Introduction
Inis na inis akong bumaba ng taxi dahil sa traffic. First day pa naman ng klase tapos late ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana inagahan ko na lang ang pag-alis sa bahay.
Nagmadali akong pumasok ng Epidóseis university. Dala dala ko pa ang mga gamit ko sa Arts Club at dalawang librong hiniram ko kay Rica.
*Peeeeeep! Peeeeeep!*
Walanghiya naman! Kung makabusina akala mo naman nakaharang ako sa daan. Nabitawan ko pa tuloy ang mga dala ko. Err!
*Peeeeeep! Peeeeeep!*
"Sandali lang!" kita ng nagpupulot ako ng mga gamit, hindi makapaghintay. Palibhasa kase hindi siya ang nahihirapang magpulot.
"Hey! Get out my way!" ay wow. Ang gwapong demonyo..este tao. Siya na nga tong may kasalanan, siya pa tong galit.
*Peeeeep! Peeeeep!*
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang nagpupulot ako ng gamit ha?!" saad ko matapos kong mapulot lahat ng gamit.
"And so?" bwiset!
"And so mong mukha mo!" sigaw ko. Nagawa ko pang hampasin ang harapan ng Ferrari niyang kotse bago umalis. Letche! Kalalakeng tao tapos walang respeto sa babae.
Hingal na hingal ako nang makarating sa classroom. Saktong wala pa ang prof namin kaya nawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Akala ko talaga mapapahiya na ako.
"Oh Claire, ngayon ka lang?" salubong sakin ni Rica nang makaupo ako sa tabi niya.
"Natraffic kasi ako, tapos naka-encounter pa ako ng demonyo."
"Demonyo?!" natawa akong bigla sa reaksyon niya. OA.
"Hindi naman literal na demonyo. Masama lang ugali."
"Ahhhh..so, anong ginawa mo?"
"Pinatulan ko. Nakakainis e."
"Sabi ko na nga ba." natatawang sabi niya. Matagal na akong kilala ni Rica kaya hindi na siya nabigla sa isinagot ko.
Naputol ang usapan namin ng bigla nang dumating ang prof. Tulad ng nakagawian sa unang araw ng klase, pagpapakilala at orientation lang ang nagaganap.
"Salamat sa pagpapahiram ng books mo Rica!"
"Ikaw pa, malakas ka sakin e."
"Katouch naman. Osya na, see you bukas!"
"See you!"
Dahil president ako ng Arts club, nauna akong dumating sa room. Napagdesisyunan kong maglinis muna habang hindi pa dumarating ang iba.
Inayos ko yung mga paintings na nagawa namin simula pa noon. Nandito pa rin yung medals at trophies na napalanunan ko at ng ibang mga members na nagsipag-graduate na.
Habang naglilinis, narinig kong bumukas ang pinto. Sasalubungin ko sana ng ngiti kung sino man ang pumasok, pero simangot ang naipakita ko ng makita ko kung sino siya.
Yung mayabang na lalakeng nakasakay ng Ferrari kanina. a.k.a THE DEVIL!!
"Ikaw?!" sabay pa kami.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko. Kumukulo na yung dugo ko. Sa lahat ng pwede kong makita, siya pa!
"Ssh.." nagtatago siya sa may pinto.
"Anong ssh?! Umalis ka--"
"Silence!" takpan ba naman ang bibig ko!
"Baby!"
"Baby where are you?"
Napakunot ako ng kilay hanggang sa makalagpas ng room yung babaeng parang naghahanap ng anak. Really? May nawawala bang bata? Baby daw e.
"That was close." napahinga siya ng maluwag at sumilip silip pa sa sliding glass window.
"Teka, ikaw ba yung hinahanap nung babaeng yun?"
"Exactly."
"Ah.. so girlfriend mo?" bakit ko ba to tinatanong? Err!
"Just one of my girls." WHAT?!! Just one of his girls? So ilan lahat?! Grabe ha! Sama nga ng ugali!
"Wow! What a jerk."
"Don't worry.." hinawakan niya ang baba ko para maipantay sa mukha niya. "you'll be one of them." dagdag niya pa sabay pakita ng evil smile.
Bago pa ako makasagot ng mga sumpa at maraming mura sakanya, bigla ng bumukas ang pinto.
"Uy! si Blaise Santos."
"Hi girls." bati niya sa mga pumasok na kababaihan bago umalis.
Blaise? Blaise Santos?! Siya si BLAISE SANTOS?!?!!
---Don't forget to vote for every chapter of this story guys! You may also share this to your friends and follow me for more updates ;)
-audaciousjane
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Fiksi RemajaTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...