Chapter 51: She's here
Mabilis na nagdaan ang pasko at bagong taon. Nagbakasyon pa kami nina mama sa probinsya ng mga kamag-anak namin. Halos wala rin kaming communication ni Blaise dahil mahina ang signal doon. Medyo nalungkot nga ako at hindi maiwasang mangamba. Naiisip ko kasi, baka may lumalandi kay Blaise sa syudad. Pero naisip ko rin, kung totoong mahal nya ko, kahit hindi pa kami, handa nyang layuan ang mga tukso kahit hindi ko sya nakikita.
"Claire!" muntik ko pang mabitawan ang painting na hawak ko. Pakiramdam ko nga namumula na naman ako ng muli kong masilayan ang gwapo nyang mukha. Nakangisi pa itong kumakaway sa labas ng classroom habang winawagayway ang susi ng kotse nya.
"Sana nagtext kana lang." utas ko ng makalapit ako sakanya. Ngumuso naman sya tsaka ako inakbayan. Inalis ko naman ito agad dahil hindi ako sanay na ginagawa nya to in public. Hindi naman sa kinahihiya ko sya pero naninibago lang ako.
"Pagkatapos mong hindi magparamdam ng halos tatlong linggo, susungitan mo na naman ako?" pagtatampo nya.
"Sorry naman, mahina lang talaga ang signal sa probinsya. O eto, gift ko sayo." sabay abot ko ng painting na naka-gift wrap, ginawa ko ito noong pasko. Pininta ko ito gamit ang nakuhanan kong litrato noong magkasama kami sa AP studio. Nagandahan ako sa mga tanawin noon kaya nag-picture ako, dahil sa pagkamangha ko nakunan ko rin sya ng litrato habang seryosong nakatitig sa mga puno.
"Ang galing mo...talaga Claire.." aniya pa habang pinagmamasdan ng maigi ang painting. Todo ngiti pa sya.
"Happy now?" nakangiting tanong ko.
"Uh-huh." pagtango nya. Bigla nya pa akong hinalikan sa noo at nagpasalamat. Ni hindi ko na nagawamg umimik dahil sa pagkabigla.
"Nakakamangha ka, memorize mo lahat ng detalye sa mukha ko. Ganyan mo ba talaga ako kamahal na halos hindi mo na maalis sa isip mo ang itsura ko?" nakangising saad nya. Inirapan ko naman.
"Wow ang hangin ah! May picture mo lang naman ako sa phone kaya napinta kita." natatawang sabi ko.
"Talaga? Sana nagpasend ka na lang ng pictures sakin. Kahit mga private parts isasama ko pa--Aray!"
"Kadiri ka, alam mo ba yun ha?" humagalpak naman sya sa tawa. Hinampas hampas ko pa sya habang sya naman tong umiiwas.
"Hi Blaise!" bati ng mga babaeng nakasalubong namin. Sasamaan ko na sana ng tingin si Blaise ng bigla nyang ipadausdos ang kamay nya sa bewang ko. Sht! Nanindig ang mga balahibo ko!
ANONG TRIP NG KUMAG NA TO?!
"Girlfriend ko." nalaglag ang panga ng mga babae sa insinagot ni Blaise. Halos himatayin na nga ata ako sa sobrang pagkabog ng puso ko.
"O-Okay..." nadidismaya nilang sagot bago kami lagpasan. Agad kong hinampas ang tiyan ni Blaise. Medyo nabigla pa ako ng maramdaman ko ang abs nya. Ang tigas sht!
"Puro ka kasinungalingan!"
"Sagutin mo na kasi ako para maging totoong tayo na. Ang dami ko ng kasalanan noong wala ka. Kailangan ko pang sabihin sa mga babae na girlfriend kita para tigilan ako." nakangisi niyang paliwanag. Para syang batang nagpa-puppy eyes sa harap ko.
"Kasalanan ko pa?"
"Hindi naman pero..."
"Pero ano?" may nalalaman pang pabitin effect ang kumag.
"Pero di na ako makapaghintay na maging tayo na. Yung ipapakilala kita sa parents ko, tipong totoong mapagmamalaki kong akin kana, tapos mahahalikan na kita kahit--"
"Shit Blaise!" agad kong tinakpan ang bibig nya. Napatingin pa ako sa paligid para kumpirmahin kung may nakarinig ba sa sinabi nya. Letche! Kinilabutan ako ng sobra sa sinabi nya!
Natawa na naman sya ng matanggal ko ang kamay ko. Pinandilatan ko sya ng mata. Jusko! Sya lang ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Baka nga atakihin na ako anumang oras sa mga pinaggagagawa nya e.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-aasaran naming dalawa ng biglang..
"Blaise!" sabay kaming napatingin sa isang babae.... Magandang babae.
Nagawa kong pagmasdan ang babae simula ulo hanggang paa. Mistisa sya at may kaunting freckles sa pisngi. Brown ang kanyang buhok na mas mahaba pa sakin. Hindi ko rin maiwasang pansinin ang kutis porselana nyang balat. Mukha syang manika sa ganda ng mga asul nyang mata. Isama mo pa yung matangos nyang ilong at pinkish nyang labi.
Sa pagmamasid ko, unti unti kong napagtanto kung sino sya. Eto na nga ba ang kinatatatakutan ko. She's here.
Lucy Andrada is here..
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...