Chapter 23: Boss's son
Agad akong nag-ayos ng sarili ko papuntang trabaho. Hindi ko napansin ang oras, sobrang nadala ako sa pagpapahinga ko. Bakit kasi hindi ako nagising sa alarm ko? Err!
Ngayon pa naman darating ang boss namin. Dapat magpa-impress ako, hindi magpa-dissapoint. Kainis! Napatakbo na ako sa soot kong high heels patungong store. Nabatchawan ko pa si Blaise na kakapasok lang ng mall. Ngumisi siya ng makita ako. Inirapan ko na lang ang mokong.
Hindi ko pa rin makakalimutan yung sinabi niya sakin last week. Bwisit siya! Nagawa niya lang akong pagtawanan pagkatapos niya akong inisin.
"Uy, Claire..bakit ngayon ka lang?" halos pabulong na sabi sakin ni Fatima ng salubungin niya ako sa tapat ng store.
"Nakatulog kasi ako ng matagal. Nandyan na ba yung boss?" natatakot kong tanong. Hindi ko pa naman nakikita yung boss simula nung magtrabaho ako sa store. Manager lang kasi ang laging nagbabantay sa store dahil may inaasikaso raw na business ang boss sa ibang lugar. Sabi pa nila strikto daw ito at laging nakasimangot.
"Wala siya." sandali akong nakahinga ng maluwag. Yes!
"Pero yung anak na boss, nandyan na kanina pa. Mas nakakatakot yun sa nanay na boss." napanganga ako. Akala ko ligtas na ako pero may mas titindi pala. Oh no...
"S-Saan--"
"What was that?!" biglang sigaw ng boses ng isang lalake sa likod ni Fatima. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko magawang tumingin. Yan na ba ang sinasabi niyang anak ng boss? Paniguradong patay na ako nito.
"S-Sir.." humarap si Fatima. Napayuko naman ako. Rinig ko ang papalapit na boss's son samin.
"Ikaw siguro ang kulang na si Claire Elizabeth Rayos. Bakit hindi ka tumingin?!" madiin niyang sabi. Napalunok ako.
"Y-Yes sir.. I'm sorry." napatingala ako sa galit niyang mukha. Dahan dahan itong nagbago at umaliwas ng pagmasdan niya ako. Pakiramdam ko tatanggalin na niya ako sa trabaho.
"Ayoko sa lahat, yung mga late." mahinahon na niyang sabi bago kami talikuran. Agad kong tinungo ang cabinet sa storage room na pinagtatabihan ko ng bag. Buti na lang at ganon lang ang inabot ko sa boss namin. Akala ko matatanggalan na ako ng trabaho.
Pagkarating ko sa pwesto ko, nakangisi akong sinalubong ni Blaise. Halatang hinihintay ang paglabas ko. Sarap bigwasan ng isang to!
"Hanggang kailan ka ba titigil ha?" iritado kong bulong sakanya. Ngumuso naman siya.
"Hanggang mapasakin ka."
"Bwiset!" kinurot ko siya sa tagiliran. Natawa naman ang kumag.
Nilayuan ko si Blaise para makapagtrabaho ng maayos. Habang nagtutupi ng iilang damit na nagulo, napansin ko ang matatalim na titig ng boss namin. Napalunok ako. Nakakapanindig balahibo. Halos lahat samin ay hindi makakilos ng maayos sa pagiging strikto niya.
Lumipas ang oras, off ko na ng trabaho. Sakto at makakauwi na rin ako. At sakto, makakahinga na rin ako ng maluwag! Maniwala kayo sa hindi, halos hindi na ako makahinga sa pagmamasid nung boss namin. Pakiramdam ko nga bawat kilos ko bantay sarado sakanya. Dinaig pa ngayon si Blaise. Ay nako!
Papalabas na sana ako ng makita ko ang boss namin.
"Miss Claire." pagtawag niya.
"Uh, yes sir?" kinakabahan na naman ako. Pagagalitan niya ba ko? Wag naman..hindi ko na uulitin yung pagiging late ko kanina sir, promise!
"Magaling ka pala sa pag-e-entertain ng customers huh? I like that. You did a great job." whaaaat??! Yun talaga yun?
"T-Thank you sir."
"Wag ng sir, Logan will do." at sa unang beses, nakita kong ngumiti ang boss kong suplado.
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...