Chapter 63: The truth
What does this mean? Siya ba yung tinutukoy ni Dylan na secret boyfriend ni Lucy? Caleb Wright? The heck! Totoo ba to?
"Maiwan muna namin kayo." saad ni mama. Sumunod naman sa paglabas si Clark at papa.
"Hi Claire, this is for you." saad ni Lucy ng makaupo sya sa isang upuan sa tabi ng kama ko. Inabot ko naman ang mga prutas at ngumiti.
"S-Salamat.." naiilang ako sa totoo lang. Pakiramdam ko kasi, kahit hindi pa sya nagsasalita, ako na tong may mali sa mga nangyari.
"Thanks for saving Lucy's life and our baby, Claire." saad nung lalake. Nagtinginan pa silang dalawa ni Lucy. Ngiting ngiti sila na parang inlove na inlove sa isa't isa.
Napasulyap ako kay Blaise, tahimik lang syang nakaupo sa couch. Nakahawak pa sya sa labi nya at direktang nakatitig sakin. Sht. Ang hot! Napaiwas agad ako ng tingin bago ko pa sya paglawayan. Muli kong binaling ang atensyon ko sa dalawang tao sa harapan ko.
"B-Baby..nyo?" napalunok ako. Kunwaring hindi ko alam ang tungkol sa pagdadalang tao ni Lucy. Napatingin pa ako sa baba nila na parang may sinisilip na sanggol. Ang awkward ko talaga!
"Aha, yeah. Eto si Caleb, ang daddy. Si baby, nasa tummy ko pa lang." sabay hawak ni Lucy sa tyan nya. Ngumiti naman ako.
"Sorry... i-inakala kong si Blaise ang ama. Masyado akong nagpaniwala sa mga naririnig ko." tsaka ako ngumiti na parang humihingi talaga ng dispensa.
"Ayos lang Claire. Kasalanan ko rin naman dahil pinalihim ko kay Blaise. Ayoko lang kasing pakealaman nila ang pribado kong buhay. Paniguradong uusisain nila lahat, syempre tatanggi ako. At pag nangyari yun, for sure, they'll make their own conclusions. Sakto kasing si Blaise ang kasama ko sa mga pictures nung sa France 3 months ago, kaya malaki ang possibility na sya ang ituro nilang ama." napalunok ako sa paliwanag ni Lucy. Natamaan talaga ako dahil isa ako sa mga nag-akalang si Blaise ang ama. Pero hindi nyo naman ako masisisi, ganon ba naman ang marinig ko sa usapan nila, syempre agad na yun ang iisipin ko.
"Masyado ko kasing iniisip ang sarili ko sa mata ng publiko. Hindi ko naisip na meron pala akong masasaktan.. Kahit sino namang babae na makita ang boyfriend nilang may kasamang IBA.." sandaling napatigil si Lucyy tsaka nya sinamaan ng tingin si Caleb. Nagtaas naman ng kilay yung Caleb at parang nagtataka sa tingin ni Lucy. Ang cute nila. "Mapaparanoid." dugtong ni Lucy sabay napatawa.
"Ahh hehe...oo nga." tsaka ako napakamot ng ulo. Ang awkward talaga ng pakiramdam ko.
Napasulyap na naman ako kay Blaise na nakatitig pa rin sakin at nakangisi na ngayon. Parang pinaparating nya sa mga ngisi nya na mali ako sa ibinintang ko sakanya at humanda ako sa parusang haharapin ko. Ugh!
"Osya Claire, papacheck-up pa kasi ako. Maiwan muna namin kayo ni Blaise, have fun." nakangiting sabi ni Lucy. Kita ko pa ang pagdausdos ng kamay nung Caleb sa bewang ni Lucy. Kinilabutan ako, hindi dahil sa nakita ko, kundi dahil sa mga malalagkit na titig ni Blaise.
"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan!" ramdam ko na naman ang pamumula ng mga pisngi ko. Nakakainis kase, parang nang-aakit si Blaise sa mga titig nya. Kulang na lang maghubad sya para himatayin ako.
"So, malinaw na ba lahat sayo ngayon?" aniya habang papalapit sakin. Bigla akong nataranta. Ni hindi ko magawang makaalis sa pwesto ko dahil sa dextrose sa kamay ko. Wala akong kawala!
"O-Oo.." kinakabahan na talaga ako.
"Muntik mo na akong patayin sa mga ginawa mo.." pinagsalikop nya ang kamay naming dalawa. Napatingin ako doon pabalik sa mukha nya. Seryoso na sya ngayon habang nakatitig sa mga kamay ko.
"Please don't do that again, don't sacrifice yourself for the sake of others.. I can't lose you Claire." hinawakan ko ang pisngi nya gamit ang isang kamay ko. Napatingin naman sya sakin, nginitian ko sya. Hindi na sya nakapagpigil pa at hinagkan nya na ako ng pagkahigpit-higpit.
"I thought I will lose you forever. I'm so afraid you will leave me like that Claire.." aniya sabay siksik ng mukha nya sa leeg ko. Hinagkan ko rin naman sya pabalik.
"Hindi yun mangyayari Blaise.." sagot ko. Ilang sandali pa ng maramdaman ko ang mainit na tubig sa leeg ko. Tsaka ko lang napagtantong umiiyak na si Blaise dahil sa mga paghikbi nya.
"Just stay with me Claire.. Don't go anywhere. Wag mo na ulit ako itulak papalayo. Hindi ko kakayaning mawala ka ulit sa paningin ko... If I won't stay with you, I'll die Claire.." hindi ko na rin napigilan ang sarili ko. Masyado akong naging emosyonal sa mga sinasabi nya. Bumuhos na ang mga luha ko sa sobrang saya.
"I will never leave you Blaise.." and even after all we've been through, I still get butterflies when I'm with him.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...