Chapter 62: Family
Nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Puti ang lahat ng nasa paligid. Nung una inakala kong nasa langit na ako, pero hindi. Nakita ko si Blaise na nakahawak sa kamay ko habang nakayuko. Para syang nagdadasal.
"Gising kana Claire!" napalingon ako kay mama na tuwang tuwa habang may hawak na rosary. Umiiyak naman si Clark na pumunta sakin.
"Thank God!" utas ni Blaise na parang naiiyak sa tuwa.
"Nasan ako?" tanong ko. Inalalayan akong makaupo ni Blaise sa kama.
"Nasa ospital ka anak. Tatlong araw kang tulog dahil sa aksidenteng nangyari sayo.." paliwanag ni mama. Naalala ko nga, nagawa ko pa lang ilagay sa alanganin ang buhay ko para iligtas si Lucy.
"Si papa po?" tanong ko. Bigla kasi syang pumasok sa isip ko, naalala ko ang mukha nya. Kahit na iniwan nya kami, una ko pa ring naramdaman ang pagmamahal ko sakanya ng masilayan ko ulit sya.
"Nasa labas...tatawagin ko ba?" ngumiti naman ako kay mama at tumango. Nasiyahan ang puso ko. Hindi pala panaginip ang lahat.
"I missed you so much." ani Blaise tsaka ako niyakap ng mahigpit. Sa hindi malamang dahilan, gumanti ako sa yakap nya. Hinimas himas ko pa ang likod nya.
"Si Lucy?" tanong ko ng harapin ko sya.
"Padating na.." sagot ni Blaise. Hindi naman nagtagal ang usapan namin ng pumasok na sina mama at papa ng kwarto.
Sa totoo lang, natutuwa ang puso ko habang nakikitang magkakasama ang pamilya namin ngayon. Para kaming complete family tulad noon.
"Lalabas po muna ako." pagpapaalam ni Blaise. Nginitian ko naman sya ng kaunti bago sya lumabas ng kwarto.
"Anak, kumusta? May masakit ba sayo? Dapat ko bang tawagin ang doktor?" sunud sunod na tanong ni papa. Napanguso naman ako. Hindi pa rin sya nagbabago, nandyan pa rin ang pag-aalala nya.
"Ayos lang po ako pa." himawakan ko sya sa kamay. Napatingin naman sya doon. Napakusot pa ng mata si papa na parang naiiyak.
"Sorry anak, sorry dahil iniwan ko kayo ng mama nyo. Sorry dahil nagawa kong magbisyo para lang sa sarili ko. Umalis ako para mabayaran lahat ng utang... Sorry dahil hindi ko na nagawang magpakita sainyo. Wala na akong mukhang maihaharap kaya ganon." aniya habang umiiyak. Hinila ko naman papalapit si papa sakin tsaka siya niyakap.
"Okay lang papa..mahal pa rin naman kita." garalgal ang boses. Naiiyak na rin kasi ako. Masyado akong nadala sa emosyon nya.
Sunod na yumakap sina mama at Clark sa likod ni papa. Inabot ko pa sila sa mga kamay ko. Napapangiti ako dahil sa saya. Kung kailangan kong mabangga ng paulit ulit para makumpleto kami ng ganito, gagawin ko.
Naging family bonding ang buong oras namin sa loob ng kwarto. Puro kwentuhan at tawanan ang nangyari. Namamangha nga ako dahil parang hindi nagtanim ng sama ng loob si mama kay papa. Kita ko pa rin ang spark sa mga nilang dalawa. Mukhang mahal pa rin nila ang isa't isa.
"Oo, driver ako ng pamilya nina sir Blaise kaya saktong nandun rin ako nung mangyari ang aksidente.." halos mailuwa ko pa yung kinakain kong mansanas. Ibang klase pala ang tadhana sakin, ang galing!
"Ahh..hinahatid nyo po sya nun sa school?" tanong ko. May sarili kasing kotse si Blaise.
"Oo nasira kasi yung kotse nya anak.. Natraffic nga ang van na sinasakyan namin nung na-aksidente ka. Kinabahan ako nung mga oras na yun kaya lumabas ako ng van para silipin ang nangyari.. Hindi ko naman inaasahan na makikita pa kita sa ganong kalagayan kaya pinuntahan agad kita." paliwanag ni papa. Ngayon naging malinaw na ang lahat. Parang naiiyak na naman si papa kaya nginitian ko sya.
"Tapos na yun papa.. kalimutan na natin yun." saad ko.
*tok!tok!tok!*
"Claire, si Lucy nandito na.." ani Blaise. Nang bumukas pa lalo ang pinto, nakita ko ang mala-anghel na mukha ni Lucy na nakangiti sakin. May sumunod pang gwapo at matipunong lalake sa likod nya. Mukha syang may lahi. British? Australian? Ewan...
Hindi ko rin naiwasang pansinin ang magkahawak nilang kamay. Sino ba tong lalakeng kasama nya?
Nakasoot ang lalake ng itim na navy uniform. Sa paglapit nila, naagaw ng atensyon ko ang pangalan na nakalagay sa damit sa may bandang dibdib ng lalakeng kahawak kamay ni Lucy.
Captain Caleb Wright
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...