Chapter 28

3.1K 77 0
                                    

Chapter 28: What took you so long?
    
       
     
      
       
Wala akong pinagsabihan ni sino man sa nangyari kagabi. Kahit si Rica o sina mama walang alam. Ako ang may problema kaya ako ang tatapos. Tutal, isang gabi lang naman ito kaya satingin ko, kakayanin ko naman.
    
     
Pakiramdam ko tuloy ngayon, talagang ipinanganak ako para saktan ng iba. Ni hindi ko kayang lumaban dahil mahirap lang kami. Wala akong ibang maipagmamalaki sa mga nang-aapi sakin. Mugtung mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Maya maya lang ay aalis na ako ng bahay para sa date na sinasabi ni Logan.
       
       
Bago pa ako umalis kagabi, inabutan pa ako ni Logan ng isang paper bag. Yun daw ang isoot ko para sa event na pupuntahan namin. Isang pulang evening gown.

               "Sakto pala sayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        
     
"Sakto pala sayo. You look beautiful." salubong saakin ni Logan ng makababa ako ng kotse.  Nakakainis nga. Pinasundo niya pa ako sa driver niya sa mismong bahay namin. Talagang inalam niya kung saan ako nakatira. Buti na lang at hindi pa umuuwi sina mama at Clark nung mga oras na yun.
       
         
Nagawa pa akong dalhin ng driver sa isang beauty salon para doon daw makapag-ayos. Inutos daw yun ni sir Logan niya kaya wala na akong nagawa. Napipilitan man ako, pero kailangan kong sumakay sa gusto niya.
       
     
"Shall we?" minasamaan ko siya ng tingin habang nakatitig sa nakalahad niyang kamay. Nairita siya sa ginawa ko kaya siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kamay niya.
        
         
Inassist kami ng isang receptionist patungo sa isang table. Six seaters ang table, may nadatnan na kaming ibang mga nakaupo. Sa nakikita ko nga, matagal ng kilala ni Logan ang mga ito dahil sa dating ng pakikipag-usap niya.
       
     
"By the way, she's Claire, my girlfriend." halos pandilatan ko na ng mata si Logan sa sinabi niya. Date lang ang napag-usapan, pero bakit naging girlfriend na ngayon?!
    
      
Hinawakan niya pa ako sa bewang na para bang damang dama ang sinabi niya. The heck! Ano ba tong pinasok ko?!
      
     
"Ibang klase talaga ang mga taste mo sa babae." saad nung isang lalake sakanya.
     
      
"You know me dude." sabay pa silang nagtawanan. Pinilit kong kumalma. Ayokong makagawa ng eskandalo. Tanging iniisip ko na lang ay sana matapos na ito. Gusto ko ng umuwi, sana lumindol at magiba ang lugar, ngayon mismo para magulo ang lahat at tumakbo ako papalabas na parang si Cinderella.
        
        
Five course meal ang inihanda. Bongga diba? Hindi naman ako masyadong kumain dahil wala akong gana. Napipilitin lang ako sa tuwing binabantaan ako ni Logan. Bwisit na hinayupak! Sarap itapon sa pagmumukha niya itong soup sa harapan ko!
        
       
Dahil sa sobrang bored ko, nakuha ko ng magmasid sa paligid. Sa nakikita ko, parang formal party lang ang ganap. Nandyan ang mga taong masayang nag-uusap. Ang iba ay napapasama sa mild na background music na pinapatugtog. Ngayon ko lang rin napansin na merong mga artistang imbitado. Hindi rin nagpahuli ang mga paparazzi na hindi tumitigil sa kakakuha ng litrato sa mga tao.
         
            
Naiwan ako sa table habang si Logan ay nakikipag-usap sa mga kakilala niya. Mas mabuti na rin to kesa sa makasama ko siya.
         
        
"Claire." napatingala ako sa boses na tumawag sakin. Akala ko nung una si Logan, pero nagkamali ako.
        
       
"Blaise, you're here!" halos matuwa ang puso ko ng makita ko siya. Sa buong oras ko sa event na to, ngayon lang ako napangiti ng totoo.
         
         
"I've been texting you this whole damn day.. kaya ka pala hindi nagrereply dahil nandito ka with your stupid boss." halatang iritado siya. Napayuko naman ako.
       
     
"I'm sorry.." hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sabihin yun. Pero believe me, I mean it.
       
      
"Come, I'll take you home." sabay lahad niya ng kamay. Ngayon ko lang napansin na nakasoot siya ng itim na tuxedo. Kapansin pansin ang broad shoulders niya, nandyan rin ang magulo nyang buhok na bumabagay pa rin sa itsura niya, idagdag mo pa ang nakakapang-akit niyang mukha. His killer eyes, killer smile, perfect jawline, symmetrical red lips...damn! He's so handsome...and hot!
        
         
"What took you so long?" mangiyak-ngiyak kong tanong.
       
      
       
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon