Chapter 18: Mocha
*text message*
From Dylan: punta ka bukas sa birthday ko ah? You can bring some of your friends too. See you there ;)
Hindi ko maiwasang mapangiti sa text ng crush ko. Paano ba naman kasi, kahit na binigyan na niya ako ng invitation, pinapaalalahan niya pa rin ako sa text. Limang beses na nga e.
Nagkabigayan kami ng number nung minsang sabay kaming mag-lunch. Nakakalungkot nga dahil hindi na nasundan yun. Masyado kasing naging busy. Eto nga't gusto ko siyang makita ulit at sakto na birthday niya pa. Kaya lang...
"Anong gift ko kay Dylan?" kanina pa ako namo-mroblema dito. Kausap ko kasi sa phone call si Rica.
"Edi damit, or cake..diba marunong ka namang mag-bake?"
"Oo nga no?" bakit hindi ko naisip yun.
"Sakto day off mo bukas sa work, tapos gabi pa birthday niya. Makakagawa ka pa."
"Pero nagda-dalawang isip pa rin ako.."
"WHAT?! Kasama mo naman kami ni Aaron e." yeah, niyaya ko sila.
"Si Blaise kasi.."
"O anong kinalaman niya?"
"Baka asarin na naman ako."
"Hindi naman siguro. Mabait naman siya e." alam ko...
Tsaka ko naalala yung sinabi ni Scarlett nung nakaraang linggo, totoo kayang concern sakin si Blaise? Naisip ko kasi, alam niya nga pala yung sikreto ko sa trabaho ko. But still, nagagawa niya pa ring itikom ang bibig niya. Kahit na mayabang siya, hindi niya ginamit ang bagay na yun na pangblack-mail para lang mangyari yung gusto niya.
"Fine.."
"So pupunta na tayo?"
"Oo, ite-text ko na si Dylan."
"Okay yes! Party na bukas haha!"
"Ewan ko sayo. Osya bye na Rica."
"See you bukas!" end call.
Napahiga na lang ako sa kama ko. Ano kayang flavor ng cake ang gusto ni Dylan? Kung tanungin ko kaya siya? Hm. Hindi. Masyadong obvious nun yung gift ko. E kung si Blaise kaya ang tanungin ko? bahala na..
Kakatapos lang ng klase ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang kumag na yun. Pero sige, hahanapin ko na siya. Kailangan ko siyang tanungin tungkol sa flavor na gusto ni Dylan sa cake. Madali lang naman siguro siyang makita diba? Makarinig lang ako ng mga nagtitiliang babae o nakalupong na mga babae, paniguradong nandiyan na siya. Pero hindi e, pwede rin namang nakatago siya kasama ang kung sino man sa mga babae niya. Ay ewan! Lakad na Claire!
Ang inaakala kong madali, mahirap pala. Hindi ko inaasahan na aabutin ako ng isang oras kakahanap sa lalakeng yun. Lintek! Saan ba nagpupupunta yun? Halos malibot ko na yung buong university, wala pa rin akong nakita ni anino niya. Sana pala nagpatulong na lang ako kina Rica.
Hindi kaya umalis na siya? Sana naman hindi pa. Siya lang ang pag-asa ko!
Tsaka ko naalala, may kotse nga pala siya. So it means, naka-park yun sa parking lot ng school...diba? Pwera na lang kung may sarili siyang pinagpa-park ng kotse niya. Posible, sa yaman ba naman niya, kahit ano pwede.
"Hindi naman siguro masama kung susubukan ko." utas ko sa sarili ko. Dumiretso na nga ako sa parking lot. At BOOOOM!!
Tama naman pala ang naisip ko na pumunta sa parking lot dahil nakita ko nga siya. Hindi lang siya kundi may kasamang ibang babae pa. NA NAMAN. Ang galing! Huling huli ko pa sa aktong naglalandian silang dalawa.
Napatago ako sa isang poste. Ramdam ko na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Alam ko, dahil sa inis at galit to! Naiinis ako pag nakakakita ng playboy. Lalong lalo na yung Blaise na yan! Kung makadikit sa leeg ng babae, pakiramdam ko talaga gagawa na sila dito ng kung ano. So disgusting!
Pero teka, hindi siya ang pinunta ko dito. I mean...oo siya nga pero si Dylan talaga ang dahilan. Wala akong pake kung maglampungan sila ng kung sino man yung babae niya. Ang mahalaga, magawa ko yung purpose ko at hindi masayang yung effort ko sa paghahanap sakanya.
"Blaise!" halos maitulak niya papalayo yung babae sakanya. Halata sa mukha nitong nagulat siya na nandito ako. You didn't expect that huh?
"Uh, C-Claire, you're here.." lumapit ako.
"Don't worry, hindi ko naman kayo pipigilan ng babae mo." tiningnan ko pa yung babae. Ang sama ng tingin nya sakin. Sorry girl, naistorbo ko ata ang honeymoon niyo. Lol.
"I thought you would."
"May itatanong lang ako."
"What was it?"
"About kay Dylan.." napasimangot siya.
"Itatanong ko lang kung anong flavor ng cake ang gusto niya..for his birthday." woah! Bilib ako ngayon sa sarili ko ah? Nasabi ko yun ng diretso.
"You're going to bake for him?" sumeryoso bigla yung mukha niya. Well, i don't care. Mas seryoso ako.
"Oo, as a gift. Ano na?" napangisi siya. Evil smile.
"Mocha." mas lumaki ang ngisi sa labi niya. Weird.
"K thanks. Alis na ko. Enjoy!" tsaka ko na siya tinalikuran. Uuwi na ako, kailangan ko pang mag-bake ng cake for Dylan.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...