Chapter 52: Nice meeting you
"Hey Lucy.." malumanay na saad ni Blaise. Para syang na-estatwa ng makita nya ang dalaga. Nakatitig lang si Blaise kay Lucy habang papalapit ito sa kinatatayuan naming dalawa.
Maganda siya, ako hindi.
Mayaman siya, ako hindi.
Ma-appeal siya, ako hindi.
Bagay sila, kami hindi.
The heck! Parang tinutusok ang puso ko habang pinagmamasdan si Blaise na nakatitig sa magandang si Lucy. Para siyang nakakita ng isang anghel sa ekspresyon ng mukha nya.
"Dito ka nag-aaral?" tanong ni Lucy ng makarating sa harapan ni Blaise. Nagmukha syang mas matangkad sakin sa soot nyang heels. Iba rin ang dating ng mga titig nya kay Blaise. Alam ko ang pinapahiwatig ng mga titig nya, alam ko dahil ganito rin ako kung makatitig kay Blaise.
"Yep."
"Really? What a coincidence, dito na rin ako mag-aaral.." nakangiting saad ni Lucy. Mas lalong umangat ang kagandahan nya. Para akong nakatingala sa dalawang nakakasilaw na nilalang, ang ganda nilang pagmasdan na magkasama. Bagay na bagay sila sa isa't isa...at ang sakit sakit dahil yun ang totoo.
Hindi ko na kayang pagmasdan ang dalawa. Hindi ako bagay na nakatayo sa pagitan nilang dalawa. Para sakanila ang moment na to, walang ako. Walang Claire Elizabeth Rayos sa mundo ni Blaise at Lucy.
"Blaise..." pagtawag ko. Napatingin naman ang dalawa sakin. Dapat ata umalis na lang ako ng hindi nagpapaalam, naistorbo ko pa tuloy ang usapan nila.
"Hmm?" napakurap kurap syang hinarap ako. Nakangiti ito sakin na para bang tuwang tuwa sa mga nangyayari.
"U-Uuwi na ako.." parang may nakabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok.
"Osige, ihahatid na kita."
"Hindi, wag na Blaise."
"No Claire, it's okay." sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Lucy.
"Who is she, Blaise?"
"Oh, she's Claire by the way." nagkunwari naman akong ngumiti. Bakit inaasahan ko na magsisinungaling sya at sasabihin nyang girlfriend nya ako tulad ng kanina? Bakit ganon? Bakit pagdating kay Lucy ganon lang ang pagpapakilala nya sakin?
"Yung tinutukoy mong special friend noon?"
"Uh, yeah.." special friend...yeah.
"Hello Claire, I'm Lucy Andrada. Blaise's...ahm.." nagkatinginan pa ang dalawa. Parang nahiya pa si Blaise sa pagtitig ni Lucy kaya natawa naman itong si Lucy. "Blaise's friend." ex girlfriend. I know. No need to keep it as a secret.
Tinanggap ko ang kamay nya ng walang pag-aalinlangan. Ang lambot ng kamay nya, mas bagay nga itong humawak sa mga palad ni Blaise kumpara sakin.
"N-Nice meeting you, Lucy." saad ko. Ang plastik ko sa totoo lang. Nice meeting with his ex lover? Come on Claire! Wag kang stupida, alam mo sa sarili mong nasasaktan ka at hindi ka maayos na nakilala mo sya.
Kasi naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa sya dumating kung kailan ayos na kami ni Blaise? Kung kailan palevel-up na kami? Bakit ngayon pa kung kailan nagkakapag-asa na ako parang saming dalawa? Ano bang problema mo sakin tadhana? Ang daya daya mo naman..
"S-Sige, una na ko. Bye!" pagmamadali ko. Ni hindi ko na hinintay ang dalawa na makasagot. Narinig ko pang tumawag si Blaise sa pangalan ko pero hindi ko na sya nagawang harapin. Hindi ko na siya kayang harapin kasama ng mga mata kong nagluluha. Hindi ko na kayang harapin ang taong mahal ko, na kasama ang taong mas mahal nya.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...