Chapter 25: Stuck into you
Napuyat ako kagabi dahil sa ginawa kong pagtuturo sa kapatid ko. Well, ayos lang naman sakin dahil nagbunga naman. Natutunan niya rin sa wakas ang division. Pagkatapos, nag-aral pa ako ng mga lessons.
Grabe, hikab ako ng hikab simula kanina. Apat na araw na rin kasi akong hindi nakakatulog ng maayos. Pakiramdam ko tuloy, ngayon ako inatake ng sobrang pagod plus sobrang antok.
Hikab for 23rd time.
Nakasalumbaba akong nakatitig sa labas ng classroom. Pinipilit ko kasing gisingin ang sarili ko. Naririnig ko pa ang prof kong nagdi-discuss sa harapan. Kaso, hindi ko maabsorb yung tinuturo niya. Halos wala talagang pumapasok sa utak ko. Antok na antok talaga ako. Hikab 30th time.
"O my! Yung basketball team papadaan!" dinig kong sabi ng isang babae kong classmate. Napakunot naman ako ng kilay. Ano ngayon kung dadaan? Tss.
"Ayan na!" kinikilig na saad nung isa. Halos lahat ng mata ng mga babaeng kaklase ko ay napatingin sa labas ng dumaan na ang basketball team. Una kong nakita si Dylan na busy na nakikipag-usap sa isang kateam nila. Ganon rin si Blaise na nakikipagtawanan pa habang may hawak na bola. Nabigla pa nga ako ng tumingin siya sakin at kinawayan ako. Napangisi pa siya ng samaan ko sya ng tingin.
"Ikaw ba yung kinawayan ni Blaise, Claire?" tanong sakin ng isa kong kaklaseng babae sa likod ko nang makalagpas na ang team nila Blaise.
"Huh? Hindi no." pagmamaang-maangan ko. Napatango-tango naman sya.
Muntik na ko dun. Baka bugbugin pa nila ako pag nalaman nilang pinapansin ako ng ina-admire nilang playboy. Hikab 35th time.
"Aray!" saad ko ng sikuhin ako ni Rica sa tabi. Binigyan ko sya ng nagtatakang mukha. Sakit nun ah. Pero hindi pa rin nawala ang antok ko. Err!
"Hindi daw sya ang kinawayan. Ulol." bulong niyang natatawa. Inirapan ko na lang.
Nagawang matapos ng prof ko sa pagdi-discuss at nagawa ko ring makatulog sa oras ng klase niya. Nakakahiya! Buti at hindi niya ako napansin.
"Hi president!" bati ni Aaron. Medyo iba na yung pakiramdam ko sa dalawang to. Palagi na lang silang magkasama.
"Kayong dalawa, may tinatago ba kayo sakin ha?" para silang nabigla sa tanong ko.
"Huh? Nako ah..wala no! Ano bang iniisip mo." sagot ni Rica. Si Aaron naman ay biglang namutla. Naningkit ang mga mata ko sakanilang dalawa. Naghahanap ako ng butas na maaaring nagsisinungaling ang bestfriend ko.
"Siguraduhin mo." pagbabanta ko.
"Ahhh President, naayos ko na yung sa Art club." pag-iiba ni Aaron ng usapan. Naalala ko, hindi ko na rin sya madalas na nakakasama sa club dahil sa hapon ang klase niya. Kaya naman sa umaga, sya ang nag-aasikaso sa iba pang members sa Art club room.
"Sige, pupunta rin ako don maya maya."
"Pano ba yan? Una na kong umuwi ah?" pagpapaalam ni Rica sabay kumaripas sa pagtakbo.
"Hatid ko na sya President." saad ni Aaron at hinabol si Rica. Tuluyan na silang nawala sa paningin. Balang araw, malalaman ko rin kung anong namamagitan sa dalawang yun.
Nang makarating ako ng Art club room, mas naramdaman ko ang antok dahil wala akong nadatnang tao. Tahimik at malamig dahil sa aircon. Napaupo ako sa sahig sabay sandal sa pader. Tamang pagkakataon to para makapagpahinga ako, kahit sandali man lang. Sa pang54th na beses, napahikab akong muli.
"Hi--God Claire!" bigla niyang sinalo ang ulo ko. Sobrang inaantok na talaga ako.
"Nandito ka na naman." nakapikit kong sabi. Ramdam kong hawak niya ako sa mga bisig niya.
"Ano bang magagawa ko, I'm already stuck into you." he chuckles.
"Whatever...Blaise Santos.." tuluyan na akong nagpadala sa nararamdaman kong antok. Pag nagising ako, makakatikim talaga ang kumag na to ng sandamakmak na hampas.
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...