Chapter 49: Go Blaise
Ngayon na ang araw ng tournament ng basketball team ng Epidóseis university laban sa Norman Addington university. Kahit na sister school namin yun, kailangan pa ring may manalong isa para sa tatanghaling champion for this year.
Dinagsa na nga agad ang gymnasium ng mga estudyante. Buti nga at dito na lang ginanap kesa sa kabilang university, hindi ako sanay na pumapasok doon. Natatakot kasi ako dun sa anak ng may-ari ng N.A. baka mamaya makabunggo ko pa at gawan pa ako ng masama. Sheez.
"Dito tayo bilis!" nagmamadaling saad ni Rica habang hinihila ako papunta sa mga bakanteng upuan. Nasa likod namin ay si Aaron kasama ng ibang members ng Arts.
Agad na nabatchawan ng mga mata ko si Blaise na nakaupo sa isang bench. Nakatitig lang sya sa gitna ng court at parang malalim ang iniisip nya.
"May problema ba yang si Blaise?" tanong sakin ni Rica. Nagkibit balikat naman ako. Simula nung nangyari yung tungkol sa gusto ko pa ba sya, hindi na ulit kami nagkausap. Ni hindi ko nga sya nagawang replyan. Sa ngayon kasi, masasabi kong nakakaya kong pigilan minsan ang nararamdaman ko sakanya. Pero madalas, hindi. LOL.
"Hm. Hindi ko lang alam."
"Nag-away ba kayo?" biglang nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Rica.
"Ha? Hindi ah! Bakit mo naman natanong yan?"
"Wala lang. Baka kasi yun nga ang dahilan at makaapekto pa yun sa laro nila mamaya." napalunok ako. Hindi naman away ang nangyari saming dalawa, misunderstanding lang. Pero posible kayang yun ang iniisip nya ngayon? Ewan... baka hindi naman. Imposibleng magpapaapekto sya sa laro nila dahil lang dun.
Ilang sandali pa ng magsalita na ang speaker, hudyat para magsimula na ang game. Agad na nag-ayos ang dalawang team sa gitna ng court. Todo hiyawan ang mga manonood, sinisigaw nila halos ang mga pangalan ng paborito nilang player. Kahit gusto ko ring isigaw ang kay Blaise, hindi ko magawa. Masyado akong pinangungunahan ng takot.
Go Blaise, kaya ko yan..
Nanindig ang mga balahibo ko ng mapalingon siya sa kinauupuan ko. Ngumiti pa sya sabay kindat. The heck! Narinig nya ba yung sigaw ng puso ko? Creepy pero sana ganon nga.
*prrrrt!*
Sa pagpito ng referee, nakuha agad ng Epidóseis team ang unang points. Tuwang tuwa ang lahat ng naroon na sumusuporta sa Epidóseis team. Kita ko ring nakipag-apiran pa si Blaise sa mga ka-team nya.
Sa sumunod na round, mas naging matinik ang laban. Naging mahirap ang pag-agaw ng bola sa kabilang team. Nauungusan na nga ang team nila Blaise pero kita ko pa ring hindi sila pinanghihinaan ng loob. Tuloy pa rin ang laban.
Hanggang sa matapos ang game, nalamangan ng 4 points ang Epidóseis team laban sa N.A. team. Ibig sabihin, natalo kami. Aaminin ko, magaling nga ang kabilang team, mabibilis at malalakas sila pagdating sa bola. Ni hindi na nga nila halos ipahawak yung bola sa Epidóseis team e.
"Tara, i-congratulate pa rin natin sila!" pag-aaya ni Carol. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko para sumama. Nahagip kasi ng mata ko si Blaise na parang hindi naapektuhan sa pagkatalo nila. Masaya pa nga syang nakikipag-apiran sa kabilang team. Sportsmanship.
Nagtama ang mata naming agad ni Blaise habang papalapit ako sakanya. Napangiti naman sya, ganon rin ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko habang naglalakad rin sya patungo sakin. Para kaming mga bida sa mga teleserye na naglalakad patungo sa isa't isa.
"Blaise.." biglang humarang ang isang lalake sa harapan ko. Lalagpasan ko na sana sya ng bigla kong mapagtanto kung sino ito. Si Dylan.
"Nanood ka ba?" tanong nya.
"Uh, oo.. congrats pala." saad ko. Hindi ako mapakaling tumitingin sa likod ni Dylan. Nakita ko pa si Blaise na nakatayo habang seryosong nakatitig sakin. Parang sinasabi ng mata nyang "iwanan mo ang lalakeng yan, ngayon din."
"Thanks. Buti naman nakita kita, nawala yung lungkot ko sa pagkatalo namin." nang sulyapan ko ulit si Blaise, kita kong kumuyom ang panga niya bago sya tumalikod papalayo. The heck! Please not now Blaise, wag ka namang umalis ulit.
"Uh, hehe..s-sige Dylan, una na muna ako. May aasikasuhin kasi ako. Bye!" hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Nagmadali akong tumakbo para habulin si Blaise.
----

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Novela JuvenilTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...