Chapter 16

3.6K 91 2
                                    

Chapter 16: Older sister
     
       
       
       
       
      

Nagseselos siya? HAHAHAHA. Nakakatawang joke yun. Bakit naman ako maniniwala. Syempre isa lang yun sa mga pakulo niya para mapa-ibig ako sakanya tulad ng pagpapa-ibig niya sa ibang mga babae. Tapos sa huli, sasaktan niya lang rin ako. Pare-parehas lang naman silang mga lalake e, pagkatapos makuha ang gusto, iiwan kana lang ng luhaan.
       
      
Alam kong wala pa akong karanasanan sa pag-ibig. Pero sapat na sakin yung nasaksihan ko kina mama at papa. Almost 19 years silang magkasama simula pa nung hindi ako pinapanganak. Nang magka-isip na ako, kita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Ni hindi mo nga iisipin na maghihiwalay silang dalawa dahil hindi ko sila nakikitang nag-aaway. Yun pala, kasinungalingan lang ang lahat. Naniwala ako noon na totoo ang everlasting true love, yun pala it's just a fantasy. Impossible to happen.
      
      
        
*booogsh*
       
         
Bigla akong nabangga sa isang unknown person papalabas ng locker room. Magso-sorry na sana ako ng makita ko kung sino ang nabunggo ko. Ay wait....hindi siya unknown person. I know her.
          
            
"O-M-G!!" sigaw ng mga kasama niya sa likod.
        
    
"Look who's here." nandidiring saad ni Stella habang tinitingnan ako simula ulo hanggang paa.
       
      
Ngumiti naman ako ng mapakla. Aalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko pabalik sa harapan niya.
      
     
"Where do you think you're going huh?" sarcastic smile.
        
    
"Lalabas. Obvious ba?" nginitian ko rin.
      
     
"If you think na maaasar ako sa mga pamimilosopo mo, well, sorry for you girl!" humagalpak siya sa tawa kasama ng mga alipores niya.
      
    
"Sino bang nagsabing namimilosopo ako? I'm just telling the truth." ako naman ang nagbigay ng sarcastic smile. Mukhang nairita siya sa sinabi ko dahil tumigil sila sa pagtawa.
        
      
"You freak! Akala mo ba hindi ko napapansin ang panay mong pagdikit kay Blaise." dinuduro duro niya pa ako.
      
    
"Come on, wag mong baligtarin ang kwento mo Stella. Siya tong panay ang dikit ng dikit sakin."
      
    
"Woah. Feeling." saad nung isa sa mga alipores niya. Eww! ang panget.
        
      
"Ang kapal ng mukha mong sabihin yan. Si Blaise? Didikit sa isang cheap na katulad mo? Impossible. Hindi kayo bagay. Kami lang ang bagay kaya wag kang masyadong nag-a-assume, freak!" sabay crossed-arms niya.
         
      
"First of all, Claire ang pangalan ko, hindi freak. And to remind you Stella with your friends, hindi ako nag-a-assume kay Blaise. I don't care kung hindi kami bagay, kasi ako na ang nagsasabi sainyo, I don't like that jerk!" nakakapuno na tong mga to. Akala mo naman sobrang magaganda kung magmalaki. Di hamak naman na mas maganda ako pag ako na ang nagsoot ng mga mamahalin nilang mga damit.
          
         
"Don't you ever call him jerk, freak!" gigil na sigaw niya.
        
      
"And don't you EVER call me freak, hypocrite!" nanlaki lahat ang mga mata nila. Nakakainis na e! Sinabi ng Claire ang pangalan ko, inuulit-ulit pa ang pagtawag ng freak!
      
     
"AHHH! Sumosobra kana! Girls!" biglang pumunta yung mga alipores niya sa tabi ko para hawakan ako. The hell?! Ano to?! Don't tell me uso pa ang ganitong senaryo ng pambu-bully!
      
      
"Mga babae kayo! illegal to!" sigaw ko.
       
        
"Get the pail of mud Gillian!" omg! Etong isang pala to si Gillian? Yung nagconfess di umano kay Blaise. Magkakaibigan pero iisa ang kinahuhumalingan. Ano to? Plastikan? Lol.
      
        
"Yuck Stella! Nakakadiri!"
       
     
"Gosh fine! Ako na!" papaatras na sana si Stella ng may biglang sumalubong na babae sakanya sa likod. Kitang kita ko ang itsura niya. Mistisa, narrower facial shape, normal red lips, makinis, matangkad, ang ganda kung manamit, feminine like... she's so beautiful!
      
      
Pero teka, may hawak siyang timba. Yun ba yung may lamang putik? Does this means kakampi niya tong grupo nina Stella? Oh no...
         
        
"Scarlett?!" hindi ko makita ang facial expression ni Stella pero hatala sa boses niya ang pagkagulat.
      
      
"Is this what you want Stella?" parang nakakatakot yung titig nung nasabing Scarlett kay Stella kahit nakangiti ito. Ewan ko, yun ang pakiramdam ko e. Kahit nga tong mga nakahawak sakin, naninigas sa kinatatayuan nila.
         
      
"Scarlett, it's not what you think." nanginginig pa ang boses ni Stella.
    
      
"Really huh? I heard what you've said before. Kayo lang ang bagay ni Blaise? Eww." tsaka niya binuhos yung isang timba ng putik sa ulo ni Stella.
       
      
"God Scarlett?!" believe me, pati ako nagulat sa nangyari. What does this means? Gusto rin ba nung Scarlett si Blaise? Ay ewan!
          
        
"Oooops. Sorry not sorry. Just to remind you Stella, I don't like dirty whore for my brother." loading.. WHO's brother? Dirty whore? Si Stella?
       
       
     
-.-?
       
       
      
Tinungo ako nung Scarlett kasama ang seryoso niyang mukha. Nakakatakot! Kinuha niya ang kamay ko at hinila papalabas ng locker room. My goodness! Is she going to kill me now? Sabi niya narinig niya yung kanina, so it means narinig niya rin yung sinabi ko...Oh no!
        
       
"Hey, why are you so scared?" napalundag ako sa gulat ng magsalita siya. Nasa quadrangle na kami ngayon.
        
       
     
Loading...
       
      
     
"Oh, I forgot to introduce myself. I'm Scarlett Santos, older sister of Blaise the jerk." sabay lahad niya ng kamay. Masaya at maamo ang mukha nito kumpara kanina.
       
       
Ngayon pa lang nag-complete loading sa utak ko ang lahat, kapatid pala ni Blaise ang kaharap ko ngayon.
         
         
     
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon