Chapter 56

2.9K 58 6
                                    

Chapter 56: Forever
     
     
     
    
     
Inaayusan na ako ni ate Rafa, ate ni Rica na isang make-up artist. Kabado ako habang nararamdaman ko ang pagdampi ng brushes sa mukha ko. Unang beses ko lang kasing magpapaganda ng ganito kabongga para lang sa prom. Noon kasi, simpleng make-up lang, ayos na.
     
     
Masyado ata akong nape-pressure dahil sa alam kong date ako ni Blaise para mamayang gabi.
     
      
"And..tapos na!" inikot ni ate Rafa ang upuan paharap sa salamin.
     
    
"A-Ako ba yan?" hindi ako makapaniwala ng makita ko ang repleksyon ko. For the first time in forever, masasabi kong ang ganda ganda ko.
     
     
"Oo naman ulol." natatawang sabi ni Rica.
    
    
"Simpleng make up lang ang ginawa ko sayo Claire." napanganga ako.
     
   
"Simple pa ba to Ate Rafa? E halos hindi ko na nga makilala ang sarili ko e." hinahawakan ko pa ang mukha ko sa sobrang pagkamangha.
     
   
"Sabihin mo, hindi mo lang talaga tinitingnan ang sarili mo sa salamin kaya hindi ka sanay!" sarkastikong saad ni Rica. Napairap naman ako sakanya. Nahagip agad ng mga mata ko ang maliit na crown na bigay sakin ni Blaise nung isang araw. Inabot ko yun kay ate Rafa at nakisuyong ilagay ito sa tuktok ng ulo ko.
      
        
Ang ganda, para talaga akong prinsesa sa isang fairytale story.
        
       
"Bye ate!" pagpapaalam ni Rica ng makasakay na kami ng taxi. Soot soot na namin ang mga gown namin habang patungo sa Epidóseis. Sa main hall gaganapin ang prom. Pinakamalaking hall yun sa university kaya paniguradong bongga na naman ulit ang venue tulad noong mga nakaraang taon.
      
      
Sa pagbaba namin ng taxi, bumungad agad sakin ang nakaputing tuxedo na si Blaise. May soot rin syang maliit na korona na hawig ng akin. Ngayon ko lang napagtanto na kaya nya gustong magputing gown ako ay para parehas kami ng kulay ng soot sa prom. King and Queen nga ang peg.
      
    
Nakita kong sinalubong rin ni Aaron si Rica, pink ang gown ni Rica at blue naman ang tuxedo ni Aaron. Match talaga ang kulay at bagay tingnan sakanilang dalawa. Mukha talaga silang couple!
       
      
"Take my hand, my lady." nakangiting saad ni Blaise. Napakagat naman ako ng lower lip sa kilig na nararamdaman ko. Ang gwapo talaga ni Blaise. Mukha talaga syang prinsipe sa porma nya.
       
       
"Omg. Sila ba?"
          
      
"Hindi siguro.."
      
      
Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng ibang tao. Hinayaan ko na lang sila at napasinghap na lang ng malalim.
       
       
"You're so beautiful." bulong nya sa tenga ko. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mukha ko. Baka nga nagba-blush na naman ako ng wala sa oras. Buti na lang at nakamake-up ako kaya satingin ko, hindi ito ganoong halata.
       
     
Napalinga-linga ako sa paligid ng makapasok kami sa loob. Napansin kong enggrande ang disenyong ginawa sa hall. Royal style ang venue. Pinapaligiran ang mga chandelier ng mga diamonds at kandilang nakasabit sa taas. Hindi rin nagpatalo ang mga nakahapag na pagkain sa isang mahabang lamesa. Nakaayos rin ang mga ito katulad ng pagkakaayos sa mga kaharian sa magazines at TV na nakikita ko.
      
       
        
(music playing)
     
   
"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave.."
      
     
"Shall we?" kinabog ang puso ko ng ipalad ni Blaise ang kamay nya. Sandali ko iyong pinagmasdan. Hindi ko naman pinatagal pa at ipinatong ko na rin doon ang kamay ko. This will be my first dance in my entire life. Kinakabahan ako.
        
     
Si Blaise mismo ang naglagay ng isang kamay ko sa balikat niya. Habang ang isa ay hawak hawak niya ng mahigpit. Kinakabog na naman ng malakas at mabilis ang puso ko. Kahit na halatang nagpapapansin ang ibang kababaihan sakanya, hindi niya pa rin inaalis ang mga titig nya sakin.
     
      
"Why are you smiling?" tanong ko.
    
    
"Because of you.."
      
     
"Then how long can I make you smile?" nanindig ang mga balahibo ko ng makita kong basain nya ang labi nya. Kinagat nya pa ito at tinitigan ako ng seryoso sa mga mata.
       
          
(music still playing)
     
"One step closer
One step closer..."
     
      
Hinigit ni Blaise ang bewang ko papalapit sa katawan nya. Kahit mabagal lang ang pagsayaw namin, pinagpapawisan ako ng malamig sa nararamdaman kong tensyon. Ang lapit lapit na naman kasi ni Blaise sakin. Parang konting usog na lang at magkakahalikan na kaming dalawa.
        
        
"Forever, Claire.." halos pabulong na nyang sagot. My heart melted at that instant moment. Nakakatukso ang boses nya. Kahit ayokong pagpantasyahan si Blaise, hindi ko maiwasan dahil sa nakakapang-akit nyang katauhan. Lahat sakanya perpekto. Ni wala kang matatanggihan sakanya dahil nasa kanya na ang lahat.
         
          
       
"And all along I believed, I would find you
Time has brought your heart to me, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more.."
      
       
Natapos ang kanta na hindi naalis ang mga ngiti ni Blaise sa labi nya. Kahit na parang nahihiya ako, nagawa ko pa rin syang titigan at sabihing, "Pwedeng isa pa?" ngumisi naman sya ng pagkalaki laki sabay pinadausdos ang kamay nya sa bewang ko.
      
    
"Hell yeah." aniya sabay kindat.
      
       
    
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon