto pero bago pa man ako makarating sa hagdanan ay nadaanan ko ang kwartong kailanman ay hindi ko napasok.
Agad kong nakapa ang susing nasa bulsa ko. Sinukbit ko ang bag at saka kinuha sa bulsa ang susi.
Tinitigan ko pa ito at saka dahan dahang pinasok ang susing nararapat sa kwartong ito. Nang magbukas ito ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.
Dahan dahan kong binuksan ng tuluyan ang pinto. Napakadilim. Agad kong kinapa ang pader na nagbabakasakaling andun yung switch ng ilaw at hindi ako nagkamali. Ini-on ko ang ilaw pero napapikit ako sa sobrang liwanag nito.
Nang makarecover ang mata ko sa liwanag ay agad akong nagmulat.
Pero sana hindi ko na lang ginawa. Naiiyak ako sa nakikita ko ngayon.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa malaking painting na nakapaint sa pader.
Katherine Williams
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Oh my ghad!
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.