Chapter 61

3.1K 60 9
                                    

Chapter 61: Hold on





Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pinagtatalunan kasi ng isip at puso ko kung dapat ko bang kausapin si Lucy. Natatakot kasi akong malaman ang totoo. Paano na lang kung mas masakit pa ang malaman ko sakanya? Pero paano kung hindi? Ay ewan! Mukha na tuloy akong bangag ngayon.


Sakit pa ng ulo ko.


Sa pagbaba ko ng taxi, hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhana na makita kong agad si Lucy. Nasa kabilang daan sya. Nakahawak sya sa tiyan nya, parang nangangasim ang kanyang mukha.


"Etong bayad manong." sabay abot ko agad ng bayad sa taxi driver. Hindi ko inalis ang titig ko kay Lucy.


Oo na, kakausapin ko na!


Kung bangag ako, parang mas bangag siya sa dating ng itsura nya. Mukha syang nanghihina. Napalunok ako, parang hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Alam kong galit ako sakanya pero parang gusto ko syang tulungan.


Napahinga ako ng malalim. Kita ko ang pagsapo nya sa ulo nya. Parang masama talaga ang pakiramdam nya. Kahit nasa kabilang daan sya, kita ko kung gaano sya kaputla....sht.



*prrrrrrt!*



Sa pagpito ng police officer, nanlaki ang mga mata ko sa biglang paglakad ni Lucy diretso sa gitna ng daan. Mali Lucy! Wag kang tumawid! STOP SA PAGTAWID ang ibig sabihin ng pagpito nya!


"Sht!" napatakbo ako ng mabilis patungo kay Lucy. Ni hindi ko na inisip ang consequence na pwedeng mangyari.



*peeeeeet! peeeeeet!*



"Miss!" narinig kong sigaw ng officer. Hindi ko sya pinakinggan. Hindi kaya ng konsensya kong mapahamak si Lucy at ang baby nya.


Nahawakan ko agad si Lucy at mabilis ko syang naitulak patungo sa tabi ng daan. Nakita ko pa syang ininda ang sakit ng pagkabagsak nya.



*BOOOOOGSH!!*



"O my gosh!"


"Yung babae nasagasaan!"


"Tumawag kayo ng ambulansya!"


Mabilis ang pangyayari. Ako ang nahagip ng kotse. Hindi ko naisip na sarili ko pala ang mapupuruhan. Intensyon kong maligtas ang dalawang buhay pero hindi ko binalak na magpakamatay.


Damang dama ko ang sakit sa buong katawan ko. Kita ko ang mga taong nakapalibot sakin at awang awang nakatitig sa kalagayan ko. Hindi ko magawang tumayo. Napahawak ako sa ulo ko, kita ko ang dami ng dugo sa kamay ko. Hindi ako makahinga. Ang sikip ng dibdib ko.


"Claire!!" sigaw ng isang lalake. Si Blaise ba yun? Dylan? Or some other guy? Hindi ko alam. Nagdidilim na ang paningin ko.


Naramdaman ko ang pagbuhat sakin sa mga bisig ng kung sino man. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at nakita kung sinong nasa tabi ko.


"Papa??" tumulo ang luha ko. Nagawa ko pang hawakan ang mukha nya. Namiss ko siya. Habol habol ko ang hininga ko habang ngumingiti sakanya.


"Anak sorry..please kumapit ka ha? Nandito lang si papa." aniya habang hinihimas ang buhok ko.


"Oh God! Claire!!" nakita ko si Blaise na hysterical na pinapatabi ang mga tao sa paligid.


"Excuse me!" bulyaw ni Blaise tsaka nya ako kinuha kay papa. Parang natuyo ang lalamunan ko. Hindi ko na kayang magsalita. Napapikit ako ng mariin sa sakit.


Ilang sandali pa ng maramdaman kong nakahiga na ako sa isang wheeled stretcher sa loob ng ambulansya.


"Hold on Claire, hold on.." umiiyak na saad ni Blaise habang nakahawak ng mahigpit sa duguan kong kamay.


"S-Si Lucy..." nahihirapan kong saad. Damang dama ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa ulo ko. Parang wala itong tigil sa paglabas. Ang sakit sa pakiramdam.


"Don't think about her right now Claire.. just please, hold on. Don't leave me alright?" dahan dahan akong kumurap hanggang sa makaramdam ng pagkahilo. Hindi ko na kaya...


"Fvck! Bilisan nyo naman! Claire please, wake up!" yun na lang ang huling narinig ko kay Blaise bago ako mawalan ng malay.



----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon