Chapter 50: I love you
Hingal na hingal akong nakarating sa parking lot. Dito ko naabutan si Blaise na nakasandal sa kotse nya habang nakatitig sakin. Napalunok pa ako ng makita kung gaano kaseryoso at kalalim ang mga titig nya, para akong hahatulan sa isang kasalanang nagawa ko. Kasalanan sa paglilihim ng totoong pagmamahal ko sakanya. Ugh!
"I'm glad you're here." bungad nya sabay nag-half smile.
"Bakit ka umalis?"
"I don't know..maybe because of Dylan." napakurap kurap ako sa sinabi nya. This past few days, itinuon ko ang atensyon ko kay Dylan. Yun kasi ang naisip kong paraan para makalimutan sya. Si Dylan ang madalas kong kausap sa phone, sya rin ang naghahatid sakin pauwi at siya rin ang nakakasama ko tuwing pagkatapos nilang mag-training sa basketball. Pero habang tumatagal, parang nahihirapan lang ako. Parang mas hindi ko nakakalimutan si Blaise dahil mas naaalala ko lang siya lalo.
"Tell me Claire, siya ba ang dahilan ng pag-iwas mo sakin?" Hindi.. mahal lang kita. At takot akong masaktan dahil sa nararamdaman ko. Takot akong iwan mo ako tulad ng ginawa samin ni papa.
"May nagawa ba akong mali?" napayuko ako. Hindi ko na siya kayang tingnan sa mga mata. Masyado itong nakakadala. Parang anumang oras, bibigay na naman ako sakanya.
"Siya na ba ang gusto mo?" bigla akong napatingin.
"Hindi!"
"Then why are you avoiding me Claire?!" tumaas ang boses nya. Napapikit ako ng mariin, ang sakit ng nararamdaman ko. "Why, Claire?" basag ang boses nya ng magsalita ulit sya. Para syang naiiyak. Napatingin ako sakanya na ngayon ay parang naluluha na ang mga mata nya.
"D-Dahil ayoko ng magtiwala pa.. Ayoko ng umasa at ayoko ng masaktan pa dahil.. dahil alam kong iiwan mo rin ako pag nagkataon Blaise.." napapunas ako sa pisngi ko dahil sa pagragasa ng mga luha ko. Akala ko mawawala na ito pero sht lang! Lalo lang akong naiyak. Lalo lang akong nasaktan.
"Kaya kung iiwas na ako, pwede ko pang maligtas ang puso ko sayo, Blaise." ramdam ko ang paghawak ng mga kamay nya sa magkabila kong pisngi. Iniharap nya ang mukha ko sakanya at ngumiti.
"Don't say that... the only thing I'm confident is that I'll never leave you, Claire." tuluyan ng naghumarentado ang puso ko. Pakiramdam ko nga nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko. Natulala na lang ako sa gwapo nyang mukha. Nakatitig lang sya sa mga mata ko pababa sa labi ko...
"Damn.. I love you Claire." napatawa sya ng kaunti tsaka nya ako niyakap. Natigil na lang bigla ang pag-iyak ko. Parang magic word ang mga sinabi nya at naging kalmado ang puso kong naghihinagpis kanina. Sa hindi malamang kadahilanan, nagkaron ako ng lakas ng loob para sagutin sya.
"I love you too..Blaise."
"W-What??" hinarap nya ako kasama ng gulat niyang mukha. Kita ko ang pamumula ng mga pisngi nya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Huh?" napalunok ako.
"Say it again.." napakagat ako ng lower lip sa ekspresyon nya. Para syang namamangha.
"I love you B--"
Tuluyan na nyang sinakop ang labi ko ng mga halik nya. Napapikit ako ng maramdaman ang malambot nyang labi. Yung mga halik niya, halatang sabik na sabik. He's driving me crazy with his passionate kiss. Para akong nalalasing sa mga halik niya, ayokong tumigil. I knew then, that no one else could ever make me feel such an electric spark...just him.
Ramdam ko ang pagmamahal nya sa malalalim nyang mga halik. Kulang na lang ng kasal para makumpleto ang fairytale dream na pinaniniwalaan ko noon... To live happily ever after with the love of my life.
"I love you more, Claire...always." I almost faint as he smiles at me. Parang nakita kong kumislap ang mga perpekto at kulay brown nyang mga mata. I can definitely say that, I feel loved by the peron I love.
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...