Chapter 60: Elsa?
Buong linggo ko pa ring iniwasan si Blaise. Ayoko pa rin syang makita. Mahal ko sya, pero hindi ko siya kayang ipaglaban sa ganong sitwasyon. Wala akong laban.
Magiging ama sya at ayokong sirain ang pamilya ng batang nasa sinapupunan ni Lucy. Alam ko ang pakiramdam ng broken family, kaya siguro tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko. Ipinagtagpo lang kami ni Blaise, pero hindi kami ang itinadhana para sa isa't isa.
THE HECK CLAIRE! Hindi ba nga sinabi ni Dylan lahat ng alam nya. Paano kung hindi naman totoo yung narinig mo? Bakit hindi mo bigyan ng chance yung tao? Napaka cold-hearted mo naman!
Ay ewan! Nababaliw na nga ata ako. Pati konsensya ko kinakausap ko na. Err!
Nakaupo lang ako ngayon sa sala. Nakikinood lang ako sa pinapanood ng kapatid ko. Kalalakeng tao, Frozen ang pinapanood.
"You-
And I-
Were-
Just-
Meant to be!"
"Sus lolokohin lang sya ng prinsipe sa huli tingnan mo.." saad ko habang tinuturo turo pa yung prinsipe. Hindi ko pa naman napanood ng buo ang movie na to, hula ko lang yung iiwan si Anna ni Prince Hans.
"Pwede ba ate? Wag kang bitter!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ang bata bata nya pa pero alam nya na yun? The heck!
"Sige pasok ka ijo.." napatingin ako kay mama sa pinto. may kausap sya sa labas.
"Claire, anak, may bisita ka." napakunot ang noo ko. Nakatitig lang ako sa pinto hanggang sa pumasok ang isang gwapo...este manlolokong lalake. Si Blaise!
"Kuya Blaise!" salubong ni Clark kay Blaise. Wow. Kung maka-kuya agad ha?! Hinila hila nya pa ito papaupo sa sofa sa tabi ko. Umusog naman ako papalayo.
Bwiset!
Letche!
Kainis!
Kairita!
Ano pa ba? Ugh! BASTA KABADTRIP! Ano bang ginagawa nya dito?!
"Nandito ka?" madiing tanong ko. Walang gana ko syang tinitingnan. Sya naman tong parang maamo ang mukha na parang hindi makabasag pinggan. PARANG LANG, kasi ang totoo, nabasag na nya ang puso ko.
"Let's talk Claire.." ambang hahawakan na nya ang kamay ko ng iiwas ko ito.
"Wala kaming relasyon ni Lucy, believe me." para kaming may sikretong pinagbubulungan ni Blaise. Ni hindi namin pinaparinig ang sinasabi namin kay Clark. Buti nga at seryoso lang na nanonood ang kapatid ko.
"So? Pake ko." nagsex naman kayo. Gosh!!! Naiisip ko lang ang pagroromansa nila, nandidiri na ako. Wala silang relasyon pero nagawa nila yun? Ex with benefits? Ugh!
"Kung gusto mo, kausapin mo si Lucy para malinaw sayo ang lahat. I swear, walang kami Claire." napatawa ako ng mapakla. Kung satingin nyang paniniwalaan ko sya, hanggang satingin na nya lang yun. Wag na syang umasa kasi wala na kong balak pang magtiwala sakanya.
"Edi walang kayo. Okay. Maganda nga maging kayo para happy ending na lang diba?" mukhang naagaw ko ang atensyon ni Clark sa pagtaas ng boses ko. Nakatitig na ito sakin na parang nagtataka.
"Pagpasensyahan mo na si ate mo, ginagaya nya lang si Elsa na cold... sakin." pabulong nya pang sinabi ang huling salita. Kala naman nya hindi ko narinig. Inirapan ko ang kumag sabay hampas sa braso nya.
"Aww." aniya pa habang hinihimas ang braso nya.
"Manood kana lang Clark." nginitian ko ang kapatid ko. Sumunod naman sya. Agad akong sumimangot ng humarap ako kay Blaise. Anong expect nya? Ngingitian ko sya? Never.
"Satin ang happy ending Claire, please. Ngayon lang ako makikiusap.. Talk to Lucy to know about everything. Nagsasabi ako ng totoo." napapikit ako ng mariin sabay bumuntong hininga.
"Pag-iisipan ko." tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalayo.
"Elsa?" napatigil ako sandali ng marinig kong sinabi yun ni Blaise.
"Do you want to build a snowman?" hindi ko maiwasang mapangiti ng makita kong kandong kandong na ni Blaise si Clark sa lap nya. Tuwang tuwa silang dalawa habang ginagaya yung kanta sa Frozen.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Dylan nung nakaraang linggo, paano kaya kung hindi si Blaise yung nakabuntis kay Lucy? Paano kung tama lahat ng sinabi ni Dylan? Magiging maayos pa ba kami? Ewan, hindi ko alam...sana.
Ilang sandali akong nakatingin sakanila ng mahuli ni Blaise ang titig ko. Ngumisi siya.
"It doesn't have to be a snowman.." saad nya habang nakaharap sakin. Napailing ako.
"Go away Blaise." nakita ko syang natawa ng kaunti kaya inirapan ko na lang.
"Okay bye, i love you.." pakanta nya pang sinabi yun. No Claire! Wag kang bibigay. Tandaan mo, hindi ka pa sigurado kung nagsasabi siya ng totoo. Mahal mk sya pero magtitiis ka. Err.
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
JugendliteraturTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...