Chapter 44: Honeymoon
Pagkatapos naming mag-paint, iniwan na namin ang mga nagawa namin sa auditorium. Hinintay nga muna naming matuyo ang canvas for 5 hours. Marami ang mga kalahok galing sa iba't ibang lugar, kaya naman hindi ganon kadali sa mga judges na mag-announce ng mananalo agad ngayon. In short, bukas pa nga namin malalaman ang result. Alam kong magagaling ang mga kalaban ko kaya hindi ako nakakasiguro kung masasama ba ako kahit sa top 3 man lang. Pero...sana.
Hapon na ng mapagdesisyunan namin ni Blaise na bumalik na muna ng hotel. Alam kong napagod rin sya sa ginawa nyang paghihintay sakin. Nagpapasalamat nga ako dahil sinamahan nya ako, nabalitaan ko kasi na bukas pa lang susunod ang mga head teachers ng arts at mga members ng club.
"So anong itsura natin sa dinrawing mo?" kanina pa walang hupay sa kakatanong itong si Blaise. Ni hindi nya pa rin nakakalimutan yung sinabi ko sakanya kanina. Hindi ko rin kasi sya hinayaang makita ang painting ko dahil nahihiya ako.
"Syempre dalawang tao."
"Ano ngang itsura? I mean, anong ginagawa natin dun? Are we kissing? Hugging? Or having sex--"
"The heck Blaise?!" tsaka ko binato sakanya ang unan sa inuupuan kong sofa. Hindi pa rin nagbabago ang pagiging bastos ng lalakeng to, wala man lang syang preno sa mga sinasabi nya. Buti na lang at kaming dalawa lang ang magkasama. Err!
"Bakit? Am I right? Are we having sex--Aww!" tinapon ko na sakanya ang sandals ko. Kainis e.
"Hell no! Bakit ko naman ipe-paint ang ganong kababuyan." sabay irap ko sakanya. Tumawa naman sya ng sobrang lakas. Humahawak pa sya sa tiyan nya. Kulang na lang maluha na siya sa sobrang tawa.
"Then why don't you tell me?"
"Ang kulit mo. Ayoko nga diba." tatayo na sana ako paalis ng sofa ng hatakin niya ako. Ang bilis ng mga pangyayari, napansin ko na lang na nakapaibabaw ako sakanya at sya naman tong nakangisi sakin. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko magawa dahil sa yakap nya.
"Blaise ano ba, bitawan mo ko!"
"I won't. Hanggat di mo sinasabi, ganito tayo hanggang mamaya." tsaka sya nag-half smile. Napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha. Ultimo bango ng hininga nya, amoy na amoy ko na.
"K fine! W-We're just kissing... That's it. Happy?" suplado kong saad sakanya. Ni hindi ko alam kung ano bang nakakatawa sa sinabi ko at ganito na lang kalakas ang pagtawa nya. Kabwiset talaga!
"Kissing, huh?" sabay taas nya ng kilay. Biglang nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang dahan dahang paghimas ni Blaise sa bewang ko. Parang nililibot nya ito sa buong likod ko. Hindi ko naman mapigilan ang nararamdaman ko, para akong nag-iinit.
Hindi naalis ang mga mata namin sa isa't isa. Ilang sandali pa ay nagdikit na ang mga labi naming dalawa. Sabay pa kaming napapikit habang dinaramdam ang halik ng bawat isa. Nakakabaliw. Pakiramdam ko, sasabog ako anumang oras sa mga halik ni Blaise. Para syang sabik na sabik at ganon na lamang ka-wild ang paghalik nya na hindi ko na magawang huminga ng maayos.
"Sir, ma'am, lilinisin ko--Jusko po!" agad akong napatayo sa pagkakapatong ko kay Blaise. Gulat na gulat ako ng makita ang isang janitress na putlang putla. Magsasalita na sana ako ng, "Sorry po, naistorbo ko po ata kayo sa honeymoon nyo." saad nya bago isarado agad ang pinto.
"Sht! SHT!" naiiritang saad ko. Hiyang hiya ako sa nangyari. Napatingin naman ako kay Blaise na ngayon ay parang nagtataka sa inaasta ko. Ni hindi man lang sya nahiya ng makita kami nung janitress sa ganong sitwasyon. Wow!
"What's your problem?" aniya.
"She saw us... s-sa ganong sitwasyon. A-At inakala niya pang nagha-honeymoon tayo. Nakakahiya." nauutal kong sabi. Napangisi na naman ang kumag.
"Don't worry. Sa isip lang naman nya yun, alam naman natin sa isa't isa that we're not having our honeymoon...not for now." tsaka niya ako kinindatanan. Ambang lalapitan na naman nya ako ng tumakbo na ako patungong bathroom. Narinig ko pa ang pagtawag nya pero hindi ko na lang ito pinansin.
Habol habol ko ang hininga ko habang nakatitig sa salamin. Sobrang pula ng mukha ko. Pakiramdam ko, mababaliw na ata ako pag nakasama ko pa ng matagal si Blaise..
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...