Chapter 6

4.1K 97 3
                                    

Chapter 6: Watch me
     
          
          
        
     
       
Kung pwede lang na hindi na umattend ng Welcome Week, ginawa ko na. Nakakainis kase. Iniisip ko pa lang na papasok ako ng Epidóseis university, dinadaga na ng sobra ang dibdib ko. Feeling ko kase kalat ng isa akong saleslady. Pag-uusapan at pagtatawanan.
         
       
           
          
           
"Ayun siya!" agad akong napalingon sa mga kalalakihan. Akala ko, ako na ang tinutukoy nila.
       
      
          
"Oo, nagtatrabaho siya, sa kumpanya ng daddy ko." hindi. Hindi ako ang pinag-uusapan nila.
       
        
          
"Hindi na niya matatago ang sikreto niya, bading siya!" sobrang nase-stress na ko sa mga naririnig ko. Lagi kong inaakala na ako ang topic kahit hindi naman.
       
       
Baka naman siguro wala pang pinagsabihan si Blaise. Baka masyado lang ako napaparanoid. Baka wala naman talaga siyang pake na saleslady ako. Baka nga...sana.
        
      
           
       
Dumiretso na lang akong agad sa Art club room. Gusto kong mapag-isa. Atleast dito komportable at tahimik. Hindi naman ako sanay na nakikihalubilo sa maraming tao. Simula pa noon, kahit anong klaseng event ay hindi ko masyadong dinadaluhan. Pumupunta ako pero nagtatago rin ng palihim.
         
        
"Magpe-paint na lang siguro ako." utas ko sa sarili ko.
       
      
Naririnig ko pa rin ng konti sa loob ng room ang ingay sa labas. Halatang nagsasaya ang mga tao sa first day ng Welcome Week.
      
      
"Found you."
       
       
"What are you doing here?" hindi ko siya kayang harapin.
        
      
"Nothing. I just want to see you." alam ko ang dating ng pananalita niya. Nang-aasar na naman sya.
      
    
"For what? Para asarin ako? Para laitin ako sa trabaho ko? Para sabihing alam mo na ang sikreto ko at handa ka ng ibunyag ito sa lahat?" balisa ako. Syempre down na down na ko. Nalihim ko yun ng dalawang taon tapos mauuwi lang pala sa wala.
       
      
"Huh? Why would I do that?" napatingin ako sakanya. Parang may malaking question mark sa mukha niya. Kung ganon...tama ba akong wala siyang pake na ganon ang trabaho ko?
       
       
"Dahil gusto mong gumanti?"
       
          
"Of course not. Don't worry. Your secret is safe with me." ngumisi siya sabay ipinakita yung bibig niyang animo'y zipper na isinara niya.
          
     
Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Naghahanap ako ng butas na baka niloloko lang ako ng isang to. Baka nga kasama to sa mga plano niya para mahulog ako sa bitag niya.
       
       
"What? I'm telling the truth. Believe me." natatawang sabi niya.
       
    
"Whatever." kailangan ko pa ring mag-ingat. Hindi ako pwedeng basta basta na lang magtiwala sa isang tulad niya.
        
       
"Bakit ka pala nagta-trabaho ng ganon?"
      
    
"Mahirap lang kami. Si mama lang ang nagta-trabaho para samin kaya gusto ko siyang tulungan.."
      
      
"E bakit mo naman tinatago?"
       
      
"Nakakahiya. Malaman nila na isa akong saleslady. Fitted top, miniskirt and heels ang soot. Siguradong pag-uusapan ako ng lahat." hindi nila ako maiintindihan.
        
          
"I see. You must be careful." ang seryoso ng mukha niya.
       
   
"Nagawa ko naman yun, kaya nga natago ko ng dalawang taon." ikaw lang ang nakaalam.
      
     
"That's not what I mean. Mag-ingat ka sa soot mo. It's too revealing."
           
        
"Uh.." tama siya. Ang kaso yun lang kase ang sakto sa schedule ko. Malayo sa university kaya safe ako.
          
      
"Dapat lumipat ka na ng ibang trabaho. Yung mas safe pa dun."
        
    
"Huh? Saan naman?" ako nga nahirapan maghanap e.
        
      
"Sakin, be my girlfriend." nakangisi na naman.
         
      
"Shut up Blaise. Hindi ako nagpapabayad para lang maging girlfriend ng kung sino man." inirapan ko na.
        
       
"Haha iba namang bayad ang ibibigay ko e. Pagmamahal."
         
      
"As if maniniwala ako sayo, playboy!" nakakainis. Bakit ba kinakausap ko ang isang to.
           
     
"Yeah. I know you won't." narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko na lang siya pinansin.
       
        
        
Katahimikan.
        
          

"Tahimik pala dito.."
      
      
"Your point?"
      
     
"Let me stay here."
      
    
"Huh? No way!" baka ano pang sabihin ng ibang makakita samin dito. Aba!
       
      
"Please, let me..for awhile. Gusto ko lang malayo sa ingay ng mga babae." gusto ko sana siyang sagutin na kasalanan niya yun. Kung hindi ba naman niya paasahin yung mga babae, hindi naman sila magkakandarapa ng ganito sakanya.
          
        
Natahimik na lang ako. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pine-paint ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Gumaan kasi ang pakiramdam ko kahit papaano. Ngayong alam kong hindi niya ipagkakalat ang sikreto ko, wala na dapat akong ikatakot. Pero syempre, kailangan ko pa ring mag-ingat.
        
       
     
    
Katahimikan..na naman.
       
          
      
      
*kriiiiiiiing!*
      
           
       
"Hello?" mukhang nakatulog siya sa dating ng boses niya. Ewan, hindi ko naman siya pinapansin e.
      
      
"Really??"
      
      
   
"Okay, I'll go there.." siguro babae niya ang kausap niya. Edi okay diba? Para umalis na lang siya dito.
          
      
                
"Come." bigla niyang hinatak ang kamay ko.
     
     
"Huh? Wait, saan mo ko dadalhin?"
       
      
"Sa gymnasium."
      
     
"What? Why?" ayoko dun. Maingay!
      
      
"Knockout tournament namin sa basketball ngayon. I want you to watch me Claire." patuloy niya pa rin akong hinahatak at ako naman tong nagpapadala.
      
     
"Watch you?"
      
      
"Yes, you must be there and watch. I'm going to win the game for you." sinulyapan niya ako sabay kindat. I wonder, sinasabi niya rin kaya to sa ibang mga babae niya?
            
       
      
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon