Chapter 27

3K 67 3
                                    

Chapter 27: Be my date
    
    
    
    
      

Nakatayo lang ako sa may pinto habang pinagmamasdan ang seryosong mukha ni sir Logan. Nadatnan ko na syang nakaupo ng makapasok ako. Medyo nagulat pa nga ako ng tingnan niya ako ng masama.
        
     
"Sit." utos niya.
     
     
"Y-Yes sir." agad akong napasunod at umupo sa tapat ng table nya. Ang awkward ng pakiramdam ko. Para akong estudyanteng naguidance dahil sa pagiging inosente. What? ano daw sinabi ko?
       
        
"Gusto ko lang humingi ng pabor." pinagsiklom niya ang kanyang mga kamay.
       
      
"Ano po yun sir?" tanong kong hindi makalingon sakanya.
       
      
"I told you, stop calling me sir. Dalawang taon lang ang tanda ko sayo." natatawang sabi niya. Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko ang halakhak niya. Nakakapanibago pero nakakatuwa rin at the same time.
       
      
"Ahh opo sir, este Logan. Kung yan ang gusto mo." ngumiti ako. Yun lang pala ang pabor niya. Pwede naman nyang sabihin sa labas, bakit kailangan pang naka-office?
       
      
"Mabuti naman. Pero hindi pa yun ang pabor na hinihiling ko, Claire." mali pala ang akala ko. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.
        
       
"Be my date tomorrow." halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. tomorrow...DATE?! Seryoso ba siya?
        
      
"Hey, careful." mabilis siyang nakapunta sa tabi ko. Inalalayan niya pa akong makaupo ng maayos.
      
        
"Seryoso ka ba dyan Logan? Bakit ako?" hindi ko alam kung tama bang ganon ang tinanong ko pero yun lang ang unang lumabas sa bibig ko.
        
       
"Oo, may problema ba? Besides, wala ka namang boyfriend. So I want you to come with me tomorrow." jusko po. Utos pa talaga ang dating ng pananalita niya imbis na patanong. Paano ko tatanggihan ang isang to?
         
          
"Uh, hindi ko alam sir. Hindi naman ako sanay sa mga ganyang bagay. Tsaka nakakahiya."
       
      
"Come on, ikaw lang ang nakikita kong babagay na sumama sakin. You have the looks. Bukas lang naman. Mag-a-attend kasi ako sa isang party and I need a date. Ayokong mapahiya sa mga kasama ko." para akong nakaramdam ng bigat sa puso ko. Pakiramdam ko, isa lang akong bagay para sakanya na pinili niya para sa isang okasyon.
         
        
"Sorry Logan pero, hindi talaga pwede." nag-iba na naman ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kita ko ang pagkuyom ng kanyang panga. Nagulat pa akong bigla niya akong hawakan sa braso. Nasasaktan ako!
        
      
"Kung hindi ka sasama, kakalat sa school mo ang tungkol sa trabaho mo." ngumiwi siya. Halos hindi ko magawang makapagsalita. Ayokong pumayag dahil hindi ako isang bagay. Pero ayoko ring tumanggi dahil ayokong masira sa iba.
       
       
"Ganyan pala kasahol ang ugali mo." madiing sabi ko sakanya. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero hindi ko magawa. Ayokong gumawa ng ikakapahamak ko.
        
        
"Choose, sasama ka sakin? O masisira ang lihim mo?" hindi ko maiwasang isipin kung paano niya nalaman ang tungkol dito. Pero alam ko sa sarili kong planado ang lahat at sarili niya lang ang iniisip niya ngayon. Tama pala si Blaise, maling pagkatiwalaan ang taong to.
      
      
"I'll count up to five. Pag hindi ka pa nakapagdesisyon, alam mo na ang mangyayari sayo bukas." nababaliw na ba sya?!
                
        
"Ano?!"
        
      
"1.." the heck! Nagsimula na siya!
    
       
"Pwede ba, tumigil ka!"
      
       
"2.."
       
       
"3.." bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
      
     
"4, Claire."
       
     
       
"And--"
       
            
          
"Okay, fine! I'll come!" saad ko bago niya ibagsak ang braso ko. Kita ko pa ang pagngisi niya bago siya tumayo.
       
      
"Good girl." sinamaan ko siya ng tingin bago niya ako talikuran. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at lumabas ng office niya. Blaise, bakit ngayon ka pa nawala?
          
       
     
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon