Chapter 32: Inlove
"Ehe-Ehem!" bigla akong napaalis sa kinauupuan ko ng makita sa likuran namin si Scarlett. Nakangisi ito saamin habang nakatitig saming dalawa. Sht! Mukhang iba ang tumatakbo sa isip niya!
"Hi older sister." saad ni Blaise sa nang-aasar niyang boses. Nakakainis! Parang hindi man lang sya kinabahan. Kung umasta pa ay parang walang nangyari kanina. Imagination ko lang ba ang lahat ng sinabi nya? Err!
"Shut up baby brother!" parang nakita ko ang pag-irap ko sa mga mata ni Scarlett. Ganito rin akong umasta sa tuwing naaasar ako kay Blaise.
"Aagawin ko muna sayo si Claire." agad akong tinungo ni Scarlett at hinila papalayo.
"Just take care of her old lady!" narinig ko pang sigaw ni Blaise bago kami makarating ng kusina. Napailing na lang si Scarlett sabay tumawa ng bahagya.
Bumungad agad samin ang maraming ingredients na nakahanda sa mataas na table nila. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at nagsimula na kaming gumawa. Lahat ng steps ay tinuturo ko ng maigi kay Scarlett, medyo nalilito pa sya. Siguro ay hindi talaga sya sanay sa ganitong gawain.
"I'm sorry Claire. Hindi kasi ako mabilis matuto sa mga memorization." nakanguso nyang saad.
"Okay lang Scarlett, tutulungan naman kita." napangiti siya.
"People always help me whenever I encounter difficulty in memorization. Especially Blaise." napatingin ako sakanya. Nakatitig lang sya sa mixing bowl na pinaghahaluhan nya. Para syang may inaalala.
"Simula bata pa kami, palaging siya ang napapagalitan kina dad dahil pinagtatakpan nya ko. Madalas kasi nakakalimutan ko yung mga bilin nila at nakakagawa ako ng mali. Lalo na sa pagtugtog ng piano, iyak ako ng iyak kasi hindi ko makuha ang tamang nota. Blaise saw me that time so he volunteered himself." mabait na kapatid pala si Blaise.
"Para makabawi, tino-tolerate ko siya sa kahit anong gusto nya, basta hindi lang sya mapapahamak. Kahit sa first love nyang si Lucy Andrada noong 4th year high school siya, naging tulay ako para magkatuluyan silang dalawa. But then, I didn't expect na masasaktan sya ng sobra kay Lucy. Their relationship only last for months. Pero kahit sandali lang yun, Blaise loved her so much that he cried a lot when Lucy left her." napabuntong hininga si Scarlett bago ituloy ang sinasabi nya.
"He promised to himself that he will not love any other girl expect for Lucy. Unti unti ko syang nakikitang nagbago. Nambababae sya, ang dami nila na halos hindi ko na mabilang araw araw kung ilan ang nakakasama nya. At the end, hanggang dun lang yun. Flirting with the girls, but not taking one of them to be his love. Hinayaan ko, kung yun ang rason para makalimot sya." parang may kumirot sa puso ko.
Hindi ko alam kung masasaktan ba ako dahil sa dahilan ng pambababae ni Blaise, o dun sa sinabi ni Scarlett na wala na syang ibang mamahalin kundi yung Lucy. His first love..
"Then you came, Claire. Nakita ko kung paano ulit sya nagbabago. Wala na syang inaatupag na mga babae kundi ikaw lang." napatingala sakin si Scarlett at nginitian ako. Magsasalita na sana ako ng dugtungan nya ang sinasabi nya.
"It's obvious, my brother fell inlove again with you Claire." is this true? Blaise Santos is really inlove with me?
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...