Chapter 54: Hi Lucy
Tulala akong nakatitig sa mga lectures ko habang iniisip ang ginagawa ni Blaise kasama si Lucy sa iisang classroom. Sa dami ng pwedeng paglagyan na section ni Lucy, yung section pa kung saan nandon si Blaise. Sinasadya nya ba talagang makasama si Blaise? Haay letche!
"Next week na school festival, may gown kana para sa prom?"
"Wala.." walang gana kong sagot. Hindi pa rin matanggal sa isip ko yung pagdating ng Lucy Andrada na yan.
"Ako rin, kailan mo gustong mag-rent? Sabay na tayo.."
"Ewan.." narinig kong bumuntong hininga ng pagkalalim si Rica. Hindi ko naman sya nilingon.
"Oh ano, ngayon naba-bother ka sa pagdating ng ex nya?" the heck with Rica! Nananahimik na nga ako, pakukuluin na naman nya ang dugo ko. Err!
"Di noh."
"Sus. Umamin ka na Claire. Bakit kasi hindi mo na lang sagutin si Blaise para matigil yang kahibangan mo? Atleast kung kayo na, hindi na sya maaagaw nung Lucy Andrada na yun sayo." napairap ako. Ayoko namang sagutin si Blaise dahil lang nandito na ang ex nya. Magmumukha tuloy akong insecure sa babaeng yun, kahit na maganda sya, kung ako naman ang mahal ni Blaise. Wala rin syang panama sakin. Ha!
"Ayoko. Tsaka magkaibigan lang naman sila ni Lucy e. Isa pa, may tiwala ako kay Blaise kaya alam kong hindi nya ako lolokohin."
"If two past lovers can remain friends, it's either they where never inlove, or they still are..." bigla akong napalingon kay Rica na nagbabasa ng quotes sa phone nya. Halatang pinarinig nya ito sakin, at talagang tinamaan naman ako. Dinalaw na naman tuloy ako ng kaba ko.
Napatayo akong agad sa kinauupuan ko at naisipang puntahan si Blaise sa classroom nila. Hindi na ako makapaghintay na sunduin nya pa ako. Ako na ang susundo sakanya.
"O, saan ka pupunta?"
"Kay Blaise." desidido kong sagot. Napangiti naman si Rica na parang namangha sa sinabi ko.
"That's my Claire!" aniya pa tsaka nagcheer ng pagkalakas lakas habang lumalabas ako ng classroom. Parang mas nabigyan ako ng lakas ng loob sa ginawa nya. Thanks bestfriend!
Sa pagdating ko sa tapat ng classroom nila, nakita ko agad si Blaise na tumatawa. Sa pagmamasid ko, nakita ko lalo kung kanino siya nakikipagtawanan. Kay Lucy.
"Blaise!" tinaasan ko sya ng kilay. Nanlaki naman ang mata nya ng makita niya ako. Para syang nakakita ng multo sa ekspresyon nya. Tumayo syang agad sa kinauupuan nya at tinungo akong agad
"Kanina ka pa ba dyan?" pambungad nyang tanong.
"Hindi, kadarating ko lang. E kayo, kanina pa ba kayo nagkakasiyahan dyan?" tsaka ako napacrossed arms. Napakamot sya sa batok nya.
"Hindi naman, nag-joke lang kasi si Hunter kaya natawa kami." naningkit ang mga mata ko sakanya.
"Talaga lang ha?" tsaka ako napatawa ng kaunti. Obviously, pekeng tawa yun. Kita ko ang pagkagat nya ng labi nya sabay hawak sa baba ko. Napakunot naman ako ng noo.
"You jealous, huh?" sabay lapit nya ng mukha nya sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko kaya naitulak ko sya papalayo. Nanlamig ako sa ginawa nya, naghuhumarentado na naman ang puso ko. The heck!
"Tss. Asa ka pa bwiset!" tumawa naman sya. Hinawakan na naman nya ako sa bewang. Hindi na ako tumanggi pa dahil paunti unti ko rin namang nagugustuhan ang ginagawa nya.
"Blaise, tayo na bukas sa reporting ah?" letche! Walang kayo! Wala ng kayo! Itatak mo yan sa kokote mo Lucy Andrada! Kahit maganda ka, papatulan kita tingnan mo!
"Uh, yeah.." mas humigpit ang pagkakahawak ni Blaise sa bewang ko. Napatingin naman doon si Lucy at halatang nabigla pa.
"Oww..hello Claire." aniya. Ngumiti naman ako. Sa pagkakataong ito, totong ngiti. Yung ngiti na nagsasabing 'ako ang nagwagi'.
"Hi Lucy." ako nga pala yung bagong mahal ni Blaise..
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Roman pour AdolescentsTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...