Chapter 40

3.1K 73 7
                                    

Chapter 40: Santos
     
     
    
    
     
Ito na nga ang araw na pinakahihintay ko. Kasama ko na si Blaise sakay ng Ferrari nyang kotse. Papunta na kami ngayon sa AP studio kung saan gaganapin ang contest. Medyo may kalayuan ang lugar dahil limang oras ang byahe. 3 days and 2 nights rin kaming mananatili doon. In short, makakasama ko ng mas matagal si Blaise.
    
     
Nung una, medyo nagdadalawang isip akong isama ang kumag na to. Iniisip ko kasi, baka may gagawin pala sya at makakaabala pa ako. Pero sabi naman nya, wala. Paulit ulit na WALA TALAGA. Kung sabagay, wala ngang halos gagawin ang mga estudyante sa university dahil halos competition ang ganap sa buwan ng Disyembre.
      
     
Sa pagkakatanda ko sa kwento ni Blaise, sa susunod na dalawang linggo na ang laban ng basketball team nila sa single-elimination tournament. Pahinga daw ang week na to at sagaran naman daw nila sa training next week. Opportunity daw nya ang rest week nila para makasama ako. Lol.
        
       
"Alam mong pumunta dun?" tanong ko habang nagmamaneho sya.
     
     
"Yup. Malapit kasi doon ang pinagpa-praktisan ni Scarlett ng ballet. Madalas hinahatid ko sya kaya nasaulo ko na lang ang mga nadadaanan ko." kaya pala fit ang katawan ni Scarlett dahil may sinasalihan pala syang ganon. Sa pagkakaalam ko, mahal kapag gusto mong matuto ng ballet. Kung sabagay, mayaman sila, madali lang sakanila ang paggastos.
         
     
"Kaya pala.." napatingin ako sa labas ng bintana. Ang sarap pagmasdan ng mga punong nadadaanan namin.
     
        
    
*riiiing!riiiing!*
      
      
   
Napatingin ako sa harapan ng kotse nya. Nakalagay pala doon ang phone nya, nakita kong Hunter ang pangalan ng tumatawag. Napangisi pa si Blaise bago ito sagutin.
       
       
"Hey bro!" dinig na dinig ko ang malakas na tawanan ng mga kalalakihan sa kabilang linya. Ibinaling ko na lang ulit sa labas ang atensyon ko. Hindi ko naman maiiwasang marinig ang usapan nila dahil naka-loud speaker ang call.
      
     
"What's your problem Hunter?" tanong ni Blaise.
         
      
"Where the fuck are you Blaise?"
      
    
"Somewhere you can't find." siraulo. Dami mong alam Blaise.
      
    
"Dude, we're going at N.A. university. Don't you want to come with us?"
    
     
"For what?"
     
    
"Don't tell me hindi mo na alam ang libangan mo...GIRLS!" sabay halakhak ulit nila sa kabilang linya. Umirap naman ako. Mukhang may gagawin nga sila, sana talaga hindi ko na lang sya sinama. Kainis.
     
     
"Shut up Hunter. Don't compare me to you, womanizer. Iisa lang ang babae sa buhay ko." sabay sabay silang nagtawanan. Gusto ko ring matawa dahil alam kong hindi totoo ang sinasabi nya.
    
     
"Oo nga pala, what's her name? Clay? Claim?--"
     
     
"Fuck you. It's Claire! Claire Elizabeth Rayos!" naiiritang sigaw ni Blaise. Hindi ko alam kung mafa-flattered ba ako o matatawa sa nangyayari. Kulang na lang pati middle name ko sinama nya.
      
       
"Hahahaha! Easy dude. Let me guess, kasama mo sya ngayon ano?"
     
    
"Yes, indeed." sabay nagtilian ang mga kalalakihan sa kabilang linya. Para silang mga baklang kinikilig. Sandali akong napaisip, tsaka ko napagtanto na ako ang tinutukoy nyang iisang babae sa buhay nya... The heck! FOR REAL?!!
      
    
"All right dude. Balitaan mo na lang kami kung may mangyayaring--"
      
   
"Curse you!" sigaw ni Blaise sabay end agad ng call. Nakita ko syang napailing at napangisi habang nakatitig sa daan. Napangiti ako, he's so cute.
      
      
Lumipas ang limang oras at nakarating na kami ng AP studio. Dumiretso muna kami sa Cathedral, dito kasi kami unang pinapapunta para sa paunang misa para sa gaganaping contest.
      
      
"Si Blaise Santos yan diba?"
      
       
"Oo, yung nanalong Mr. Epidóseis 2018. Grabe, mas gwapo pala sya in person."
      
      
        
Napairap na lang ako. Kahit na nagsisimula na ang misa, hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan ng iilang kababaihan. Kung makatingin pa man din sila kay Blaise, akala mo naman nire-rape na nila ang kumag sa isip nila. My god!
      
       
    
"Girlfriend nya kaya yang kasama nya?"
      
    
Lilingunin ko na sana yung nagsabi nun ng maramdaman kong umakbay si Blaise sa balikat ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Narinig ko ang panghihinayang ng mga babaeng nag-uusap sa ginawa ni Blaise sakin. Kaya imbis na mainis ako ay napangiti pa ako. Buti nga sainyo!
       
       
"Want me to tell them that I'm yours, huh?" bulong nya direkta sa tenga ko. Nanindig ang mga balahibo ko. Para syang nang-aakit sa boses nya.
     
     
"Shut up, Blaise!" madiin ngunit mahinang saad ko. Napangisi naman sya. Siraulo talaga.
      
       
Tahimik kaming dalawa ni Blaise habang nakikinig sa homily ng pari. Napakasuplado ng dating nya. Akala mo isa syang detective na nagmamasid sa paligid. Nakaka-attract tuloy tingnan lalo na pag ganitong seryoso ang dating nya.
       
      
"Sino dito gusto maging santo?" imbis na titingnan ko ang ibang mga taong nagtaas ng kanilang kamay ay napatingin ako kay Blaise. Pinisil nya kasi ang balikat ko. Nagtaka naman ako sa ginawa nya. Magsasalita na sana ako ng unahan nya ko.
       
     
"Ikaw, gusto mo maging Santos?" napakagat ako ng lower lip sa sinabi nya. Letche! Gusto kong matawa pero nagpipigil lang ako. Daming alam sabihin ng kumag. Taba ng utak!
      
     
"Aww." mahinang saad nya ng kurutin ko sya sa tagiliran.
      
      
"Manahimik ka." tsaka ko sya inirapan. Dahan dahang umangat ang labi nya, he smiled.
      
      
"Don't you like it? Mrs. Claire Elizabeth Santos. It suits you.." sabay kindat nya. Letche talaga! Nasa simbahan kami pero pakiramdam ko natutukso ako. Err!
       
      
    
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon