Chapter 53: I trust you
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makapasok ako ng art club room. Iyak lang ako ng iyak. Nakuha ko pang mapaupo at mapayakap sa sarili kong mga tuhod. Lalo lang akong napahugolgol sa pag-iyak ng mapagtantong walang Blaise na pumigil sakin. Walang Blaise na humabol sakin. Ang sakit sakit lang, mas pinili niya pa lang manatili doon kasama si Lucy..
Sabagay, ano bang laban ko? Siya si Lucy Andrada, ang first love nya. Ang babaeng minahal nya ng sobra noon. At eto lang ako, ako lang naman yung babaeng bigla na lang sumulpot sa buhay nya. Parang kabute na pwede ring mawala sa buhay nya.
"Claire..." napatingala ako sa harapan ko. Gulat na gulat pa ako ng makita ko ang presensya ni Blaise. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ito, nakuha ko pang kusutin ang mga mata ko sa pag-aakalang nagkakamali lang ako.
"Blaise.." halatang basag ang boses ko galing sa pag-iyak. Humihikbi pa rin ako kahit na gusto ko ng tumigil.
"Fvck, you're crying!" nataranta syang napaluhod sa harapan ko para pantayan ang pagkakaupo ko.
"N-Napuwing lang ako.." pagsisinungaling ko.
"Come on, Claire. Hindi ganyan ang napuwing. Sht." napahilot sya ng sentido nya at hinila ako payakap sakanya. Kahit na ang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang pansinin kung gaano sya kabango.
"Bakit nandito ka?" tanong ko. Dahan dahan niya akong hinarap kasama ng nagtataka nyang mukha.
"Dahil ikaw ang kasama ko, tinatawag kita kanina pero hindi mo ko pinapansin.. God! Umiiyak ka pa rin! This is my fault!" iritado nyang saad.
"Paano naman si Lucy? Bakit iniwan mo sya?" bumuntong hininga sya.
"Hindi naman sya maliligaw kung iwan ko sya, Claire. Isa pa, sayo ako nag-aalala. Ikaw tong bigla na lang umalis kaya hinabol kita." gusto kong gumaan ang nararamdaman ko sa sinabi nya. Pero pakiramdam ko, parang kulang pa. Parang may hinahanap pa akong ibang salita.
"Ex mo sya, diba?" ngumiti ako ng mapakla sakanya. Nanliit naman ang mga mata nya. Nandun ang ekspresyon nyang nabigla at naguguluhan.
"O-Oo..pero noon pa yun." alam kong noon pa. Pero yung feelings nyo sa isa't isa, hindi..meron pa rin sa kasalukuyan. Hindi nyo man inaamin pero ramdam ko yun sa dating ng pagtititigan ninyong dalawa.
"Mahal mo pa?" napakunot ang noo ni Blaise. Halatang hindi sya makapaniwala sa mga tanong ko. Pero determinado akong malaman ang sagot, magmukha man akong maintriga sa kung anong meron sakanila, mabuti na yun kesa sa magmukha akong tanga.
"No Claire. Hindi na.. matagal ng nawala ang nararamdaman ko sakanya. Ikaw na ang mahal ko ngayon. Ikaw lang." aniya sabay hawak sa mga kamay ko. Tinitigan nya ko sa mga mata na parang nagsasabing paniwalaan ko sya. Naniniwala naman ako, pero natatakot lang talaga ako.
"Okay.."
"Damn! Kasalanan ko to. Hindi ako nag-ingat, yun pala ang dahilan ng pag-iyak mo...but believe me Claire, hindi ko na sya mahal. Magkaibigan na lang kami. Believe me.." sabay halik nya sa mga palad ko. Napakagat naman ako ng ibabang labi para magpigil ng luha.
"N-Naniniwala ako Blaise." sht. Garalgal pa rin ang boses ko. Bigla nya ulit akong hinagkan, siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at nagsalita.
"Oh god.. Please Claire, sabihin mo lang kung anong pwede kong gawin para lang hindi kana umiyak ulit. I'll do everything, kahit iwasan ko pa sya, gagawin ko.." gusto kong umOO pero parang ang selfish naman kung ganon ang gagawin ko. Naisip ko, kung totoong ako ang mahal nya, wala na akong dapat ikabahala pa. Kung totoong naniniwala ako sakanya, dapat iparamdam kong nagtitiwala ako sakanya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at dahan dahan syang hinarap. Pinunasan ko ang basang pisngi ko at ngumiti sakanya.
"No Blaise, I trust you." saad ko.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...