Chapter 42: Green light
Nang matapos ang meeting, kasabay kong lumabas ng auditorium ang mga katabi ko kanina. Agad na sumalubong sakin ang gwapong mukha ni Blaise habang nakasandal sa kotse nya. Ngumisi pa ito ng mahuli nya ang titig ko sakanya. Napaiwas ako ng tingin, naalala ko yung nasabi ko sakanya kanina sa call. Mukhang dala dala niya pa rin sa isip nya ang sinabi ko at handa syang gamitin ito para asarin na naman ako.
"Hi Claire.." napalunok ako sa paglapit nya. Kahit na shirt at jeans lang ang soot nya, ang lakas pa rin ng dating nya. Nakakaakit talaga syang tingnan. Nandyan pa nga ang pagtitig ng iilan sa mga babae sakanya.
"Kanina ka pa?" tanong ko.
"Yep."
"Boyfriend mo Claire?" tanong ni John, isa sa mga nakilala ko sa loob ng auditorium. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Blaise.
"Soon.." seryosong saad nya. Nanindig ang mga balahibo ko ng maramdaman ang paggapang ng kamay ni Blaise sa bewang ko. Aangal na sana ako ng makita ko ang pagtaas nya ng kilay.
"Let's go." aniya pa.
Nakuha ko pang kumaway para magpaalam sa mga nakasama ko. Ngiting ngiti pa ang iilan sakanila na parang may naiisip tungkol saming dalawa ni Blaise. Pwede ba, hindi kami...pero anong sabi ni Blaise kanina? Soon? Ha! Imposible.
Tahimik lang ako ng makasakay kami ng kotse nya. Hiyang hiya pa rin kasi ako sa nasabi ko sakanya kanina. Hindi ko nga alam kung anong nagtulak sakin para sabihin yun e. Pakiramdam ko tuloy, ang harot ko na sakanya. Err!
"Tahimik mo?" tanong nya habang nagmamaneho.
"Lagi naman akong ganito." sagot ko.
"Nah you're not. Iba ngayon, and it bothers me Claire." napakunot ang noo ko.
"Ano namang gusto mong sabihin ko?"
"Kahit ano. Magkwento ka, o pwede ring ulitin mo yung sinabi mo kanina sa call." kita ko ang pagngisi nya. Bwiset! Sabi ko na nga ba aasarin ako ng kumag na to.
"No way."
"Come on, I want to hear it again.. lalo na ngayon sa personal." pangungulit nya. Inirapan ko naman sya.
"Ayoko."
"Madali lang naman yun e, you're the only one I really like.." ginaya nya pa ang way ng pagsabi ko ng katagang yun sa call kanina. Hindi na ako nakapagtimpi at kinurot ko na sya sa tagiliran.
"Aww..Isang beses lang naman." natatawang sabi nya.
"Tigilan mo ko!" hindi pa ako nakuntento at hinampas hampas ko pa sya sa braso. Mukha pa syang nataranta sa pagmamaneho.
"Haha okay, I'll stop.."
"Good."
"But honestly Claire, pinasaya moko kanina sa sinabi mo."
"Whatever." sabay irap ko. Nilingon ko na lang ang labas ng bintana. Nagsisimula na naman ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko. Gusto ko ng makarating agad sa hotel. Pakiramdam ko kasi, hindi ko na kakayanin ang nararamdaman ko habang tumatagal na kasama ko ang taong to.
Kahit anong pilit kong iwasan ang nararamdaman ko sakanya, lalo lang itong lumalalim. Kahit nga rin anong tanggi ko sa sarili ko, lalo lang akong tinatraydor ng puso ko. I'm really trying not to like him, but I realized that I'm falling even harder. Kahit na alam ko sa sarili ko kung ano ang totoong ugaling meron sya, kahit na alam kong may posibilidad na niloloko niya lang ako.... satingin ko, mahal ko pa rin sya.
"Hey, are you listening?" hindi ko napansing kanina pa pala sya nagsasalita. Masyado akong nalunod sa mga naiisip ko.
"Uh, anong sabi mo?" diretso niya akong nilingon. Saktong nakahinto ang sasakyan dahil sa stop light.
"I said, I love you Claire." parang may mga kabayong biglang nagkakarera sa dibdib ko. Pakiramdam ko rin sobrang pula na ng mukha ko. Seryoso niya pang sinabi yun kaya naman naestatwa ako sa kinauupuan ko. Ni hindi ko sya magawang barahin o umimik kahit konti man lang. Ano to??
"Its okay, mahal pa rin naman kita kahit wala kang sagot." ngumisi sya at sinimulan ng imaneho ang kotse nya. Green light na, pero hindi pa rin ako makamove on sa sinabi nya. Should I believe him? What if totoo pala? Dapat ba akong umamin na mahal ko rin sya?
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...