DeeJhay's Pov
Natapos ang panunuod namin at ngayon ay naglalakad na kami papunta sa Food court.
Gutom na daw kasi siya.
Aaminin kong buong movie ay nakatuktok lamang ako sa kanya.
Hindi ko kasi maiwasang tingnan, lalo na't kamukha niya si Kathy.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Nang makapasok kami sa KFC ay pinagtitinginan kami.
"Ako na oorder, maghanap ka na lang ng mauupuan."Saad ko at saka iniwan siya kasama ng Cart.
Pumila ako at naghintay na ako na yung kuhanan ng order.
Habang naghihintay ako ay lumapit sa aking babae.
"Hi, Pwede pong magpapicture? Ikaw po kasi yung may-ari nitong DP Mall diba? Ang gwapo mo po."Nakangiti niyang saad
Napatango na lamang ako at ngumiti sa camera.
"Thanks po. Can i ask a question?"Tanong naman niya
"What is it?"Tanong kong pabalik sa kanya
"Diba po si Ms.Katherine Williams yung kasama niyo?"Nag-aalinlangan niyang tanong at napatango ako."Kamukha po siya ng Fiance niyo."Saad niya at saka umalis.
Napatingin naman ako kay Katherine na kasalukuyang nakaupo na at nagcecellphone.
Kamukha nga niya. Kaugali pa.
"Can i ask your order, Sir?"
Napabalik naman agad ako sa reyalidad.
Sinabi ko sa kanya ang order ko at agad naman niyang kinuha ang mga ito at saka inilagay sa tray.
"Here's your order Sir."Nakangiti niyang saad
Nginitian ko lang rin siya at kinuha ang order ko.
Lalakad na sana ako ng biglang may humarang sa akin.
"Excuse me."Saad ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"I said excuse me."Saad ko ulit pero hindi niya pa rin ako pinakinggan
"I--"Naputol yung sasabihin ko ng magsalita siya.
"Kamukha siya ni Ms.Kathy Fernandez."Nakangiti nitong saad at saka umalis sa dinaraanan ko
Taka ko naman itong sinundan ng tingin.
Bakit parang lahat ng tao sinasabing kamukha ni Katherine si Kathy?
Na aminado naman akong totoo.
Kunot noo akong naglakad papunta sa kung saan nakaupo si Katherine.
Nang makaupo na ako ay dun niya lamang ako napansin.
"Bakit kunot na kunot yang noo mo?"Takang tanong habang hinahain niya yung mga inorder ko
"Wala."Naiusal ko na lamang
"Meron ee, Spill it."Saad niya at saka nag-umpisang kumain
"Wala nga, Kain na lang tayo."Saad ko at nag-umpisa na ring kumain
Naging tahimik ang pagkain namin, walang nagsasalita sa amin.
"Nabusog ka?"Tanong niya, tumango lamang ako
"Mukhang pagod ka na, Sige na. Umuwi ka na. May bibilhin pa kasi ako."Saad niya
Napatingin naman ako sa kanya.
"Thanks for your time."Saad niya at saka naglakad papalabas ng KFC.
Kunot noo ko itong sinundan ng tingin.
Uminom muna ako ng tubig at saka tumayo at itinulak ang cart palabas.
Hinanap ko siya pero hindi ko na siya makita.
Nasaan na yun?
Lakad takbo yung ginawa ko habang tulak tulak ang cart. Lingon ako ng lingon para mahanap siya. Pero hindi ko na talaga siya mahanap.
Nang mapagod ako kakahanap sa kanya ay naupo ako sa isang bench.
Nasaan na ba yun?
Nagpahinga ako ng ilang minuto bago ulit maglakad.
Tumayo na ako, itutulak ko na sana ang cart ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"I said umuwi ka na diba?"
Napalingon ako.
"Uuwe na ako."Naisaad ko na lamang
Ngumisi siya sa akin at saka naupo sa bench na kanina kong inup-an.
"Kung uuwe ka na ay dapat kanina pa."Nakangisi niyang saad
"Hindi yung lakad takbo yung ginagawa mo at may palingon lingon epek ka pa."Nakangisi niya pang saad
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko. Pero agad ko ding binalik sa dati.
"Alam ko ang kinakukunot ng noo mo kanina and it's her."Nakangiti niya pa ulit na saad
Tumayo ito at may inabot sa aking paper bag.
"Ibigay mo kay Steffie."Saad niya at saka naglakad palayo
Tiningnan ko yung paper bag na inabot niya bago ko siya sundan ng tingin.
Hindi na ako magugulat kung tama yung hinala ko.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Paano kung tama nga ang hinala niya?
Short Update ツ
BINABASA MO ANG
She's Back (The DARE Book 2)
Teen Fiction"Paano kung bumalik siya?" "Hindi na siya babalik." "Why?" "Because she's already dead." No, Im not. °•°•°•°•°•° This is the book two of The Dare.