Chapter 48

2.8K 58 2
                                    

Chapter 48: Gusto




Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Blaise sa harapan ng classroom namin. Apat na araw ko na syang hindi nakikita dahil sa hectic schedule ng training nila, lalo na sya ang captain. Kaya naman hindi ko talaga expect na makikita ko sya ngayon..at dito pa.


Napalinga linga pa ako sa mga babaeng kaklase ko na halos maglaway na sa nakangising si Blaise. Sinamaan ko naman sya ng tingin at ini-snob pagkalabas ko ng classroom.


"Hey.." mas binilisan ko ang paglakad ko.


"Claire wait." sabay hawak nya sa kamay ko. Napatigil naman ako.


"Ano?!" sigaw ko ng maharap ko sya. Halatang nagulat sya sa ekspresyon ko. Kahit ako, nagulat rin kung bakit parang galit na galit ako sa pagsigaw ko sakanya. Hindi ko alam, siguro dahil hanggang ngayon, di ko pa rin maalis sa isip ko kung gaano sya kasaya sa picture habang kasama nya yung ex nya.


Kung hindi pa pala ako nag-stalk, hindi ko pa makikita. Nagmukha akong tanga.


"Galit ka ba?" Oo sobra! Ginawa mo kong tanga!!


Napabuntong hininga ako.


"Hindi, bakit naman ako magagalit?" tsaka ako ngumiti ng mapakla.


"I'm sorry kung naging busy ako sa training, pinilit ko namang--"


"No need to explain Blaise. Di ako galit." tsaka ko sya tinalikuran. Parang tinutusok ang puso ko sa ginawa ko sakanya. Sya ang may kasalanan pero pakiramdam ko, ako tong dapat magsorry. The heck why?!


"Come on, Claire. Tell me what's wrong." kita ko ang mga taong napapalingon sa aming dalawa. Para silang nagtataka kung bakit ako hinahabol ng iisang sikat na Blaise Santos.


"Wala nga.." saad ko habang diretsong naglalakad. Hindi na sya nakatiis pa at hinarang na nya ang sarili nya sa dinadaanan ko. Muntik pa akong mabunggo sakanya kung hindi ko lang napreno ang sarili ko.


"Galit ka nga." nakangising saad nya habang nakatitig sa mga mata ko.


"Hindi nga sabi."


"Wag ka ng magkaila pa Claire. Halata namang namiss moko.." inirapan ko sya.


"Miss mong mukha mo!" sabay tulak ko sakanya. Hindi naman sya nagpaawat at pinigilan niya pa rin ako sa paglalakad. Kahit anong pilit kong pagkawala sa pagkakahawak nya, hindi ko pa rin magawa. Sobrang lakas nya.


"Bakit ba ang cold mo?" halos manliit ang mga mata ko sa sinabi nya. Kita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata nya. Gusto kong sabihin na dahil to sa nakita ko sakanila ng ex nya, na dahil to sa takot kong mawala sya at takot na masaktan na ako ng sobra.


"Wala..hayaan mo na lang ako Blaise." mahinahon kong sagot habang dahan dahang inaalis ang kamay ko sakanya. Kahit na pilit nya itong hinahawakan pabalik, kusa ko pa ring inilalayo ang kamay ko. Ang sakit..


"Nagbago na ba yung nararamdaman mo sakin Claire? Hindi mo na ba ako gusto?" ang lungkot ng boses nya.. Gusto kong pasayahin sya, pero hindi ko magawa. Hindi rin kasi ako masaya sa ideyang masaya syang kasama ang ex nya habang wala ako.


"Hindi ko alam.." sagot ko. Napayuko ako sa takot na makita kung anong magiging reaksyon nya. Pero maliwanag sakin na nagsinungaling ako. Hindi totoong hindi ko alam, dahil ang totoo, alam ng puso ko kung gaano ko kamahal si Blaise.


"Claire!" napalingon ako sa likod ni Blaise. Nakita ko ang papalapit na Dylan kaya nagkunwari ako sa pagngiti na parang walang nangyari... na parang wala akong nararamdamang sakit.


"Hey dude, sakto pinapatawag ka ni couch sa gym, may sasabihin daw para bukas." saad ni Dylan ng makarating sya sa harapan naming dalawa ni Blaise. Kita kong napalingon sakin si Blaise pabalik kay Dylan. Bumuntong hininga sya.


"Ganon ba? Sige.." tsaka siya nagpilit ng ngiti.


Ang bigat bigat ng pakiramdam ko habang nakikita syang naglalakad papalayo sakin. Parang gusto kong ako naman ang pumigil sakanya ngayon at bawiin kung anong nasabi ko kanina.


"Tara Claire, hatid na kita sainyo." napatingin ako kay Dylan na nakangiti ngayon. Gustuhin ko mang ngumiti tulad ng kanya, hindi ko magawa. Napalingon ulit ako sa nilalakaran ni Blaise kanina at nakitang wala na sya...sht.


"O-Okay.." pagsang-ayon ko kay Dylan.


*bvvv! bvvvv!*

(Text message from Blaise)

"Alam ko, may iba ka talagang gusto."



----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon