Chapter 2

5K 117 1
                                    

Chapter 2: Fall inlove with me
       
      
      
       
     
    
Taranta akong naghahanap ng librong nahiram ko kay Rica. Nakakainis! Bakit nawala naman bigla yun? Hawak hawak ko pa lang kaninang umaga e.
       
       
Kanina pa ako naghahanap sa Arts club room pero wala akong nakita. Sana naman walang kumuha, saan naman ako bibili ng kapalit dun? Isa pa, wala rin akong dolyares na pera at kahit anong transaksyon para makapag-order sa ibang bansa. Err!
            
         
     
"Ms. President, ano pong hinahanap niyo?" tanong ni Bianca, isang senior high school.
     
     
"Uh, may nawawala kasi akong libro. Hiniram ko lang kasi yun e."
       
        
"Nasubukan niyo na po bang tingnan sa mga lugar na napuntahan niyo kanina?" oo nga no?
         
      
"Tama, hindi pa! Salamat Bianca!" agad akong kumaripas ng takbo papalabas ng room.
       
      
Naalala ko, nagkabungguan kami nung Blaise na yun sa cafeteria. May posibilidad na nahulog yung libro dun ng hindi ko napapansin. Sana..sana nga.
     
       
Hapon na, labasan na halos ng mga estudyante. Wala ng tao sa loob ng cafeteria ng makapasok ako. Buti naman, mas mapapadali ang paghahanap ko.
          
          
Sinimulan kong tingnan ang ilalim ng bawat table. Paulit ulit ang pagyuko ko pero palaging malinis na sahig lang ang nakikita ko. Nawawalan na tuloy ako ng pag-asa.
          
       
           
          
"I think this is yours."
      
         
      
"Aww." nauntog pa ko ng bigla akong tumayo. Nasa ilalim pala ang ulo ko ng isang table.
      
     
"Beautiful Uncertainty." siya na naman?!
       
     
"Paano napunta sayo yan?!" hinihimas himas ko pa yung nauntog kong ulo.
            
        
"Napulot ko." umupo siya sa isang table.
      
     
"Ts. Edi balik mo na." lumapit na ako.
         
        
"Aren't you gonna say thank you?"
       
     
"Edi thank you."
         
      
"Singleness, surrender and stepping out on faith." bat ba binabasa niya pa? Pwede naman niyang ibigay na lang diba.
      
       
       
"Ano ba?!" nakapalad na ko pero nilalayo niya pa.
       
       
"The Single Woman huh?" tumingin na siya sakin.
          
      
"So? Asan na kasi!"
      
     
"this means you're single." nakangisi na naman.
        
      
"Pake mo ba."
      
     
"I can make that singleness into being taken. Just surrender yourself and be faithful to me." wow ha!
       
     
"Asa ka pa! Satingin mo magpapaloko ako sayo? Kung nauuto mo ang ibang babae sa mga pambobola mo. Pwes ibahin moko." inis na inis na ko pero nagagawa niya pa ring ngumisi. Ganyan na ba ang matinong lalake ngayon?
       
       
"Come on. Wag mong sayangin ang ganda mo sa pagiging single kung pwede namang maging tayo." hinawakan niya ang baba ko.
        
       
"Pwede ba?! kahit anong gawin mo, hinding hindi ko magugustuhan ang isang tulad mo." itinabig ko ang kamay niya.
      
      
"Tulad ko? Tell me, ano bang alam mo?" nakakaasar ang mga ngisi niya. Sarap isupalpal ng shoes ko sa pagmumukha niya. Err!
       
      
"Fine! Blaise Santos, isang manloloko, playboy, bolero, manggagamit, sinungaling, mayabang, antipatiko, malandi, walang respeto at nananakit ng babae."
     
     
"That's all?" imbis na mainis ay natuwa pa siya.
       
     
"Baka mamaya, yun pa ang maging rason para mahulog ka sakin." ngumisi pa sabay kindat.
        
      
"Mahulog? Wow. In your dreams jerk!" inagaw ko na ang librong hawak niya sabay walk-out.
        
       
Ayoko ng makipag-bangayan sa demonyong yun. Lalo lang akong nagkakasala sa mga nasasabi ko. Kainis!
       
        
"You'll see. I'm gonna make you fall inlove with me, Ms. Rayos!" sumpa ba yun? Bakit parang ramdam kong sigurado siya. Err! Hindi. I won't let that happen.
         
        
     
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon