Chapter 59

3K 56 1
                                    

Chapter 59: Thanks Dylan





Mugtung mugto pa rin ang mga mata ko ngayon. Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos kakaiyak. Pilit kong kinakalimutan ang lahat pero hindi ko magawa. It still haunts me over and over again. Parang mababaliw na lang ako sa sakit na nararamdaman ko.


With all the smiles he brought me, I never thought that he could cause me so many tears. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Masasaktan ka sa dulo imbis na maging masaya ka?


Agad akong lumalabas ng classroom pagtapos ng klase. Hindi rin muna ako pumupunta sa Art club room dahil may posibilidad na puntahan ako doon ni Blaise.


*bvvv! bvvvv!*

(Text message from Blaise)

"Claire, where are you? Tell me please. I want to see you. Let's talk.."


Ilang beses na niya akong kinukulit sa mga call at text nya. Ni isa doon, hindi ko pinansin. Wala na akong ganang makinig sa mga kasinungalingan nya. Sapat na lahat ng narinig ko para paniwalaang hindi magbabago ang isang tulad nyang playboy.


"Hi Claire, may problema ba?" napatingin ako kay Dylan na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Nandyan pa rin ang pasa malapit sa labi nya. Bwiset na Blaise, kung makasuntok kay Dylan, akala mo hindi sila magpinsan.


"Wala naman, gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sakin nung isang araw...eto." sabay abot ko ng cake na nagawa kong i-bake kagabi. Siguradong mas magugustuhan na to ni Dylan dahil vanilla na ang flavor nito.


"Uy wow! Thanks Claire, pero sana hindi kana nag-abala pa."


"Ayos lang, hindi rin naman ako makatulog kagabi.." dahil kay Blaise.


"Because of Blaise?" nanlaki ang mga ko. Nabasa nya ba ang isip ko? Kahit patanong yun, kinabog ng pagkalakas lakas ang puso ko.


"Uh.."


"Why don't you give him a chance?" napatingin ako sa nakangiting mukha ni Dylan. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit na nagawa syang suntukin ng pinsan nya, mabait pa rin ang puso nya para dito..


"Chance? I don't think so.." napatitig ako sa mga batang masayang naglalaro sa park. Dito ko naisipang yayain si Dylan para siguradong di kami makikita ni Blaise.


"He really loves you.. Alam mo ba yun?" noon oo, pero ngayon...ewan na lang. Pagkatapos ng nangyari, puro galit na lang ang naramdaman ko. Ni hindi ko na magawang alalahanin lahat ng mga nagawa nyang maganda para sakin.


"Nagawa nya pa kong takutin para lang layuan ka. Nahalata niya sigurong gusto kita nung mga araw na nilalapitan kita.."


"What? Bakit hindi mo sinabi sakin? Sana napagsabihan ko sya.. Hindi tama yun Dylan."


"No it's okay. Pinsan ko sya kaya sanay na ko sakanya noon pa." ngumiti sya. Ang bait talaga ni Dylan, hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito na lang rin kadami ang nagkakagusto sakanya. Hindi ko nga alam bakit kay Blaise pa ako nahulog, sobrang baligtad naman ng pagkatao nya kay Dylan.


Mabait naman si Blaise pero...ewan.


"May relasyon sila ni Lucy.." kita ko sa peripheral view ko ang biglang pagtingin ni Dylan sakin. Nilingon ko sya na ngayon ay nagtataka ang mukha sa sinabi ko.


"No Claire.." ako naman ngayon ang nagtaka sa sinabi nya. Anong alam nya? I mean, bakit parang pinagtatanggol nya si Blaise.


"Kalat na sa buong university na sila ni Lucy at Blaise... H-Hindi ko rin sadyang marinig yung pinag-uusapan nila na buntis si Lucy, kaya inisip kong si Blaise ang ama." napailing iling si Dylan. Para syang nag-iisip ng malalim habang nakatitig sa baba.


"Imposible. May secret boyfriend si Lucy sa France. As far as I know, Caleb ang pangalan nya. Nandito lang si Lucy sa Pinas para magpalamig sa showbiz dahil nagiging mainit ang usapan tungkol sa relasyon nila. Sikat syang modelo doon kaya pinapangalagaan nya ang pangalan nya." napakurap kurap ako sa sinabi ni Dylan. Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Kulang pa pala ang impormasyong nakalap ko. Pero paano yung narinig kong sinabi ni Lucy na masisira rin yung reputasyon ni Blaise? Hindi ba sapat na rason yun para paniwalaan kong si Blaise ang ama?


"Kaya kung iniisip mong si Blaise ang ama..think again. Kasi ako naiisip ko, baka yung Caleb. Kababata namin si Lucy, kaya kilalang kilala ko silang dalawa."


"Tinakot ka na naman ba ni Blaise? Inutusan ka na naman ba nyang sabihin mo ito sakin para maniwala ako sakanya?"


"Hindi Claire. Sinasabi ko to kasi gusto kong malaman mo kung ano ang mga totoong alam ko. Hindi magagawa ni Blaise na makipag.. alam mo na, kay Lucy, lalo na kung may mahal na sya. Subukan mo syang pakinggan. Baka sakaling mas malaman mo ang totoo." para akong natauhan sa sinabi ni Dylan. Hindi ko inaasahan na ganito kalalim ang malalaman ko tungkol kay Blaise at Lucy...


"Thanks Dylan.." saad ko.



---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon