Chapter 39: Okay
Huling sabado na ng buwan ng Nobyembre. Mabilis ngang lumilipas ang bawat araw. Nasa bahay lang ako ngayon habang nanonood ng TV kasama si Clark. Kakatapos lang rin kasi naming tulungan si mama sa paglalako ng mga benta nya kanina sa palengke kaya nagpapahinga naman kami ngayon.
*riiiing!riiiing!*
(Blaise calling..)
Hindi ko na lang pinansin. Kanina pa siya nangungulit na kausapin ko daw siya. Hindi naman sa ayaw ko syang makausap. Wala rin naman syang nagawang masama. Gusto ko lang talagang magpamiss...joke!
"Ate boyfriend mo tumatawag." packing sheet?! Muntik pa syang marinig ni mama sa sinabi nya. Buti na lang at nalakasan ko ang volume ng TV.
"Kainis, wala nga akong boyfriend!" pinandilatan ko sya ng mata. Dumila naman sya sabay inirapan ako. Walang hiya, kung hindi lang bata to, kanina ko pa talaga to pinatulan! Kaimbyerna!
*bvvvv!bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"Choose, answer my call or I'll go there?"
Pagkabasa ko pa lang ng text nyang yun ay agad ng nagring ang phone ko. Agad na nag-alburuto ang sarili ko sa galit. Bwiset! Pinapili ba naman ako? Syempre, sinagot ko na ang tawag nya. Kesa naman sa guluhin nya pa ako dito sa bahay namin. No freaking way!
Nakuha ko pang lumabas ng bahay para hindi ako marinig ng kapatid ko.
"Ano?!" bungad ko ng masagot ang tawag ni Blaise.
"Nabalitaan ko yung tungkol sa contest mo. Sinong kasama mong pupunta sa AP studio?"
"Kanino mo naman nalaman yan?" may sarili bang detective ang taong to? Lahat na lang alam.
"Don't answer me with the same question, Claire. Sinong kasama mo?" sht ang seryoso na naman nya!
"W-Wala..ako lang. Pero susunod naman yung head teachers ng art pati mga members ng club."
"Then, I'll go with you." napangiti ako. Kahit na parang boss ang boses nya, naa-atract pa rin ako. Ewan ko ba, nasanay na lang ata ako na ganyan sya.
"Okay." sagot ko.
"R-Really?!" halos matawa ako sa kinatatayuan ko. Dinig na dinig ko ang lakas ng boses nya. Halatang nagulat sya sa agad kong pagpayag.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba? Babawiin ko kung--"
"No Claire..no. Nabigla lang ako. I thought kailangan pa kitang pilitin para mapapayag kita." napatawa sya ng kaunti.
"No need. Balak rin naman kitang isama, naunahan mo lang ako." saad ko.
"Damn..can't believe this." bulong nya sa kabila. Napakunot naman ang noo ko.
"Blaise??"
"Sorry, I'm just happy." naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Kinikilig ba ako? Ewan, basta alam ko ang saya saya ko lang rin.
"So Claire..."
"What?"
"So if I ask you to kiss me, would you?"
"What the heck Blaise?! No!!" halos pasigaw ko ng sabi. Narinig ko naman ang paghagalpak nya sa tawa. Walanghiya talaga! Ano bang tumatakbo sa utak ng lalakeng to. Err!
"Come on, you told me before na hindi na kita kailangang pilitin." nang-aasar na naman talaga ang kumag! Letche talaga!
"Ibang usapan yun! Bye na nga!" saad ko sabay end ng call. Sa sobrang pang-aasar nya ata, imbis na mainis ako, natutuwa na lang ako.
*bvvvv!bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"I know, you're smiling.."
"Letche!" agad akong pumasok ng bahay sa kadahilanang baka palihim nya akong pinagmamasdan. Nakakatawa mang isipin, pero hiniling ko na sana hindi ko na lang sinagot ang tawag nya kanina nung pinapili nya ako. Hindi dahil sa ayoko syang kausap, kundi dahil sa mas gusto ko syang kasama.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...