Chapter 43: Hindi ikaw
Kinabukasan, agad kong pinaghandaan ang pagpunta sa AP studio. Pangalawang araw na at ngayon na rin gaganapin ang competition sa art painting. Medyo kabado pa ako habang naglalakad patungo sa mismong lugar.
"Don't be nervous, Claire. I'm just here and.. I know you can do it." sabay ngiti ni Blaise. Parang may mga bituwing nagningning sa paligid nya at ganoon na lamang ang dahilan para mapangiti rin ako. Para syang isang anghel na ibinababa mula sa langit na nagpawala sa nararamdaman kong kaba.
"Thank you Blaise.." saad ko bago pumasok sa studio.
Kita ko namang nakasilip sya sa may glass window. Nagthumbs up pa sya na may kasamang malaking ngiti. Napakagat ako ng ibabang labi, he's so damn cute. Para syang number one supporter ko na nanonood sa labas.
Ilang sandali pa ng simulan na nga naming mga contestants ang pagpe-paint. Lahat samin ay nakatoon ang atensyon sa sariling canvas. Magkakalayo ang bawat lugar naming mga contestants kaya hindi namin nakikita ang mga ginagawa ng bawat isa.
Kahit na seryoso ako sa pagpe-paint, hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Blaise. Palihim ko pa syang sinusulyapan sa may bintana kaya mas nabibigyan ako ng inspirasyon sa pagpe-paint. Kahit na madalas niya akong nahuhuli, hinahayaan ko na lang lalo na hindi ko rin naman itatanggi na gusto ko syang makita. Ewan ko ba, parang hindi rin ako mapakali lalo na't alam kong may nakapaligid na mga babae sakanya sa labas.
"Okay contestants, break for 30 minutes.." napaunat ako ng katawan. Nangawit ako sa ginawa kong yun. Almost 2 hours rin yun ah? Tapos isang oras na lang para mamaya...LANG talaga.
Tinakpan rin muna namin ang mga hindi pa tapos na paintings. Isa isa na ring nagdatingan ang mga kasama ng bawat contestants. May mga dala pa silang pagkain. Bawal kasi kaming lumabas ng studio, syempre para siguradong bantay sarado namin ang mga canvas namin at walang mangyayaring kababalaghan. Alam nyo na, mga pandadaya..
"Hey.." bati ni Blaise ng makarating sa tabi ko. Umupo pa sya sa isang upuan na nasa tabi ko. Kinuha ko naman ang inaabot nyang lunch box at bottled water.
"Thanks." sa gutom ko, hindi ko na napigilan ang sarili kong lumamon agad. Oo, literal na lumamon. Ni hindi ko nga nagawang mahiya kay Blaise kahit nasa harapan ko lang sya.
"Gutom na gutom ah?" aniya pa.
"Uh, oo e. Ikaw, kumain ka na?" tanong ko sabay alok sakanya ng kinakain ko.
"Makita lang kitang kumakain, busog na ko."
"Shut up Blaise. Luma na yang pick up line mo. Mabuti pa sumubo ka. Dali." sabay lahad ko ng kutsarang may kanin at ulam. Hindi naman sya tumanggi at sinubo nya iyon.
"Magsyota siguro mga yan.."
"Sweet naman nila."
Nakakalimang beses na ata ang pagsubo ko kay Blaise ng mapansin ko ang mga bulungan sa paligid. Tsaka ko napagtanto kung bakit ginagawa ko ang ganitong ka-clingy na bagay sakanya? Mukha nga kaming magkasintahan!
"Bat ka tumigil?" nakangising sabi nya. Halos mamula ang mukha ko sa hiyang nararamdaman ko.
"Huh? W-Wala.. Oh ayan, inom ka.. Oh oh!" napipilitan kong bigay sakanya ng tubig. Nandyan na naman ang mukha nya na parang natatawa sa mukha ko. Bwiset!
Iniwas ko ang tingin ko habang nakikita syang umiinom na parang isang advertising model sa mga napapanood kong commercial. Grabe, ang hot lang kasing tingnan. Parang pwede na akong mapaso kapag tinangka kong hawakan ang seductive nyang katawan. Ugh!
"Can I ask something Claire?" utas nya. Tumango naman ako. May laman kasing pagkain ang bibig ko kaya hindi ko magawang magsalita.
"Ako ba yung pine-paint mo? Napapansin ko kasi yung pagsulyap mo kanina sakin sa labas." bigla akong nabilaukan sa sinabi nya. Ubo na rim ako ng ubo. Halos maiyak na nga ako sa sakit. Walanghiya! Bakit ba kailangang maging ganito ang reaksyon ko sa sinabi nya?
"Drink this.." nag-aalala nyang saad sabay abot sakin ng inumin. Kinuha ko naman yun agad at direktang inubos ang tubig. Buti na lang at umayos rin ang pakiramdam ko.
"Letche! Bakit kasi kailangan mong sabihin yun? Tsaka pwede ba, hindi ikaw.." tsaka ko sya inirapan. Bigla namang napalitan ang ekspresyon ng mukha nya ng lungkot. Parang tinutusok ang puso ko sa nakikita ko.
"Akala ko lang.." sht! Nasaktan ko ba sya? Lol. Hindi ko na kailangang itanong kasi halata naman sa mukha nya.
"Okay contestants, you're break is done. You may continue your work." isa isang nagsilabasan ang mga taong hindi kalahok sa painting competition. Ganon rin si Blaise, nagpakita pa sya ng pilit na ngiti bago ako talikuran.
"Sht!" napatayo akong agad sa kinauupuan ko at hinabol sya. Naabutan ko naman syang agad sabay hawak sa braso nya. Natigil sya. Dahan dahan nya akong hinarap kasama ng mga mata nyang parang naluluha. O my god!
"I'm sorry sa nasabi ko kanina Blaise, pero totoo namang hindi ikaw ang pine-paint ko...k-kundi tayo." kinakabahang sabi ko. Unti unting umangat ang labi niya, he smiled. Magsasalita na sana akong ulit ng bigla nya akong halikan sa noo. Agad akong ginapangan ng kilig sa sistema ko.
"Good luck.." nakangiting sabi nya bago lumabas ng studio. Naiwan akong lutang at nakangiti sa mga nangyari. I hate you Blaise, you're the only one who's making me feel this kind of happiness, especially in my heart.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...