Chapter 15: I just don't want..
Hindi pa rin maalis sa isip ko yung inasta ni Blaise nung isang araw. Nadismaya ba siya dahil nakita nyang magkasama kami ni Dylan? Hm. I don't think so. Bat naman mangyayari yun? Dahil siguro hindi niya ako maaasar ng maayos pag nandyan ang pinsan niya, ganon ba?
"Ms. President, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni George.
"Mamaya pa siguro."
"Osige, una na kami ah?"
"Ingat kayo pauwi."
"Bye Ms. President!" sabay sabay nilang pagpapaalam. Naiwan ulit akong mag-isa sa Art club room.
Ayos lang naman. Marami pa naman akong oras para mamaya sa trabaho ko. Gusto ko rin munang mapag-isa ngayon. Kailangan ko kasing makapag-isip ng theme ng ipe-paint ko para sa national art competition. Sa susunod na apat na buwan pa naman yun gaganapin pero kailangan ko ng maghanda.
Panay dark colors ang nagagamit kong kulay sa paintings ko simula pa kanina. Letche. Hindi kasi matanggal sa isip ko yung malungkot na mukha ni Blaise. Dapat hindi ako maging apektado, pero kasalungat naman yun sa gusto kong maramdaman. Ay ewan ko ba! Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.
"My one and only Claire Elizabeth Rayos is here..again." nabuhayan yung puso ko ng marinig yung boses niya. Weird.
"And you're here again, too."
"Of course, ako pa ba." nakangising niyang saad sabay kindat. Eto ang ekspresyon niyang kinasanayan ko. Nakakainis pero nakakagaan ng loob. Ang gulo ko diba.
"Bat hindi ka pa umuuwi?" ibinalik ko ang atensyon ko sa canvas. Narinig ko naman ang yapak ng mga paa niyang papalapit sakin.
"Namiss kita e." gwapong demonyo talaga nito. Nasa tabi ko na siya ngayon.
"Tss. Tigilan mo ko Blaise." sinamaan ko siya ng tingin.
"Ayoko nga. Bat naman kita titigilan. Isa pa, sabi mo may next time pa sa paghatid ko sayo."
"Wala akong sinabing ganon aber!"
"Ako ang nagsabi pero sinagot mo na ako ang bahala. So it means, whenever I want, I can." evil smile.
"Ewan ko sayo." inirapan ko.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko, wala pa rin pala akong naiisip na theme. Dumating kasi itong si Blaise kaya umingay na. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate.
"Oh, nakasimangot ka?"
"Matagal na kong ganito. Lalo na pag nandiyan ka."
"Woah. You're so harsh to me." hinawakan niya pa yung dibdib niya na astang nasaktan sa sinabi ko. As if masasaktan siya, professional cold-hearted playboy nga diba.
"You're used to it."
"Yeah right. That's why I like you." mas lumaki ang ngisi sa labi niya. Ang lakas talaga ng loob ng lalakeng to na sabihin ang kung anong gusto niyang sabihin. Hindi ba sya nahihiya? Kung sabagay, bakit naman siya mahihiya kung dito siya magaling... ANG PAMBOBOLA.
Sad to say, hindi ako magpapabola sakanya. Never ever.
"Whatever." huminga ako ng malalim at pinalitan ang panglimang canvas na nasayang ko simula pa kanina.
"You're obviously having a hard time on that, huh?"
"I just don't know what to do." hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Ngayon pa na ako ang ilalaban sa national competition, hindi ko pwedeng palagpasin ang bagay na yun. Isa pa, dito nakasalalay ang scholarship ko.
"Tell me, how can I help you." pumunta pa siya sa harap kung nasan ang bagong canvas na lagay ko. Nagtaas pa siya ng dalawang kilay na parang desidido sa mga sinabi niya.
"Just be quite."
"You know I can't do that Claire." tsaka siya nag-puppy eyes.
"Okay, then go home."
"Mas hindi ko kaya yan." hinawakan niya ang kamay ko't hinila ako papalabas ng Art club room.
"Wait, saan mo ko dadalhin?" nagpupumiglas ako pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng hawak niya.
Nakarating kami sa harap ng university kung saan maraming mga food cart na nagkalat. Syempre, nandyan pa rin ang mga matang nakikiusyoso samin pero mas nakafocus ako sa balak ni Blaise.
"Why are we here?" inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kanina pa.
"I want you to give yourself a break, Claire."
"There, choose what you want to eat. Anything." nakangisi niyang saad. Napatingin naman ako sa mga pagkaing ino-offer ng bawat tindero. Gutom na nga ako pero nahihiya naman akong magsabi kay Blaise.
My goodness... Isaw!
"Oh, I know what you want." sa pangalawang pagkakataon, hinila niya ulit ako. Jusko! Mukha ba akong kaladkarin?
"Ayan, kain na." dinala niya ako sa nagtitinda ng mga isaw. Hindi lang pala isaw ang nakahapag dun, may ulo at paa ng manok, dugo, at iba pa.
Napakagat ako ng lower lip, gusto ko ng kumuha pero nahihiya ako. Nakita kong napailing si Blaise at napangiti. Nahahalata niya ba ako?
"Fine, sige kakain na rin ako para hindi ka mahiya." sht! Halata nga ako!
Pinagmasdan ko siyang kumuha ng isang piraso ng isaw. Sinawsaw niya ito sa isang sauce at hindi nagdalawang isip na isubo ito. Napanganga ako. Hindi ako makapaniwala, ang isang tulad niyang mayaman...ay mali! Let me rephrase that, UBOD NG YAMAN, kumakain ng ganito? Really?!
"Hey Claire, ano na? Baka gusto mong subuan pa kita." natatawang sabi niya. Inabot ko na agad yung inaalok niyang isaw bago pa magkatotoo yung sinabi niya.
"Thanks."
Nagkaron nga ako ng break sa sarili ko sa ginawang paghila sakin ni Blaise sa labas. Ang dami naming nakain bukod sa mga tusuk-tusok. Ice cream, turon, barbeque at syempre hindi mawawala ang inumin. Nagawa pa nga naming magtake-out ng burger pabalik sa Art club room.
"Did you enjoy?" oo sobra. Busog na busog pa!
"Uh, oo. Salamat pala." tinreat niya rin kasi ako. Kahit ayaw ko, nagpumilit siya. Hinayaan ko na.
"Good to hear that from you. Sana ganon na lang palagi. Tayo lang dalawa." napatingin ako sakanya na ngayon ay nakatingin sa malayo. Naco-confuse ako. What does he mean?
"Huh?" literal na wala akong masabi.
"I just don't want you to be with someone. Even with my cousin Dylan... Nagseselos ako." at that moment he's seriously staring at me...wearing those sad smiles..again.
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Novela JuvenilTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...