Chapter 45

3.2K 72 2
                                    

Chapter 45: The love of my life





Huling araw na lang. Ngayon na rin malalaman ang resulta sa kung sino ang nanalo sa art painting competition. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano bang kalalabasan ng idea ko. Kung nagustuhan ba ng mga judges o hindi.


Painting #8
Title: Show me love
Quote: Her cold heart just tells him, it needs to be set on fire..

 Painting #8Title: Show me loveQuote: Her cold heart just tells him, it needs to be set on fire

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Manghang mangha pa si Blaise habang pinagmamasdan ang painting ko. Kinunan nya pa nga ito ng picture at ngiting ngiting pinost sa facebook nya. Hinayaan ko na lang basta hindi niya ako i-tag.


"Wow..you really amazed me Claire." aniya habang nakatitig sa napicturan nya sa phone nya.


Nandito kami ngayon sa loob ng auditorium. Kasama na rin namin ang head teachers ng arts at mga members ng club. May tatlong paintings ng nakalagay sa mismong stage, nakatakip lang sila ng itim na kurtina. Ibig sabihin, yun ang napiling mananalo sa competition.


*bvvv!bvvv!*

(Text message from Rica)

"Nakita ko yung post ni Blaise. Sayo ba yun?"


Me: Alin yun?


Rica: yung painting na dalawang naghahalikan na babae at lalake.


Me: Ahh oo.


Rica: sabi ko na. E yung tinutukoy nya sa status na "And then I saw her in the crowd, I know she's the one I'm looking for. The love of my life" alam mo?


Me: Ha? Hindi baka may pangalan?


Rica: Hahaha! Wala naman syang nilagay na pangalan mo. Wala rin naman syang nirereplyan sa mga nagtatanong.


*bvvv!bvvvv!*

(Text message from Scarlett)

"I know the painting is yours. So proud of you! And so kinikilig rin sainyo ni Blaise ;)"


Bigla tuloy akong napadalaw sa facebook. Nakita ko nga na more than 1,000 na yung mga comments dun sa status nya. Nasa top pa yung mga pang-aasar ng mga barkada nya. Nag-scroll pa ako sa mga comments, ang iba ay nanghihinayang at marami ang curious kung sino ang tinutukoy nya.


Pati tuloy ako nakaramdam ng pagkadismaya at lungkot. May mahal na sya? Sino naman? Ako? Hindi, imposible. Hindi naman nya ako nakikita sa maraming tao dahil katabi nya lang ako..isa pa, kakapost nya lang nun kaya maaaring may nakita syang ibang babae dito. Baka nga mas higit pa sakin yun kaya nagustuhan nya. Mukha ngang tama ako na hindi totoo ang mga sinasabi nya noon na gusto nya rin ako.


"Uy, putlang putla ka?" para akong napuwing na kumurap kurap sa harapan ni Blaise. Napatingin ako sa hawak nyang phone. May ka-chat sya.


"Wala.." kasalanan mo to.


"Kinakabahan ka ba, Claire?"


"No."


"Okay?"


"May tanong ako.." hinarap ko sya. Nag-beautiful eyes pa sya sabay ayos ng upo.


"Ano yun?"


"Sino yung ano.. yung tinutukoy mo sa status mo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ngumisi naman sya na parang natutuwa sa itsura ko.


"Curious ka?"


"Huh? Hindi..iniisip ko lang baka kilala ko tapos pwede kitang ilakad sakanya." plastik ko letche! As if magagawa ko yun.


"Really? Actually, kilala mo nga. Pero mukhang hindi mo ko matutulungan sakanya. Masungit kasi."


"Ahh talaga? Pero nakausap mo na?" sabay taas ko ng kilay sakanya. Nanggagalaiti na ako. Mukha ngang may nakilala syang ibang babae sa mga nakalaban. Pwedeng si Allysa, yung chinita na mas matangkad sakin.


"Yep." ngiting ngiti nyang sagot.


"K." tsaka ko sya iniwasan ng tingin. Nabatchawan ko pa si Allysa di kalayuan sa inuupuan namin, nakatitig ito kay Blaise na parang kinikilig. Really?!! Hindi naman mukhang masungit ang ginagawa nya e. Mukha pa ngang nagpapapansin. Ang landi.


"You okay--"


"Wag mo kong kakausapin." madiing saad ko ng hindi siya nililingon.


"What happen?"


"Wala."


"Dahil ba to sa status ko? Are you mad?" I'm not mad. I'm hurt! Magkaiba yun. Pero di mo alam kasi pinaglaruan mo lang ang puso ko! Hinarap ko sya kasama ng masasama kong titig.


"Bakit naman ako magagalit? Sanay na rin naman ako sa mga pambababae mo. Kaya nga hindi kita pinaniwalaan sa mga sinabi mo sakin diba? Kasi alam kong niloloko mo lang ako." kumunot ang noo nya. Para bang nagtataka sya sa mga sinasabi ko. Anong gusto nyang palabasin ngayon? Na wala syang alam sa mga sinabi nya noon na gusto at mahal nya ko? The heck!


"Hindi kita niloloko Claire."


"Oh talaga? E sino yung nasa status mo?" napatahimik siya. Hinawakan niya pa ang sentido nya tsaka napayuko. Napabuntong hininga ako, alam ko na ang ibig sabihin nito. Nagsisinungaling sya. May ibang babae nga sya.


"And the winner for this year in our national art painting competition is number 8, Ms. Claire Elizabeth Rayos.." napatitig akong bigla sa stage. Nasakin ang spotlight. Kitang kita ko ang sarili ko sa malaking screen na nakasabit sa tuktok ng stage. Dinig na dinig ko rin ang palakpan ng lahat ng mga tao sa auditorium.


Ni hindi ko magawang tumayo sa kinauupuan ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak at matuwa. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Naiiyak ako. Totoo ba ito?


"Hey Claire, it's you." saad ni Blaise habang niyuyugyog ang magkabilang balikat ko. Naluluha ang mga mata ko ng hinarap sya. Alam kong ako ang nanalo. Hindi lang talaga ako makapaniwala agad.


"I-I know.." sagot ko. Napatingin akong bigla sa kamay nyang hawak hawak na ang mga kamay ko.


"No, I mean.. it's you, ikaw ang tinutukoy ko sa status ko sa facebook." aniya pa. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Nakuha kong dumiretso sa stage ng umiiyak sabay kuha ng trophy at certificate.


"Sobrang creative at lawak ng imagination mo dito Ms. Claire! Napamangha mo kaming lahat.. Who's your inspiration on doing this? Could you share it with us?" sabay lapit nung speaker ng microphone nya sakin. Napasulyap ako sa audience sabay kuha ng microphone.


"The man who stole my heart, and he's the love of my life.." sabay tingin ko sa nakaupong si Blaise. Nahuli kong nakatitig rin ito sakin habang nakangiti. Sana alam nyang siya ang tinutukoy ko sa mga titig ko. Hindi ko man kayang sabihin ang pangalan nya, pero alam kong sya lang ang tanging sinisigaw ng puso ko.



----

credits to the owner of the photo

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon