Chapter 58: Iwan mo na ko
Binuhat ako ni Dylan patungong infirmary. Wala kaming nadatnang nurse kaya sya na mismo ang gumamot sa sugat ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang maluha. Hindi dahil sa hapdi, kundi dahil sa sakit ng puso ko.
"Masakit pa ba Claire?" tanong ni Dylan matapos nyang lagyan ng malaking band-aid ang sugat ko sa tuhod.
"H-Hindi na masyado.." pwede bang gamutin rin yung sugatan kong puso? Ang sakit sakit kasi e. Nagdudugo pa rin.
"Mukhang masakit nga.." aniya habang pinagmamasdan ako. Wala pa rin kasing tigil ang pagtulo ng luha ko. Inaakala nya sigurong iniinda ko ang sakit ng mga natamo kong sugat. Hindi alam ni Dylan, may mas malalim pang sugat dito sa loob ng puso ko. Wasak na wasak ako ngayon. Lugmok na lugmok sa sakit.
"Siko mo naman ang gagamutin natin Claire." saad nya. Tumango naman ako at inilahad ang braso ko. Kahit na anong gawin ko, hindi ko magawang alisin sa isip ko yung nasaksihan ko kanina sa storage room. Paulit ulit itong naglalaro sa utak ko. Paulit ulit na dinudurog ang puso ko.
"Dylan!" nanlaki ang mga mata ko ng agad na sinunggaban ng suntok ni Blaise si Dylan. Napatumba agad si Dylan sa sahig habang nakahawak sa napuruhan nyang pisngi.
"I told you before, layuan mo si Claire. Napag-usapan na natin yan diba? Akin sya!" galit na galit si Blaise. Dahan dahan namang tumayo si Dylan. Nagdurugo na ang gilid ng labi nya.
"Tinulungan ko lang sya..anong gusto mo? Hayaan ko syang nasasaktan habang kasama mo si Lucy?" mas lalong kumuyom ang mga kamay ni Blaise.
"Wala kang alam Dylan!" Oo, wala syang alam. Pero ako meron. Susunggaban na naman sana nya ng suntok si Dylan ng pigilan ko ito sa kamay.
"Claire let--"
"No Blaise, tumigil ka!" bulyaw ko sakanya. Halatang nagulat sya sa galit kong boses. Pero bakit? Hindi ba dapat expect nyang magagalit ako sa panloloko nya. Actually, kinamumuhian ko na nga sya.
"Umalis kana lang." madiin kong saad. Binitawan ko rin agad ang kamay nya. Sobrang bigat na naman ng nararamdaman ko ngayong nandito sya. Parang gusto ko syang saktan ng sobra pero wala na akong lakas.
"Claire, hey.. I'll stay, ako ang gagamot sa sugat mo." aniya habang tinititigan ako. Umiwas naman ako ng tingin. Nandyan na naman ang mga luha kong nagbabadyang tumulo anumang oras.
"Sugat? Imposibleng magamot mo to Blaise.. ikaw ang dahilan kung bakit nangyari to.. Kaya please, umalis kana." hinawakan nya akong bigla sa mga kamay. Mga hawak na nagsasabing 'dito lang ako, nandito lang ako'
"C-Claire, no.. Ano bang nagawa ko? Why are you pushing me away?" naiyak na ako ng marinig kung paano sya magsinungaling sa harap ko. Hindi nya alam na may nagawa sya? Hindi nya alam na niloko nya ko? Wow Blaise!
"Sinaktan mo ko Blaise! Yun lang naman ang nagawa mo. Kaya please lang umalis kana, ayoko na sayo!" sigaw ko habang itinutulak sya papalayo. Napansin ko ang mga naluluha nyang mga mata. Napapikit ako ng mariin.
"Iwan mo na ko..." naiiyak kong saad. Umupo pa rin si Blaise sa tabi ko.
"Hindi ko kaya Claire. Please, pag-usapan naman natin to.. Naguguluhan ako, bakit pinapalayo mo na ako? Anong ayaw mo na sakin? Claire, tell me.." basag na ang boses nya. Para rin syang naiiyak...hindi ko alam. Iniwas ko ang kamay ko. Ayoko ng hawakan nya ako.
"Kainis naman! Hindi pa ba malinaw sayo? Sinaktan mo na ko. Alam ko na lahat. Doon kana kay Lucy kaya please, ayaw na kitang makita pa Blaise... kahit kailan!" sa unang pagkakataon, nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya.
"Sundin mo na lang sya Blaise, Umalis kana." saad ni Dylan. Bumuntong hininga naman si Blaise at tumayo.
"Hindi kita susukuan, Claire." aniya tsaka ako talikuran. Binunggo nya pa si Dylan bago sya lumabas ng infirmary.
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...