Chapter 19: Vanilla
Papunta na kami ngayon nina Rica at Aaron sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ni Dylan. Formal blue dress ang soot ko na tinernuhan ko ng white pumps. Dala ko na rin ang mocha cake na gift ko. Sakto lang ang laki nito. Ilang beses ko ng ginagawa ito kaya paniguradong masarap. Favorite ko rin kasi ang mocha.
"Ibang klase ka talaga kung manamit Claire!" manghang mangha si Rica.
"Kanina mo pa sinasabi yan."
"Paano ba naman kasi, pinagtitinginan ka ng mga tao. Gandang ganda sayo." LOL. Si Dylan lang ang pinunta ko dito.
"Hayaan mo." kahit ako pansin na pansin ko rin ang mga tingin nila. Ang iba ay may kasama pang bulong.
Dumiretso kaming agad sa isang bakanteng table. Hindi ko maiwasang mamangha sa venue dahil magarbo ang disenyo at mga nakahapag na pagkain. Marami ring mga bisita. Nakita ko pa nga ang iilang schoolmates na kilala ko. Pati ang basketball team ay nabatchawan kong sama sama. Pwera lang kay Blaise at Dylan.
"Claire, is that you?" namamangha pa rin ako sa ganda niya. She's so stunning in her red dress. Isama mo pa yung make up niya na parang isang model. Mukha ngang siya ang may birthday e.
"Hi Scarlett."
"Omg! Ikaw nga!" sabay beso niya sa magkabila kong pisngi. Tumabi siya sakin.
"You look so pretty!"
"Uh, thank you. Ikaw rin naman Scarlett."
"Haha thanks. By the way, nakita mo na ba si Blaise?" hindi naman siya ang pinunta ko dito.
"Hindi pa naman." malamang may kalandian na naman yung iba.
"Want me to find him for you?" sabay kindat niya.
"Hindi na Scarlett. Okay lang. Si Dylan lang naman ang pinunta ko dito." ooops. Napasobra ata..
"Aww. That was sad haha. Sabagay, I can't blame you.. Kung hindi lang siguro siya playboy, baka kayo na ngayon." kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Paano nga kaya kung hindi? Baka siya pa ang naging crush ko imbis na si Dylan? Baka nga rin nahulog na ako sakanya e...hep hep! Erase erase!
"I don't think so Scarlett." natawa naman kaming dalawa.
"Let's see.." kinindatan na naman niya ko tsaka tumayo sa kinauupuan niya.
"Have to go, my friends are there. Enjoy the party!" sabay alis niya. Kahit kakakilala ko lang sakanya, pakiramdam ko parehas sila ng ugali ni Blaise.
Ilang sandali pa, mas nag-dim ang lights. Nagpatugtog na rin ng mash up songs na kinagiliwan ng mga bisita. Kita ko ang iba na nagsasayawan na. Nagsikalat na rin ang mga waiter na nagbibigay ng mga wine, tequila at beer. Ibang klase nga talaga ito. Bongga! But still, hindi ko pa rin nakikita si Dylan.
"Claire, kain tayo!" halos pasigaw ng sabi ni Rica dahil sa ingay.
"Sige, mauna na kayo ni Aaron. Sunod na lang ako." ayokong iwan tong cake. Pinaghirapan ko rin to kahit papaano.
"Okay, balik rin kami agad." sabi naman ni Aaron sabay alis nilang dalawa. Pinagmasdan ko pa silang papunta sa mahabang table kung saan nakahapag ang mga pagkain.
"Hey Claire!" at last! He's here! Dylan is here!
"Hi Claire!" with Blaise..
"Uh, hello Dylan. Happy birthday." bati ko ng makarating silang dalawa sa harapan ko.
"Thank you. You look so beautiful." omg! Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang yun. Buti na lang at hindi obvious dahil sa mga ilaw.
"Thanks Dylan."
"Is that for me?" sabay turo niya sa cake.
"Ow, yes it is."
"Patingin nga." biglang singit ni Blaise sabay kuha ng box. Ang kapal ng mukha! Binuksan niya pa talaga para silipin. Halatang nang-aasar na naman ang kumag!
"Wow ang ganda. Gawa mo?" utas ni Dylan. Nakita niya rin pala.
"Uh, oo.."
"Uy, mocha flavor!" nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawang pagtikim ni Blaise. Kita ko pa itong nakakagat sa index finger niya.
"Hey Blaise, stop. That was mine!" natatawang sabi ni Dylan sabay agaw sa cake.
"Sorry bro. I can't help it.. Ang sarap e." tsaka ito ngumisi sabay titig sakin. The heck! Kinilabutan akong bigla!
"Pagpasensyahan mo na tong si Blaise. Favorite niya kasi ang mocha e. Nasaktuhan mo." natatawang sabi ni Dylan. Nakitawa na lang ako kahit para sakin, hindi talaga katuwa tuwa. Anong ibig niyang sabihing favorite niya?? Naloko na naman ba ako ng evil playboy na yan?
"Ayos lang. Hindi ba mocha rin ang paborito mo?"
"Hm..nope. Vanilla." laglag ang panga ko. Naloko nga! Bwisit na Blaise Santos! Humanda talaga siya sa Lunes!
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...