Chapter 7

4K 92 1
                                    

Chapter 7: Basketball
      
       
       
       
          
    
Wala akong nagawa kundi ang sumama sakanya. Palagi kong naiisip na pagbigyan na lang siya dahil baka isiwalat niya pa bigla yung sikreto ko. Isa pa, wala naman sigurong masama kung uupo lang ako at manonood..diba?
        
      
"Hoy Claire, nandito ka lang pala!" sigaw ni Rica. Sa likod niya ay si Aaron. Wow himala, close agad ang dalawa.
       
     
"Uh, ano kasi..gusto kong manood." kahit ayoko naman talaga. Kung hindi lang ako kinaladkad ni Blaise.
       
     
"Wee? Baka mamaya dahil kay Blaise." humagalpak siya sa tawa. Bwiset! Buti na lang at maingay sa loob kaya hindi agaw pansin ang sinabi niya.
        
        
"Hindi no!" inirapan ko na.
      
       
Buti na lang at dumating sila. Ngayon hindi na ako gaanong nahihiya. Kanina ko pa kasi napapansin na pinagtitinginan ako ng mga ilang estudyante. Dahil siguro sa paghila sakin ni Blaise papunta dito. Err!
           
           
         
"Ayan na sila!!"
      
      
   
"Shemay! Ang gwapo ni Blaise!"
      
      
   
"Yeah right! Walang kupas!"
         
      
     
Kahit saan talaga, hindi pwedeng hindi ko maririnig ang pangalan ng kumag na yun. Napatingin ako sa walking track at nakitang naglalakad doon ang basketball team nina Blaise. Nahuli niya pa akong nakatitig sakanya kaya napangisi siya.
        
     
Inirapan ko na lang.
       
      
"Excuse me." supladang saad ng isang babae sa harapan ko. Nakita ko na ang mukhang to, siya yung babaeng parang lintang makadikit kay Blaise noong isang araw...Stella, I remember.
      
       
"Samin ang upuan na yan." LOL. May pangalan ba? Binili niya ba to? Tsaka dito ako inupo ni Blaise!
       
      
"And sooo?" nakangiti ako. Totoo. Gusto kong mang-asar e.
       
      
"You don't know me, girl. So get out of that seat." pinakita niya pa yung nandidiri niyang mukha. Sapakin ko kaya to?
      
     
"Who cares." halos nakatingin na ang ibang mga tao samin. Mas agaw pansin ata ang sagutan namin kesa sa basketball tournament nila Blaise e.
             
        
"Pwede ba, umalis kana lang kung ayaw mong masaktan." saad ng isang babae sa likod ni Stella. Ngayon ko lang napansin na may tatlo pa pala siyang kasamang babae.
         
      
"Ang dami namang upuan, bakit pilit mong sinisiksik ang sarili mo dito?" halos mapanganga ang mga kasama ni Stella sa isinagot ko. Ano bang problema sa sinabi ko? Alam kong mukhang hugot pero totoo naman e. Dami pa kayang bakanteng upuan sa likod.
       
       
"Diyan ako pinaupo ni Blaise nung last game nila. Now you know?" oww I see. So dito pala pinapaupo ni Blaise ang mga babae niya. O well.
      
     
"Really huh? Okay then." umalis na ako. Hindi naman ako 'isa' sa mga babae ni Blaise para umupo dito.
         
        
"Don't Claire."
       
     
"My god Blaise, why?!!" para siyang batang nagta-tantrums.
       
      
"Stella, find another seat."
      
     
"But--"
      
     
"Please, Stella." tiningnan ako ng masama ni Stella bago umalis kasama ang mga alipores niya.
        
        
"Umupo ka na diyan." utos ni Blaise. Tiningnan ko naman siya ng masama, sobrang sama! Wala pa rin akong nagawa kundi ang umupo. Nakakainis! Ano bang ginawa ko't hinayaan ko siyang dalhin ako dito? Pagkatapos talaga nito, aalis na ako!
        
         
        
        
     
Saktong pagkaalis niya sa harapan ko ng magsimula ang game. Syempre 'Blaise Santos', asahan mo ng madaming supporters yan. Halos mabingi na nga ako sa lakas ng sigaw ng mga manonood ng pumasok na siya sa game.
           
         
Pagkarating ng dalawang team sa gitna ng gymnasium, nanahimik ang lahat. Nakita ko pang pumwesto si Blaise sa gitna. Nandun din ang referee at isang kalaban.
         
       
      
*preeeeeeet!!*
          
       
      
      
Agad na nakuha ni Blaise ang bola at naipasa kay Andrew. Mabilis na tumakbo si Blaise ng maipasa ulit sakanya ang bola. Nakuha pa siyang maharangan ng isang kalaban pero nagawa niyang makalusot at nag-jump shot. Unang puntos, kanila agad. Nakakabilib! Magaling nga siya.
          
       
Hindi ako nabored sa game habang nanonood. Para lang akong nanonood ng favorite movie dahil hindi ko inaalis ang titig ko sa mga players.
     
       
Mainit ang laban. Muntik pa ngang makahabol ang kalaban pero agad ring nabawi yun ng team nina Blaise.
        
       
Lumipas pa ang ilang oras, nagawa ng team nila Blaise na matalo ang dalawang magka-ibang university.
              
        
Hindi na ako magtataka, magaling nga sila. Napansin ko rin na may picks na ginagawa ang team nila. Alam ng bawat isa kung sino ang sa defense at offense.
       
      
       
"Ang galing ni Blaise sa pag-grab ng rebounds!"
        
         
       
          
"Blaise is making cuts under the hoop again!"
       
      
    
          
"3 points!!"
      
        
      
       
*preeeeeet!*
       
         
       
  
"Epidóseis University team, progress to the single-elimination tournament." naghiyawan ang lahat. Nakuha ngang maipanalo ng team ng university namin ang Knockout tournament.
        
      
Panibagong practice na naman nito ang gagawin nila para sa susunod na laban. Kahit na matagal pa yun, na-e-excite na ang ilan sa mga manonood.
       
      
Nagsikalat ang mga confetti sa loob ng gymnasium. Halos lahat ng tao ay pinuntahan ang team nila Blaise para i-congrats sila. Ni hindi ko na nga siya makita sa dami ng tao.
      
     
"Tara na.." pag-aaya ko kina Rica.
       
     
"Hindi mo man lang ba ico-congrats sina Blaise?" napatingin ako sa team nila. Ang dami pa ring tao.
       
     
"Uh, hindi na."
      
    
"Okay sige."
         
       
Nagawa pa rin naming makalabas kahit nakikipagsabayan kami sa alon ng mga taong lumalabas sa gymnasium. Ang dami! Sabagay, nandito rin kasi yung ibang estudyente sa ibang university. Syempre para suportahan yung team nila, ano pa ba.
           
     
        
"Nakita mo ba si Blaise after game?" napatingin ako sa likod. Akala ko sakin nagtatanong yung babae..hindi pala.
      
     
"Hindi nga e. Bigla na lang siyang nawala."
      
      
"Narinig ko agad daw siyang umalis."
       
      
"Saan pumunta?"
      
      
"Ewan ko lang."
       
       
      
Ako alam ko. Syempre sa isa sa mga babae niya. Saan pa ba.
     
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon