Chapter 41: The only one
Pagkatapos ng misa, diretso akong tumungo sa auditorium. Hindi ko na kasama si Blaise dahil mga contestants lang daw ang dapat pumunta. Sinabi ko na lang sakanya na sunduin na lang ako pagkatapos ng meeting.
Pakiramdam ko nga mabobored na naman ako tulad dati, syempre palagi na lang bang may ganito? Inaabot ng 2 hours ang pagsabi ng rules and regulations para sa competition. E alam ko na yang mga yan noon pa. Hindi ba pwedeng simulan na lang agad yung pagpe-paint para hindi sayang ng oras? Kung hindi lang kailangang pumunta dito, hindi naman talaga ako mag-a-attend. Err!
Umupo ako sa may bandang likuran. Ayoko kasing mapansin ng speaker sa harapan. Baka mairapan ko lang sya o mabara. Nasanay na nga ata akong gawin yun dahil kay Blase e. Speaking of Blaise, ano na kayang ginagawa nya ngayon? Nambababae kaya sya? Matext ko nga ang kumag.
(Text message to Blaise)
"Gawa mo?"
Ilang sandali pa, agad akong nakarecieve ng text mula sakanya. Bilis ah.
(Text message from Blaise)
"Stalking you.."
Me: what?! Nandito ka?
Blaise: nope, sa facebook ;)
Me: Ahh. Okay.
Blaise: Miss me?
Me: you wish.
Blaise: haha wishing to be with you.
Me: ewan sayo.
Blaise: kinilig ka ba Claire?
Me: Hindi. Duh.
Blaise: Really? Ako kasi kinikilig kahit nagsusungit ka.
Me: Ewan ko sayo. Hahanap na lang ako ng ibang kausap.
Blaise: WHAT?!! NOOO!
Hindi ko na nireplyan ang text nya. Kahit may mga sumunod pa, hindi ko na lang ito pinansin. For the first time, nagawa ko ngang kausapin ang mga katabi ko. Hindi ako ganito ka-friendly pero pinilit ko para hindi naman ako mabored. Maayos naman rin ang pakikitungo nila. Nagawa pa naming pagkwentuhan ang mga buhay namin.
"Hindi mo ba boyfriend yung naghatid na lalake sayo kanina Claire?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Julie. She's referring to Blaise.
"Uh, hindi. He's just a friend."
"Aww. Sayang naman, bagay pa naman kayo. Don't you like him?"
"Huh? Of course not!" parang nahurt ako sa sinabi ko. Totoo pala yung kasabihan na pag alam mo sa sarili mong nagsisinungaling ka, masasaktan ka.
Natahimik kaming bigla pagkatapos ng isang oras na usapan. Hindi ko maiwasang maghikab habang nakikinig sa speaker. Ang lamya pa naman ng boses niya. Parang anumang oras, pwede akong makatulog sa kinauupuan ko. Idagdag mo pa yung malamig na aircon, nakakaantok talaga.
"Cr lang ako." utas ko sa mga katabi ko. Nakita ko pa ang pagtango nila bago ako umalis.
Hinarap ko agad ang malaking salamin sa CR. Nagawa ko pang tapik tapikin ang magkabila kong pisngi para magising ako. Hinilamusan ko na rin ang mukha ko para 100% gising pati ang muscles ko sa face.
Sa hindi malamang kadahilanan, nagawa kong kunin ang phone ko sabay silip sa mga flood messages ni Blaise. Napangiti pa ako ng kaunti ng mabasa ang pangungulit nya. Hindi ko na natiis ang sarili ko at tinawagan ko na sya.
Agad naman nyang sinagot ang tawag. Parang hindi nya binibitawan ang phone nya ah? Ibang klase kung makasagot agad ang kumag.
"Bilis ah?" bungad ko agad ng masagot nya ang call. Narinig ko pa syang natawa ng kaunti.
"Obviously, I'm waiting for you."
"Haha funny. By the way, what time will you come and pick me up?"
"It depends on you, what time do you want? At bakit mo pala natanong?"
"I'm just bored.." sabay buntong hininga ko.
"Isn't that bad? I wouldn't have thought that you're not enjoying talking to other--"
"No, they're all nice to me. Lalo na si--"
"You don't really like one of them, do you?!" bigla akong kinilabutan sa pagtaas ng boses nya. Para na naman syang tigre kung magalit. Nakakatakot!
"Huh? N-No.. you're the only one I really like!" direktang sagot ko. Sandaling natahimik si Blaise. Tsaka ko napagtanto na masyado akong nadala sa nararamdaman ko sakanya.
"I'm the one you really like, huh Claire?" pang-aasar nya sa kabilang linya.
"Uh...papatayin ko na." nahihiyang sabi ko.
"W-What?! Wait, answer me!"
"Shut up Blaise!" narinig ko pa syang humagalpak sa tawa bago ko patayin ang call. The heck! Kitang kita ko ang repleksyon ko sa salamin, pulang pula ako sa nangyari! Oh god, am I crazily addicted to that guy?
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...