Chapter 5

4.3K 82 2
                                    

Chapter 5: Better
          
       
      
             
        
         
Maagang natapos ang klase namin ngayon. Sinama ko si Rica at Aaron papuntang gymnasium para tingnan kung tuyo na ba yung billboard.
       
       
"Ituro mo sakin saan ka banda sinalo ni Blaise, Claire!"
      
      
"Shut up Rica." kinakalimutan ko na nga, pinaalala pa.
      
      
"Sungit mo naman. Aaron ikaw na lang?"
       
      
"Osige ba." pinandilatan ko naman si Aaron pero nag-peace sign na lang siya. Letche.
        
        
          
           
            
              
         
Nadatnan ulit naming nagpa-practice ang basketball team sa loob ng gymnasium. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Blaise pero iniwasan ko rin to agad.
        
     
Kunwari hindi mo siya nakita Claire.
       
       
"Claire!" sht! Wag kang haharap, kunwari hindi mo rin siya naririnig.
       
        
"Claire tinatawag ka ni Blaise oh." kalbit ni Rica.
     
   
"Huh? Ano? Sorry may kausap ako e...Hello?" saad ko na kunwaring may kausap sa phone.
       
      
"Claire!" ang kulit!
      
     
"Look Aaron, tuyo na pala." gumagawa talaga ako ng mga palusot ko para lang hindi mapaharap sakanya.
       
     
"Oo nga President."
      
     
"Aaron dito ba sinalo ni Blaise si Claire?" sabay hawak ni Rica sa step ladder.
      
     
"Ay oo diyan nga!" mga bwiset!
          
       
"Tara na alis na tayo. Chineck ko lang namin kung tuyo na tong billboard."
        
       
Kita ko namang sumunod ang dalawa sa likod ko. Napansin na siguro nilang wala ako sa kundisyon kaya natahimik sila.
        
       
"Hey Claire." hinarang na niya ang sarili niya sa dinadaanan ko.
      
    
"Oh Blaise." kunwaring nabigla ako.
         
      
"Hinahanap mo daw ako kahapon?" nakangisi na naman sya.
      
    
"Huh? Sino namang nagsabi?"
         
     
"Si Andrew, yung ka-team ko." tinuro niya pa. I know, siya yung pinagtanungan ko kahapon tungkol sakanya e.
       
      
Sasagot na sana ako ng biglang may lumapit na babae sakanya.
        
      
"Kahapon pa kita hinahanap Blaise. I hate you!" hindi ito yung babaeng nakita kong kasama niya kahapon pero mukhang isa to sa mga babae niya.
        
     
"Nilalagnat kasi ako Stella." sinungaling.
         
      
Iniwan ko na. Kung makahaplos yung babae sakanya, akala mo walang nakakakita sakanila. Kulang na lang ng kama para makagawa sila ng milagro.
        
     
"Claire wait!" hinawakan niya ako sa kamay.
     
       
"Ano?!"
       
      
"Wala ka bang sasabihin?"
       
     
"Wala. Ano namang sasabihin ko sayo. Sige, alis nako." sabay alis ko ng kamay ko sa pagkakahawak niya.
       
      
    
       
         
        
Pagkatapos kong magpahinga, naligo ako't sinoot na ang uniform kong pang-trabaho. Yep, isa akong saleslady sa Clothing and Shoes store sa isang mall. Ang kaso si Rica at ang pamilya ko lang ang may alam.
      
      
Mayaman kami noon. Nabaon lang sa utang dahil sa pagka-casino ni papa. Ang ending, naubos lahat ng pera pati na ang halos lahat ng ipon namin sa banko. Ang mas masakit pa, iniwan pa kami ni papa. Napilitan tuloy si mama na magtrabaho para samin ng kapatid kong si Clark. Ayoko namang i-asa lahat sakanya kaya nagtrabaho na rin ako para makatulong.
      
      
     
"Mama alis na po ako."
      
    
"Osige Claire, mag-iingat ka ha?"
        
     
"Opo ma, kayo rin ni Clark." sabay halik bago umalis.
        
        
       
            
        
         
Nang makarating ako sa Department Store, agad akong pumwesto kung saan ako nakatoka. Kahit nakatayo lang ako't panay ang bati at ngiti sa mga customers, nakakaramdam pa rin ng pagod ang katawan ko.
        
         
"Good evening ma'am." bati ko sa isang babae na mas maiksi pa ang miniskirt sa soot ko. Napansin ko rin ang maiksi niyang buhok at ang makapal na pulang lipstick sa labi niya. Mukha siyang model.
        
       
"Saleslady ka?" ni-head to foot niya pa ako. Bakit ganyan siya kung makatingin?
        
      
"Yes ma'am." plastik ko.
          
     
"Do you have any color of this one?" sabay pakita niya ng isang 4 inches na high heels na kulay gray.
       
      
"Available colors of this are white, black and blue ma'am. Which do you prefer?"
        
       
"Hm. White will do."
       
     
"Same size ma'am?"
      
    
"Yes of course." ang sungit. Nagtatanong lang naman ako.
       
       
"Okay ma'am, I'll get it for you." napairap ako pagkatalikod.
       
       
Dumiretso ako agad ng stock room para kunin ang kulay ng high heels na gusto niya. Hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ng isang katrabaho ko.
          
           
Papunta na ako sa babaeng inassist ko dala ang box ng white heels. Nakita ko siyang nakaupo at nagsusukat pa ng ibang heels. Lalapit na sana ako ng may makita akong lalakeng lumapit sakanya.
        
       
"Blaise!" the devil!!
         
       
"Do I look good on this?" wow! Parang kanina lang ang sungit ng babaeng yun sakin. Pero pagdating kay Blaise, wagas kung makangiti.
        
           
"Of course you do." kinindatan niya pa. Hindi siya dapat nandito!
       
    
"Really? Then I'll buy this one." nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napalinga-linga ako. Hindi ako makaisip ng paraan, hindi niya dapat ako makita!
       
      
"Go ahead." dahan dahan akong tumalikod. Kailangan kong umalis.
     
      
"Hey miss saleslady. Where are you going? Come over here." oh sht!
        
      
Huminga ako ng malalim. Alam kong katapusan ko na to. Siguradong kakalat na sa university ang pinakatatago kong sikreto na isa akong saleslady. Mapapahiya na ko. Masisira na ko bilang president ng Art club.
        
      
"Here you go ma'am." hinarap ko na silang dalawa. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Blaise. Tiningnan niya pa ako simula ulo hanggang paa. Halatang hindi makapaniwala.
       
          
"That one, what do you think Blaise?"
       
      
"That looks better." saad niya at ngumisi. Alam ko ang ipinaparating ng mga ngisi niya, he's planning something against me.
        
         
        
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon