Chapter 8: Angry
Dumiretso akong agad sa trabaho pagkatapos kong magpahinga sa bahay. Nakakainis nga dahil ramdam ko pa rin ang antok sa katawan ko.
"Uy Claire, ayos ka lang?" tanong ni Fatima sakin, katrabaho ko.
"Uh, oo. Medyo inaantok lang." sabay hikab.
"Wala naman yung manager, upo ka muna dyan para makapagpahinga ka." sabay turo niya sa upuan para sa mga customers.
"Hindi na Fatima, ayos lang. Kaya ko naman." ngumiti ako.
"Osige, sabi mo e." umalis naman siya ng may biglang dumating na customer.
Nanatili akong nakatayo. Inuunat ko pa yung kamay ko para magising. Naisipan kong ayusin na lang yung mga damit na naka-hanger sa Men's wear para hindi ako lalong antukin.
"Do you have any size of this one?"
"Uh, let me see sir--Blaise?!!" halos mapalundag ako sa gulat nang makita ko sya sa tabi ko.
"Hi Claire." nakangisi na naman ang kumag.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Why? Bawal? Customer rin ako dito."
"Kailan ka pa naging customer dito?"
"Ngayon lang..tsaka pala nung unang beses kitang nakita dito." bwiseeeeet!
"Oo, yung may kasama kang ibang babae. Kaya pwede ba Blaise? Puntahan mo na lang kung nasan man siya o kung sino mang babae mo."
"Pinuntahan ko na." pa-cute pa.
"Ah so meaning, may kasama kang babae dito?" napalinga linga ako sa paligid. Sino ba dito sa mga babaeng to ang kasama nitong playboy na to? Err!
"Oo, ikaw." huwaaaaat?!!
"Pwede ba, may trabaho ako. Wala akong oras makipaglokohan sayo." inirapan ko.
"Hindi naman ako nakikipaglokohan ah." jusme. Nagpapa-awa effect pa. Akala mo naman gagana sakin yan.
"Ewan ko sayo Blaise." pumunta ako sa kabilang stall ng mga damit para iwasan siya. Pero useless, sumunod pa rin.
"Bakit pala nawala ka kanina pagkatapos ng game?" magagalit sana ako pero nakita kong nagseryoso ang mukha niya.
"Uh, kase nagmamadali ako." palusot.
"I see..pero nanood ka naman diba?" bakit ba ganyan yung tono ng pananalita niya? Hindi ko tuloy magawang magalit sakanya.
"Huh? Uh, oo syempre." napangiti siya.
"Told you, ipinanalo ko ang laro para sayo." napaiwas ako ng tingin. Alam kong isa lang ang mga salitang yan para mahulog ako sa bitag niya.
"Sige na, umuwi kana."
"Ayoko, dito muna ko." nakanguso pa.
"Bawal tumambay dito Blaise."
"Hindi naman ako tumatambay e. Customer ako." tsaka siya umupo sa isang seat para sa mga customers.
"Wala ka namang binibili e."
"Meron."
"Ano?" napalinga-linga siya sa paligid. Ngumisi siya nang mabalik ang titig niya sakin.
"Brief, meron ba kayo?"
"Bwiset! Wala! Nakakadiri ka!" inirapan ko sabay walk-out. Hindi pa naman ako nakakalayo ng pigilan niya ang braso ko sa paglalakad.
"E pagmamahal mo Claire?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Alam kong nanloloko siya pero bakit parang ang seryoso ng boses niya?
"Tumigil kana Blaise." bigla siyang tumawa. See, he's so dumb!
"I really don't know, why do you still look beautiful even when you're angry." sa sinabi niyang yun. Hindi ko alam kung magagalit pa ba ako o ano. Masyado niyang nadedemonyo ang utak ko. Blaise Santos, why are you doing this?
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...