Chapter 20: No Claire
Bagot na bagot pa rin ako hanggang ngayon. Paano ba naman kasi, imbis na magustuhan ni Dylan ang gift kong cake, si Blaise ang umentrada at unang tumikim. Nagustuhan naman ni Dylan pero... ewan! Nakakainis! Ang panget kasi dito, vanilla pala ang favorite flavor ng crush ko at hindi mocha. Hiyang hiya ako sakanya at the same time sa sarili ko rin.
Edi sana ngayon, may points na ko kay Dylan kung tamang flavor lang ng cake ang nagawa ko. Ang pagbe-bake na lang nga ang paraan ko para ma-impress siya sakin kahit papaano, tapos sisirain pa ng kumag na playboy na yun!
Makakatikim talaga ang lalakeng yun pag nakita ko siya!
Naglalakad ako ngayon patungong storage room. Kukunin ko na kasi yung mga panibagong materials para sa art club. Ng biglang....
*splash!*
Bumagsak sakin ang isang timba ng puting pintura. Sobrang lagkit! Nang mapatingin ako sa taas, nakita ko kung sino ang mga may kagagawan. Ang mga kampon ni Stella na ngayon ay tumatawa pa. Hindi lang sila ang tumatawa, pati na rin ang ibang mga taong nakakita sa nangyari.
Pakiramdam ko tuloy, wala talaga akong kakampi sa university na to. Lahat sila pinag-uusapan ako. Ganito pala kapag alam mong hindi ka nababagay sa isang lugar. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Agad akong tumakbo papalayo sa lugar na yun.
"Claire!" what a bad day for me. Nakita pa ako ni Dylan. Hindi ko siya hinarap at patuloy na tumakbo. Naiiyak na ako.
Tumungo akong agad sa shower room. Punung puno ang katawan ko ng pintura. Binanlawan ko agad ang sarili ko. Ano bang problema ng grupo nina Stella sakin? Nakakainis. Wala man lang tumulong sakin ni isa!
"Claire?" kinilabutan ako sa boses na narinig ko. Si Dylan ba yun?
"Claire, it's me. Blaise. Are you there?" nag-igting bigla ang galit ko. Hindi pa pala tapos ang panget na araw ko.
"Wala, wala ako. Umalis ka na." humihikbi pa rin ako sa pag-iyak. Tapos na akong magbanlaw ng katawan pero hindi ko magawang lumabas. Basang basa ako at wala akong damit na pamalit.
"Come on, show yourself Claire." parang nakikiusap yung tono ng pananalita niya. Ay hindi! Hindi dapat ako magpaniwala dyan. Paniguradong pagtatawanan niya ako pag nakita niya kong ganito. Isang basang sisiw.
"Umalis kana." yun na lang ang nasabi ko. Napaupo na ako sabay yakap sa sarili kong mga tuhod. Siguro ay umalis na si Blaise dahil hindi ko na siya narinig na sumagot. Umiyak ulit ako.
"Shit Claire! Magkakasakit ka sa ginagawa mo!" napatingala ako at nakita ko ang Blaise na pinapatay ang shower. Pati siya ay nabasa na rin.
"Bakit.. nandito ka? Sabi ko.. umalis ka na, diba?" nanginginig kong tanong. Grabe, nilamigan ako.
"Stop questioning me. Come." seryoso ang boses niya. Hinatak niya ako papatayo.
"Here." sinoot niya sakin ang varsity jacket niya. Hindi ko magawang umimik. Hindi ko alam. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila papalabas ng shower room.
Nakita ko agad ang mga matang nakatitig samin. Pinag-uusapan na naman ako ng mga tao. Lahat sila ay nagtataka sa paghila sa akin ni Blaise. Kahit ako, nagtataka rin ako, bakit ba ako nagpapahila sakanya?
"Let me go." tsaka ko inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya. Nagalit siya sa ginawa ko.
"What the heck, Claire?! Anong ginagawa mo?" napalunok ako.
"Ikaw ang dapat kong tanungin sa bagay na yan. Ano bang ginagawa mo Blaise? Hindi mo ba alam, ikaw ang rason kung bakit nangyayari sakin to. Lagi kang nandyan sa tabi ko kaya pinupuntirya ako ng mga sumasamba sayo!" nandyan na naman ang mga luha sa mata ko.
"Sumasamba? There's nothing like that Claire." napailing ako. Inalis ko ang varsity jacket nyang soot ko.
"Akala mo lang yun Blaise. Satingin mo ba mangyayari sakin to kung hindi sila nagagalit sakin? Please, lumayo ka na lang." kinuha ko ang kamay niya sabay bigay ng jacket niya. Natameme siya. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang hatakin ang braso ko. Niyakap niya ko? NIYAKAP NIYA NGA AKO!
"No Claire. You'll come with ME." madiin niyang sabi. Isinoot niyang muli sakin ang jacket niya at hinila ako pasakay ng kotse niya. Heart beats fast. Butterflies playing inside my stomach. The heck, what's happening to me?
----

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Fiksi RemajaTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...